IKA-PITO

172 22 2
                                    

OUT of TOWN

JANICE'S Point of View


Three days have passed since nangyari ang kakaibang pangitain na iyon sa akin. I can't help but convince myself to not think about it. Pero hindi ko magawa. Sariwa ang lahat sa ala ala ko. It seems so real. Na totoo itong magaganap. Should I do something? Should I go there and tell him what is gonna happen to him? Should I scold him and tell him to always put himself in safety? Hindi ko alam, naguguluhan ako. Bakit ganito ang nangyayari sa akin. This past few days, something has changed. Hindi ako sigurado kung ano iyon pero kinakabahan ako. Why am I experiencing this?

"Ma'friend, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah!" Nagsnap ng finger sa harapan ko si Claire.

"Ah wala ito. Ang dami kase ng works. Sumasakit ulo ko, Ma'friend!" Nagkunwari naman akong masakit ang ulo. Natawa naman sila ni Ram. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay sa akin ni Mahal. Ang init non at ang lambot.

"Okay ka lang?" He always asked that question. Alam kong nababagabag na din siya sa akin. Ayokong magtapat sa kaniya dahil masaya kami. At ayokong sirain yun ng mga hallucinations ko. I held his hand back.

"Of course, Mahal. Sa work lang talaga!" Sagot ko at isang ngiti lang ang binalik niya. Pinagpatuloy namin ang pagkain.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na tao ka na ,Sir" pagbubukas ni Claire ng topic. Napaayos naman si Mahal ng pwesto sabay ngiti.

"Ako din naman nung una. Sobrang saya ko nung sunduin ako ni Azrael noon sa impyerno. Pakiramdam ko nga, sasabog na ang puso non sa kaba at excitement eh!" He is very on the topic. Gustong gusto niya iyon at ang saya saya niya. Hindi ko maiwasang titigan siya habang masayang nagkukwento.

"Kamusta na si Azrael?" Biglang tanong ni Claire. Napatingin ako sa isang lalaking nakangiti din kanina pero ngayon ay iba na ang mood.

"Hey, are you still into him?" Nabitawan niya ang kutsara niya sabay lingon kay Claire.

"Into him? Sira, crush ko lang siya no!" Sagot ni Claire, at sa narinig ni Ram ay mas lalo itong nag alburoto.

"What did you say?"

And here they are again. Fighting for a such a nonsense arguments.

"What's wrong with that? Ang pogi niya kaya. Tsaka Angel siya!" Sabi ni Claire.

"Eh ako. Asawa mo ako ah!"

Pinagpatuloy na lang namin ni Mahal ang pagkain. Bahala sila sa mga buhay nila. Matatanda na sila eh. Maya maya naman eh magkakasundo na rin iyang dalawa.

"By the way, Sir Gadreel and Janice!" Sabay kaming napatingin kay Claire. Napansin ko rin ang paghoholding hands nila ni Ram. They make up already. Childish. Natawa tuloy ako sa isip ko. Kung hindi lang talaga sila cute para sa akin ay malamang nabatukan ko na ang mga iyan.

"What is it?" Takang tanong ko. Ngumiti ng malawak si Claire.

"Next week will be our team building!" Bulalas niya na ikinatuwa ko na rin.

"Next week na yun?" Manghang tanong ko.

"Kakasabi ko lang hindi ba?" Walang ganang sagot ni Claire kaya pinanggigilan ko siya. Pingutin ko na kaya ang tenga ng babaeng ito. Masyadong matabil ang bibig eh.

Agad naman siyang tumawa, alam kong nagbibiro lang siya. "Janice, saan niyo gusto this time?" Excited niyang tanong.

Napaisip ako bigla. Saan nga ba maganda? Last year kase ay sa bulubundukin kami nagteam building. Hiking ang theme nun kaya talagang sobrang sakit ng mga katawan namin after.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon