IKA-LABING SIYAM

79 10 1
                                    

KAPALARAN NG ISANG SUPLING

JANICE'S Point of View

"L-Lucifer?" Nanginginig ako habang nakatago sa mga pakpak ni Azrael. Presensya niya pa lang ay kinikilabutan na ako. Hindi naman na ito bago lalo at siya ang hari ng impyerno. Pero para sa isang tulad kong mortal, ang makita siya ng harapan at personal ay isang nakakagimbal na pangyayari.

"Oh, bakit parang duda ka pa? Ilang beses na tayong nagkita ,hindi ba?"  Ngumiti siya habang sinasabi iyon. Kusang nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Ano? Nagkita na kayo dati pa?" Sabat ni Azrael na ngayon ay nakahanda sa ano mang magaganap.

"Sa mga panaginip at ilusyon!" Bulong ko.

"Hahaha. Panaginip o ilusyon, totoo ang lahat ng iyon. Pasalamat ka at pinaabot ko pa ang buhay mo ng ganito katagal. Pero huwag kang mag alala. Dumating na ang araw na para sa iyo at sa iyong anak!" Napakapit ako ng napakahigpit sa tela ng damit ko.

"H-Hindi ako papayag. Na makuha mo ang anak ko, namin ni Gadreel!" Mahina kong sagot sa kaniya.

He smirked.

"Kahit anong gawin mo, wala kang magagawa. Magsama sama pa kayong tatlo laban sa akin. Ako si Lucifer at ako ng pinakamakapangyarihan sa mundong ito!" Parang tumatagos ang mga tingin niya. Kabang kaba na ako pero kailangan ko itong labanan.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya.

"Alam kong alam mo na ang sagot diyan. At wala akong balak magpaliwanag sa isang mortal na katulad mo!"

"Pwede ba Lucifer, pabayaan mo na silang dalawa ni Gadreel. Alam kong tinuturing mo parin siyang kapatid. Hayaan na natin silang maging masaya!" Sigaw ni Azrael sa hari ng impyerno.

"Wala na akong kapatid simula ng suwayin niya ako. At isa ka pa Azrael. Hindi ka dapat nakikialam sa gulong ito. Kaya kung ako sa iyo, aalis na ako bago ka pa madamay!" Ganti ni Lucifer.

"Kahit buhay ko ay handa kong ialay para kay Jaice at Gadreel. Dahil mahal ko silang dalawa!"

"Mahal? Pag-ibig? Hahaha. Kaya kayo mahina, dahil sa pag ibig. Nagbibigay lamang ito ng takot sa inyo. Tignan mo nalang ang pinakamamahal mong kapatid na si Gadreel. Wala na siyang silbi dahil wala na siyang magagawa. Tinalikuran niya ang pagiging fallen angel at kapangyarihan para sa pag ibig na sinasabi mo. Kaya tignan mo ngayon, wala siyang magagawa kapag pinatay ko na ang pinakamamahal niya. Isang hangal!" Napapaluha na ako sa nagaganap. Siguradong mag aalala at malulungkot si Mahal kapag umuwi siyang wala na kaming buhay. Maaaring mangyari iyon lalo at si Lucifer ang naririto.

"Huwag kang mag isip ng ganyan Janice, hanggat narito ako. Poprotektahan ko kayo ng baby mo!"  Napansin niya sigurong sumusuko na ako.

"Salamat, Azrael!"

"Mukhang desidido ka ng magbuwis ng buhay ,Azrael. Para sa walang kwenta mong kapatid at babaeng iyan!"

"Tama ka. Handa akong magbuwis ng buhay para sa kanila. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo. Hindi sila mga walang kwenta. Ang halaga nila ay hindi matutumbasan ng kahit na anuman!" Pagkasabi ni Azrael noon ay bigla niya akong niyakap. Binuka niya ang mga pakpak niya at lumipad kami paatras. Mabilis na nabasag ang salamin sa bintanang nilabasan namin.

"HINDI KAYO MAKAKATAKAS!" Narinig kong sigaw ni Lucifer. Iglap lang at nasa kalangitan na kami. Nagulantang naman ako ng masulyapan sa likod si Lucifer.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon