EPILOGUE

129 11 2
                                    

THIRD PERSON's Point of View

"Aray! Natuluan ako ng kandila!"

Napalingon ang lahat sa isang babaeng iniinda ngayon ang sakit sa kaniyang daliri.

"Babe, mag ingat ka naman. Patingin nga!" Agad nilapitan ni Ram si Claire upang hipan ang parte ng daliri na natuluan ng kandila.

"Claire, ano ka ba. Nadistract tuloy si Father sa iyo!" Natatawang wika ni Janice.

"Eh paano kase, si baby Cassandra nginitian ba naman ako. Jusko, parang anghel eh!" Pambawi naman ni Claire na ikinatawa ng lahat.

"Tuloy na po natin!" Muling tumahimik ang lahat ng magsalita na si Father.

Mabilis dumaloy ang mga araw. Dalawang buwan na agad ang nakalipas mula ng manganak si Janice. Ngunit wala ni isa sa mga kapamilya niya o kaibigan ang nakaalam sa peligrong dinanas niya maisilang lamang ang napakagandang anghel na pinapabinyagan nila ngayon.

Sa loob ng nagdaang dalawang buwan ay naging masaya at maayos ang lahat. Wala nang gulo at takot na namutawi pa.

Masayang masaya si Janice at Gadreel habang pinapanood ang anak nila na maging isang ganap na Kristiyano. Naniniwala sila na may dahilan kung bakit nagkaroon ng Cassandra sa buhay nila. Para sa kanila ay hindi ito pagkakamali. Plano ito ng Amang nasa langit.

Tila naman nagmistulang linggo sa dami ng tao ngayon sa simbahan. Walang kahit na sino ang nakatanggi sa presensya ni Cassandra. Nag uumapaw ang pagmamahal ng mga tao sa kaniya at ikinagagalak ito ni Janice at Gadreel.

Matapos ang seremonya ng binyag ay nagpaalam na sila at nagpasalamat kay Father. Isa nang ganap na Katoliko si Cassandra .

"Ma'Friend! Pakarga naman sa inaanak ko. Please!" Nagpretty eyes pa si Claire habang humihingi ng permiso kay Janice.

"Ikaw talaga. Siyempre naman. Cassandra anak, kay Ninang Claire ka daw muna ha?" Malambing niyang kinausap ang anak bago ibigay kay Claire. Tila naman nagliwanag ang buong paligid ni Claire. Ibang saya ang nararamdaman niya tuwing karga karga niya ang bata. Agad naman siyang nilapitan ni Ram at inakbayan.

"Hi, baby Cassandra. Ang cute cute mo talaga!" Nanggigigil na sabi ni Ram habang pinipisil pisil ang mga braso ni Cassandra. Isang napakagandang ngiti naman ang binigay sa kaniya ni Cassandra na talagang ikinalambot lalo ng puso nila.

"Sinabi ko na kaseng gumawa na rin kayo ng inyo eh. May basbas na ang magiging anak niyo mula sa langit." Bulong sa kanila ni Azrael na nasa tabi lang nila.

Nagmistulang kamatis naman ang dalawa sa narinig. Nakita ito ni Gadreel kaya mas inasar niya pa si Ram.

"Ang lakas lakas mo pag nagpapayo ka sa akin ng mga dapat gawin tapos ikaw pala itong mahina. Tsk. Tsk!" Kunwaring dissappointed si Gadreel pero natatawa siya sa naging expression ng dalawa. Mas namula pa lalo.

"Kayo talagang magkapatid kayo, huwag niyo silang ipressure. Di'ba mga bestfriends. Take your time!" Nabuhayan naman ang dalawa sa sinabi ni Janice.

Kaibigan ka talaga namin, Janice.

"How about, mamayang gabi?" Pahabol ni Janice. Ang nakakabawing mga mukha ni Claire at Ram ay biglang nawala.

"Yah!" Sigaw ni Claire kay Janice. Kaya nagtawanan sila ng napakalakas.

Nagsimula ng maubos ang tao sa simbahan. Dumiretso na sila sa reception hall na ipinahanda ng mga magulang ni Janice. Kung may mas masaya pa kay Janice at Gadreel ay walang iba iyon kundi ang mama at papa niya. Tuwang tuwa sila sa pagdating ni Cassandra. Napakalambing at napakagandang bata. Kaya naman ginastusan talaga ng lolo at lola ang venue.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon