Chapter 136

5 2 0
                                    

Churi's POV

Nakarating na kami sa airport pero di pa rin sila tapos sa pang aasar sakin. Inirapan ko nalang silang dalawa habang inuunahan ko silang maglakad.

Nang makarating ay agad akong naupo, sinalubong ako nila Jun at Minghao na nauna na pala samin, di rin nagtagal ay dumating silang dalawa na seryoso na yung mukha.

Naupo si Jeonghan sa kaliwa ko habang nasa kanan ko naman si Kuya.  Sunod sunod na nagsidatingan sila DK kasama sila Scoups, Doctora , at Michelle. Nakasunod sa kanila sila Seungkwan at Dino.

Excited silang lahat na makauwi sa Pilipinas, maging kami rin naman ay masaya at excited na.

Nakita ko mula sa malayo sila Joshua, Vernon at Woozi na mabagal na naglalakad, parang kulang sa tulog ang mga luko.

May naramdaman akong kumalabit sakin kaya agad ko itong binalingan ng tingin.

"Oh? Anong kailangan mo?" tanong ko kay Jeonghan.

"Ikaw" giit niya sabay kindat. Ramdam ko din ang pag akyat ng dugo sa mukha ko. Rinig ko pa ang tilian nila Seungkwan na kala mo'y mga kambing na kinikilig.

Hinampas ko siya sa balikat, tiningnan ko agad  si Kuya para makita kung anong reaksyon nito pero laking gulat ko nang makitang may maliit na ngiti sa labi niya. Ayos, parang mas kinilig ata siya sakin.

Imbes na pansinin si Jeonghan ay nagkunwari nalang akong may hinahanap. Nakakahiya naman kasi, ang dami naming kasama, nangdito din kaya yung Section A at Section B.

Naramdaman ko nalang yung pasimpleng paghawak ni Jeonghan sa kamay ko, pinandilatan ko naman siya dahil akmang itataas niya yung mga kamay namin pero agad ko namang pinigilan, bumabalik na naman si Jeonghan sa dati. Ganitong ganito siya sakin noong elementary kami.

Natawa siya nang mahina sa inasta ko.

Nagsitayuan na yung Section nila Baekhyun at Section nila Jimin hudyat na magsisimula na yung flight nila. Since private planes naman nila Kris ang gamit at sariling airport naman nila tong kinatatayuan namin, di na komplekado yung pagsakay sa eroplano, depende sa oras kung kailan namin gusto lumipad.

Since kompleto na yung section nila ay nag paalam na sila sa amin na mauuna na sila. Agad naman kaming ngumiti at nag paalam sa kanila.

Maya maya ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko kaya agad kong tiningnan kung sino yun. Agad na nakita nang mga mata ko ang paparating na sila Hoshi, may dala dala silang paper bag na kulay pink.

Kahit sa malayo ay klarong klaro na yung ngisi niya na kita ang gilagid. Nakasunod lang naman sa kanya sila Mingyu at Wonwoo na may dala dala ring malalaking box sa kamay. Sobrang dami nang dala nila. Sinalubong ni Kuya si Hoshi at kinuha ang paper bag mula sa kamay niya.

Sinilip niya ang laman nun at napangiti sabay thumbs up kay hoshi.

"Nangdito na yung mga foods for everyone!" Anunsyo ni Mingyu at inilapag ang mga box na dala dala nila. Isa isa silang kumuha nang pagkain mula doon.

Naglakad naman papunta sa gawi namin si Kuya dala dala yung box na hawak ni Hoshi kanina.

Naupo si Hoshi sa gilid ni Kuya habang halata naman na may hinahanap siya.

"Sinong hinahanap mo pangit?" Tanong ni Kuya sa kanya.

Nagkamot siya nang batok at nahihiyang ngumiti.

"Si lexine, nakita niyo?" Sabi niya, agad siyang kinurot ni Kuya sa tagiliran kaya napa iktad siya at bahagyang namula yung pisngi.

"Ayun siya oh!" Giit naman ni Jeonghan habang nakaturo sa kung saan. Tiningnan namin yung tinuturo niya at agad na nakita nang mga mata ko si Lexine na papalakad sa gawi namin.

Mas namula pa yung pisngi ni hoshi na ani mo'y nilalagnat na.

"Hosh okay ka lang?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Namumula ka yata hosh, may lagnat ka ba?" giit naman ni Jeonghan na sumusuporta sa pang aasar ko.

"Nagbublush si bunso" sabi naman ni Kuya at kinurot na naman yung tagiliran ni Hoshi kaya mahina siyang napa aray.

Tuluyan na nakarating sa gawi namin si Lexine na agad namang ngumiti samin. Umusog si Jeonghan kaya umusog narin ako, sumunod naman si Kuya na umusog narin para mabigyan nang space yung gilid ni Hoshi para doon maupo si Lexine.

Di naman kami nagkamali nang galaw kasi doon nga naupo si Lexine.

Dahil sa tuwa,kinuha ko yung camera ko sa bag ko at itinutok iyon sa kanila nang di nila namamalayan. Napangiti nalang ako nang maalala ko yung una naming pagkikita ni Hoshi.

Kinunan ko siya nang litrato nun tapos dun na kami nagsimulang magkaibigan.

Kinuha ko yung photocard na lumabas at napangiti, ibibigay ko to kay hoshi balang araw. Kinunan ko pa sila nang maraming litrato hanggan g sa kunin ni Jeonghan mula sa kamay ko yung camera.

"Gusto mo, kunan ko kayong tatlo nang litrato?" Giit niya habang nakangiti. Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na tumango.

"Kuya, hoshi, picture tayo!" Masayang sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo.

Naexcite naman si Kuya at Hoshi na agad ring tumayo. Naglakad kami papunta sa may magandang view, nasa gitna nila akong dalawa.

Ngumiti kaming tatlo sa camera.

"3 2 1 smile" giit ni Jeonghan at clinick yung camera.

"Ibang pose naman" nag iba kami nang posisyon at ngumiti na naman sa camera.

Di ko alam kung bakit iba yung nararamdaman ko ngayon, sobrang saya na diko mapaliwanag.

Naka ilang click pa si Jeonghan sa camera bago kami natapos. Tiningnan namin yung mga kuha niya at di ko maiwasang mapangiti sa saya.

"Para kayong magkakapatid" sabi pa ni Jeonghan habang inilalahad samin yung mga litrato.

"Wala akong kapatid na bansot" nang aasar na sabi ni Kuya kay Hoshi na agad naman siyang sinamaan nang tingin .

"Kami naman" sabi ko at ibinigay kay Kuya yung camera.

Di naman siya pumalag at itinutok na sa amin yung camera.

Yung nararamdaman kong saya kanina, mas lumala pa ngayon.

"Ang sweet, sana all" sabi ni Hoshi na halata namang nagpaparinig kay Lexine. Agad naman siyang kinurot ni Lexine sa tiyan. Hmmmm may kakaiba talaga sa dalawang toh eh.

May spark sa mga mata nila.

Mas lumaki yung ngiti ko nang makita ang mga kuha ni Kuya na litrato namin.

Para kaming penguin sa suot namin.




Please Vote!




When the moon howls [Season 2]Where stories live. Discover now