A MARRIAGE LIFE
JANICE'S Point of View
Nagising akong mag isa sa kama. Nasan kaya si Mahal? Mag aalas sais pa lamang ng umaga. Ganitong oras talaga ako lagi nagigising. Kumbaga eh parang nakaprogram na ang katawan ko sa ganitong proseso. Kahit anong late ko matulog. Gigising at gigising ako ng 6 am.
So ayun na nga. Hinanap ko si Mahal sa tabi ko pero wala siya. Chineck ko siya sa CR pero wala din.
Maaga rin ba siya gumigising?
Minabuti kong bumaba upang hanapin siya. Mula sa sala, sa mga kwarto at pool wala siya.
Kakabahan na sana ako ng marinig ko ang tunog ng takure.
Bakit nga pala hindi ako pumuntang kitchen? Agad kong tinungo ang kitchen, hindi pa rin kase tumitigil ang pagtunong ng takure.
Naabutan ko doon ang nakasalang na takure at patuloy sa pagtunog habang si Mahal naman ay nakasubsob sa lamesa. Napangiti naman ako.
Dali dali kong nilapitan ang stove para patayin ito. Hindi parin nagigising si Mahal.
Nagsimula na akong magtimpla ng kape para sa aming dalawa. Chineck ko rin ang mga aparador at may nakita akong slice bread. Agad akong gumawa ng mga toasted bread pagkatapos ay pinalamanan ng butter.
Nang handa na ang lahat ay nagtungo na ako sa lamesa at pinatong doon ang mga kape namin at tinapay.
Nilapitan ko si Mahal at pinagmasdan. Nagpapaimpress ka Mahal ha. Hindi na kailangan dahil presensya mo lang, solve na solve na ako.
Dahan dahan kong hinimas ang pisngi niya na naging dahilan upang magising siya. Nagulat siya ng makita ako.
"Hala! Yung pinakuluan kong tubig." Tumayo siya bigla para icheck ang stove.
"Nasan na?" Naguguluhan niyang tanong.
"Eto na!" Nakangiti kong sagot. Napasapo tuloy siya sa batok habang nahihiyang umupo sa silya.
"Sorry Mahal, nakatulugan ko pala!" dissappointed siya sa sarili niya.
"Ikaw talaga. Hindi ka dapat magsorry. Bakit ba kase ang aga mo gumising?" Inilapit ko na sa kaniya yung black coffee niya.
"Gusto sana kitang ipaghanda ng breakfast, kaso nagfail!" Humigop siya sa kape. Natawa naman ako at the same time ay natouch.
"Hindi mo naman kailangang gawin iyon" sagot ko.
"Gusto ko!" Nakasimangot niyang tugon. Inabutan ko siya ng toasted bread.
"Ako dapat ang gumagawa niyan. Simula bukas, ako na ang maghahanda ng umagahan natin!" Sabi ko. Napatingin naman siya sa akin ng seryoso.
"Ako nalang Mahal, mapapagod ka lang eh tsaka gigising ka pa ng maagap" pagtutol niya.
"Huwag ka ng makulit. Ni hindi ka nga sanay gumising ng maagap eh. haha. Ganitong oras talaga ako nagigising kaya walang problema sa akin. Ang gagawin mo lang ay hintayin ako na gisingin ka, maliwanag ba?"
"Pero Mahal.." Binaba niya ang hawak niyang kape.
"Wala ng pero pero. Basta ako na lagi ang gagawa ng breakfast pati dinner. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tinaasan ko siya ng kilay para sindakin sana. Ang lakas ng loob ko diba? Ang cute niya nga ngayong tignan. Parang batang pinapagalitan. Kokontra pa ulit sana siya ng mas tumaas ang kilay ko. In the end ay sumuko na siya.
"Okay po" parang batang napilitan ang sagot niya.
Matapos magkape ay pinauna ko na siyang maligo dahil magliligpit muna ako ng ginamit naming mga baso. Si Mahal ,gusto pang siya ang magligpit. Napakakulit. Natatawa nalang ako.
BINABASA MO ANG
BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)
RomanceWhat's In The 13th Floor Sequel. What happened next after the 13th floor scenery where Gadreel came back for Janice? Is it really the happy ending they seek all their lives? Or is it a start for another tragic love story they avoid the most? Come ag...