IKA-ANIM

186 20 3
                                    

Dedicated to: MhelRizaEspeleta6

DREAM

JANICE'S Point of View

Hindi na ako nakatulog after ko magising sa nakakatakot na panaginip na iyon. Alas tres na ng madaling araw at napuno agad ng pangamba ang utak ko.

Walang ibang laman ang isip ko kundi ang panaginip na iyon. What kind of dream is that? I can't stop thinking about it. My mind is about to explode. Halo halo. I know it's just a dream but I can't help myself think na may ibang meaning iyon.

Everything seems so real. Lahat ng detalye at pangyayari doon ay parang totoo.

Nanginig ako ng muling balikan ang pangyayari sa panaginip. Did I just encounter, LUCIFER? Is it really him? Sa aura niya, tindig at lahat lahat. I can say na sobrang nakakatakot siya. Super cold na walang ibang emosyon kundi ang pananabik at galit.

His presence is more than enough para hindi ka makagalaw sa kinatatayuan mo. Sobrang intimidating niya.

Ito na ba iyon?  Ang kapalit ng mga sayang nararamdaman ko ngayon? Muling tumulo ang mga luha sa pisngi  ko kaya dahan dahan ko itong pinunas gamit ang palad ko.

Whatever it is. I shouldn't be affected. Normal na tao si Mahal hindi ba? Tao na siya eh, MORTAL. Siniguro niya iyon sa akin at iyon ang paniniwalaan ko. Maybe I overthink too much kaya ganon ang naging panaginip ko.

Muli akong napatingin sa orasan at alas singko na ng umaga kaya naman minabuti ko ng bumaba upang magkape.

Patay pa ang lahat ng ilaw. Tulog pa sila papa. Usually kase 5:30 pa sila gumigising eh.

Nagtimpla na ako sa paborito kong baso. Isang kutsarang kape, tatlong kutsarang creamer at isang kutsarang asukal. Hindi ko alam kung maweweirduhan kayo sa way ko ng pagtimpla sa kape ko pero ganon eh. That's the perfect blend for me.

Saglit lang at bumaba na sila papa. Nagulat pa sila na madatnan ako doon kaya nagdahilan nalang ako na nagising ng maaga. Sinaluhan na nila ako at nagkamustahan.

Matapos ang usapan at pagkakape ay dumiretso na ako sa paliligo. Dumating ulit si Mahal upang sunduin ako, napangiti naman ako.

"Mahal bakit parang ang tahimik mo?" Bumalik ako sa wisyo sa sinabi niyang iyon. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Mahal!" Panimula ko. Nakatitig ako sa kaniya habang busy siya sa pagmamaneho.

"Hmm?" Pinasadahan niya ako ng ngiti bago muling tumingin sa daan.

"Mortal ka na talaga 'di ba?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang natawa siya bigla. Kaya napakunot noo ako.

"I'm serious!" Napatigil naman siya sa sinabi ko. I need to clear this one thing. I am bothered by that dream. I hear him sigh at sumeryoso na rin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Yes. I am. Don't think too much okay? If I am not, why did they release me?" mahinahon niyang sagot na tila kinukumbinsi ang naguguluhan kong utak. Hindi ako nakasagot at alam niya iyon kaya may pahabol siya.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon