IKA-SIYAM

169 13 1
                                    

ENGANGED WITH THE FALLEN ANGEL

JANICE's Point of View

"Congrats Maam!"

"Congrats po!"

"MAAM! Kainggit ha!"

Bawat madaanan ko ay puro pagbati ang ibinibigay sa akin. Galing kase ako saglit sa Restroom. Hindi pa kase nagsisink in lahat sa utak ko at kailangan kong mahimasmasan. Hindi na rin maalis ang mga ngiti sa labi ko lalo ng marealize na totoo ang lahat. ENGANGED na kami!

Wala ng makakapaghiwalay sa amin. Sa ngayon ay papalapit na ako sa taong paglalaanan ko ng buong buhay ko. Kasama niya ang aking pamilya na nagkakatuwaan. Ang saya saya nila. Lalo at pinapanood ko sila. Nakayakap si Mama kay Papa. Nakaakbay naman si Kuya kay Ate Sophie habang katabi si Sophia.

"Mabuti at nakarating kayo!"

Iyon ang naabutan kong usapan nila. Tinutukoy ni Mahal ay si Kuya.

"Oo nga Kuya Julius, pinayagan kang umalis sa Qatar?" Pakikisabat ko. Agad namang hinila ni Mahal ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Ano ka ba Janice. Isa ito sa mga pinaka importanteng araw sa buhay mo. Papalampasin ko ba naman iyon?" Natatawang sagot ni Kuya.

"Salamat ,Kuya Julius!" Nakakatuwa na bumalik talaga si Kuya dito sa Pilipinas para dito. Nakakatouch ng sobra.

"Janice, congrats!" Kumalas si Ate Sophie sa pagkakaakbay ni Kuya bago lumapit sa akin at yumakap.

"Salamat, Ate!" Naluluha na naman ako.

Nagtagal pa kami doon ni Mahal ng ilang minuto dahil sa dami nilang kinwento. Siyempre, namiss ko rin si Kuya Julius at Ate Sophie plus si Papa ang dami ring sinasabi. Mga payo sa pag aasawa. Namumula na nga kami ni Mahal habang pinapangaralan nila eh.

Umabot na ng alas dose ng hating gabi kaya naman pumasok na sila mama at papa sa kwarto. Si Kuya at Ate ay ganon din, nakatulog na kase si Sophia.

Sa puntong ito ay si Ram at Claire naman ang lumapit sa amin para i-congratulate kami.

"Sir!" Agad na naglapat ang mga kamay ni Mahal at Ram ,nag high five ba naman sa harap namin. Nakakatuwa dahil nagmumukhang bagets si Mahal sa ginawa nila ni Ram.

"Congrats Ma'Friend!"

Lumapit sa akin si Claire para yumakap. Ang higpit ng yakapan namin.

"Salamat, Ma'friend!" Balik ko.

"Ito na iyon Janice. Alam kong hinintay mo ang pagkakataong ito. Masayang masaya ako para sa iyo!" Nako, pinapaiyak na naman ako ng babaeng ito. Wala na akong naisagot, mas hinigpitan ko nalang ang pagyakap sa kaniya.

"Success ang plano natin, Sir!" Ani Ram. Kaya napakalas kami ng yakap ni Claire.

"Salamat sa tulong!" Sagot ni Sir sabay tapik sa braso niya.

"Wala iyon, Sir!" Balik ni Ram.

"Plinano niyo ito?!" Sabay naming tanong ni Claire. Out of curiosity ang tono ng pagtatanong ko pero iba yung kay Claire. Parang may hinanakit.

"Bakit hindi ko alam 'to?"

Natahimik iyong dalawa. Nakataas na yung kilay ni Claire at ang talim ng mga tingin. Parang pati si Mahal ay  natakot sa inasta ni Claire. Hindi naman makatingin si Ram.

"Sabi kase ni Ram, huwag ipaalam sa iyo. Baka daw mabanggit mo kay Mahal. Madaldal ka pa daw naman!"

Nagulat ako ng biglang magdahilan si Mahal ng parang bata. Ilang araw palang silang magkasama ni Ram pero ang laki na ng impluwensya ng mokong. Hindi ko tuloy mapigilang hindi tumawa.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon