Churi's POV
"I dedicate this song for Lexine" giit ni Hoshi sabay ubo na para bang hina handa yung boses nya. Kanina pa ako tawa ng tawa habang nakatingin sa kanila.
"Plema lang yan pre, iputok mo na!" sigaw sa kanya ni Dino, kaya umubo naman si Hoshi.
"Hahaha ano lasa hosh?" tawang tawa na tanong ni DK.
"Not too strong, not too creamy, just right" Taas noo nyang sagot kaya agad na nag sitawanan ang mga tukmol na siyempre sa pangunguna ni DK.
Kahit ako humagalpak na rin sa pagtawa.
Nagsimula na yung tugtog, kumindat pa si hoshi kay Lexine bago magsimulang kumanta.
🎶Ako'y nasa malate, alas siete ng gabi🎶
🎶Nakilala ko tuloy itong magandang babae🎶
🎶Na nakabibighani saking mga mata🎶
🎶Ang di ko lang alam ay manluluko lang pala🎶
Oh shit, si hoshi nga!
May pa hand gesture pa ang singkit na para bang isang profesional na singer may kimbot pang kasama.
🎶When the night has come🎶
🎶At pinatay ang ilaw🎶"Hosh tama na , alam kong may problema ka pero wag mo naman idaan sa ganyan" giit ni Jun na para bang na poproblema na ng husto kay Hoshi.
Tumawa naman ng malakas sila Scoups na siyempre sa pangunguna parin ni DK.
Patuloy lang sila sa pagtatawanan nang bigla kong mapansin si Joshua na naka upo lang sa may sulok. Kinalabit ko si Jeonghan na agad namang lumingon, tinuro ko si Joshua na nakaupo sa may kusina.
"Hmm, are you worried about him?" bigla nalang nagsalubong ang kilay ni Jeonghan sakin, nababaliw na ata tong lalaking toh.
"Siyempre naman! Tingnan mo oh parang ang lalim ng problema" sabi ko sabay nguso sa kinaroroonan ni Joshua.
"May iniisip lang yan, wag mo na pansinin" sagot nya kaya agad ko naman syang binatukan.
Napakamot naman sya sa ulo at saka naunang naglakad papunta sa direksyon ni joshua.
Agad naman akong sumunod habang tinatago yung ngiti na pinipigilan ko, ang cute nya kasi kanina habang nagkakamot ng ulo. Hahaha parang unggoy.
"Is there any problem?" tanong ni Jeonghan kay Joshua. Ngumiti naman si Joshua sa kanya at umiling.
"Sure ka?" paninigurado ko sa kanya. Tumango naman sya sabay ngiti, naputulan ata ng dila si Joshua, ayaw magsalita.
"So anong ginagawa mo dito? ba't di ka sumali samin dun?" tanong ko sa kanya. Umayos sya ng upo at nagbuntong hininga, mukhang ang lalim nga ng dahilan nya.
Ano kaya ang problema nya? Family problem? sakit? business?
Base kasi sa itsura nya, napaka tindi ng problema na pinag dadaanan nya.
Tumikhim pa sya kaya napatingin ako sa kanya, hinintay ko syang sumagot hanggang sa tuluyan nang bumukas yung bibig nya para magsalita.
"Binabantayan ko yung mga pagkain, alam mo na baka tumakbo" ayyyyyy, luko luko din pala tong lalaking toh, kala ko kung anong matinong sagot yung sasabihin, kalukuhan lang pala.
Kala ko naman may problema sa business o di kaya sa family, pero totoo kaya? binabantayan nya lang yung pagkain?
"Puro seafoods yan, di yan tatakbo, siguro kung may tubig dito baka lumangoy yan pabalik sa dagat" giit ko at tumawa naman ang dalawang lapas tangan.
"Di kasi maalis sa isip ko yung mga agents na tumulong satin, pano kaya nila nalaman na nangdun tayo?" kunot noo nyang sabi.
"Alam mo pre, tsaka mo na isipin yan, halika ka na" giit ni Jeonghan at hinila ang kamay ni Joshua, wa namang nagawa si Joshua kundi ang sumunod nalang kay Jeonghan, pati ako ay sumunod narin sa kanila.
Ang saya saya nila habang nagkakantahan. Nakita ko pa si Kris na nakangiti sa may sulok, teka ang dami ko pa palang tanong sa kanya. Papatawarin ko na kaya siya? di bale na siguro. Ang tagal na nung kasalanan nya sakin at saka nagsorry na naman sya.
Kinalabit ko si Jeonghan. Tumingin sya sakin at ngumiti.
"May kakausapin lang ako, pwede ba?" giit ko sa kanya, nag cross arm naman sya sa harap ko habang nakataas ang isang kilay.
Napapansin ko na talaga na nagiging possessive na sya sakin.
"Who?" tanong nya sakin.
Mag iisip sana ako ng dahilan pero nakaka ilang na yung titig nya sakin na para bang sinusuri yung laman ng utak ko. Naku wala naman syang makikita dito kasi wala itong laman.
"A-ano si---
"If she's a girl i will let you, but if it's a man, damn no" sambit nya na nagpatigil sakin. Ang oa naman ng lalaking toh. Ano yun pati si Kuya di ko kakausapin. Di ko maiiwasan na di maki pag kausap sa mga lalaki lalo na't apat lang kami na babae ang nandito. May itatanong lang naman ako kay Kris eh. Ba't sya ganon?
"Is there something wrong with that?"
"Wala naman, may tatanongin lang naman ako eh" pagdadahilan ko.
"Sino?"
"Si Kris"
"I'll go with you"
"Pwede namang dito ka lan---
" I'll go with you, that's final, talk back or i will kiss you"
Tuliling talaga tong lalaking toh, sandali lang naman ako kay Kris eh, itatanong ko lang kung nasaan yung section a at section b. Kawawa naman kasi sila Jimin at sila Baekhyun kung iniwan lang pala sila dun sa resort.
"Sige na nga" labag sa loob na sabi ko.
"Great" sagot ng unggoy habang nakaangat ang sulok ng labi.
Inirapan ko naman sya pero tumawa lang naman sya sakin. Halos padabog akong naglakad papunta sa direksyon ni Kris habang nakasunod naman sakin ang punggok na lalaki, bodyguard ko.
Vote and enjoy!
A/N: Taeyon's song entitled "Fine" is so nice🖤
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 2]
Teen Fiction"Always remember we are under the same sky, looking at the same moon." When will we see the cure? When will we survive from this?