IKA-LABINGDALAWA

110 12 3
                                    

FIRST NIGHT AS WIFE AND HUSBAND

Janice's Point of View

Narito na kami ngayon sa Reception hall. Yung boquet ko kanina na hinagis sa labas ng simbahan eh si Charmaine ang nakakuha. Isa sa mga employee namin. Nagrereklamo pa nga dahil wala naman daw siyang jowa kaya paanong siya ang next na ikakasal?

Pasaway. Napuno tuloy ng halakhakan ang labas ng simbahan kanina.

Kasalukuyan kaming nagsasayaw ngayon ni Mahal sa gitna habang kinakabitan ng mga pera ang aming mga kasuotan. Nakakatuwa kase ang daming pera sa paligid. Meron sa ilalim ng pinggan, sa mesa at kung saan saan pa. Ang saya palang ikasal eh. Ang daming magbibigay ng pera.

Pero biro lang. Yung ginastos dito ni Mahal, nako. Ang daming zero. Pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang yaman niya eh. Basta sabi niya, naipon niya daw iyon noong fallen angel pa siya.

Parang bumalik ako 10 years ago nang tumugtog ang kanta.

Mabagal by Daniel Padilla and Moira Dela Torre.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Nung birthday ni Ram.

You're more beautiful tonight!

Kyaaah!

Siya pa ang pinakacold na nilalang noon pero sinabihan niya ako ng mas maganda ako nung gabing iyon. At hindi lang iyon ha. Pinatigil niya pa ang oras para kami lang ang gumagalaw sa mundo that time. Dati palang, sobrang sweet niya na. Hindi nga lang niya alam noon kung paano iexpress. Pero ngayon jusko, expert na siya. Ultimo kindat niya eh hihimatayin na ako sa kilig.

Patuloy lang ang pagdidikit nila ng pera sa mga kasuotan namin ng biglang bumulong si Mahal.

"Ang tagal naman ng uwian!" Nakakunot noo niyang bulong. Hinarap ko siya at pinagmasdan. Parang bored na siya.

"Hindi ka na ba nag eenjoy?" Siyempre nag aalala ako kay Mahal. Hindi pa ata siya ganon kasanay sa ganito. Yung siya ang center of attraction. Naku, samantalang lagi naman siyang center of attraction, eh lumabas nga lang siya sa kalsada halos lumabas na ang mata ng mga kababaihan eh.

"Hindi naman sa ganon, Mahal. Feeling ko kase, mas mag eenjoy ako mamaya!" Sagot niya.

"Mamaya? Bakit, anong meron mamaya?" Naguluhan ako bigla? May after party ba? Diba uwian na after nito?

"Kapag nag uwian na silang lahat. Yung tayo nalang dalawa!" Nagsmirk siya sabay kindat. Napalunok ako bigla sa inasal niya. Hinampas ko agad siya sa braso.

"Yah! Anong kapag tayo nalang ha. Gadreel umayos ka!" Nagpalinga linga ako agad sa paligid. Baka may nakarinig eh. Kaso bigla niya akong hinapit papalapit sa kaniya kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"Mahal, ang daming tao. Nakakahiya!" Shemay, namumula na ako dito.

"Eh bakit ba. Akin ka naman na eh!"

Bakit ba kase ang lagkit niya makatingin. Antayin niya manlang muna na kami nalang dalawa bago siya mag ganyan diba? Ay shit. Janice, isa ka din eh.

"Pag hindi ka pa nagtino jan naku.." Banta ko.

"Ano? Anong gagawin mo sa akin?" Makahulugan niyang tanong. Hinampas ko nga ulit sa braso.

"Oo na oo na. Biro lang. Pero mahal, gusto na talaga kitang masolo!" Pagsuko niya. Napangiti nalang ako.

"Ako din naman. Pero part ito ng seremonya kaya mag enjoy nalang muna tayo, okay? Tsaka tignan mo oh. ang dami pa nilang nilalagay na pera. Sayang din ito!" Sagot ko. Napatitig siya sa akin pagkatapos ay tumawa. Nakitawa na rin ako.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon