ANG PAGBUBUNTIS
JANICE's Point of View
"Ahhmmm!"
Konting tili lamang ang nagawa ko dahil biglang tinakpan ng multo ang bibig ko. Malamang hindi ako narinig ni Azrael dahil nanonood siya ng TV. Nangilabot ako sa nagaganap, oh my gosh. Akala ko ba walang magagawa ang mga multo? Ano ito?
"Shhh. Huwag kang sumigaw please!" Mas natakot ako ng magsalita siya. Uwaaah. Sobrang tagal na nang huli akong makarinig ng boses mula sa isang multo. At aaminin kong, para talagang galing sa hukay.
"Please, please, please. Wala akong masamang intensyon." Ano bang pinagsasasabi niya? Basta kailangan kong makawala. Pero hindi ko siya mahawakan. ANO BA NAMAN ITO? HINDI KO SIYA MAHAWAKAN PERO AKO KAYANG KAYA NIYANG MAHAWAKAN? ANONG KALOKOHAN ITO.
"Tatanggalin ko na ang kamay ko. Please, huwag kang sisigaw!" Pero napatahimik ako sa pagwawala. Ha? Totoo ba? Hindi niya talaga ako sasaktan?
"Please?" Pinilit niya pang magpacute sa harapan ko. Pero promise, hindi siya cute sa itsura niya.
Mukha siyang basang basa ang buhok at katawan. Madungis din ang damit at mukha niya. Pero kapag nalinisan ay parang maganda naman siya.
"Hmm" sagot ko. Hindi niya man maintindihan pero ang ibig kong sabihin ay oo, hindi ako sisigaw.
Pagkabitaw na pagkabitaw niya ay agad akong lumayo sa kaniya. Sumandal ako sa pader.
"Huwag kang lalapit!" Pagbabanta ko.
"Janice, sorry talaga. Hindi ito intentional, hehe!" Sabi niya sabay ngiti. Hindi ako natutuwa sa ngiti niya ha.
"Bakit mo ako kilala?" Tanong ko habang nakasiksik sa pader.
"Eh? Malamang ,matagal ka na naming nakakasama dito ano. Tsaka hindi lang naman ako ang nakakakilala sa iyon eh. Sila din!" Parang gusto ko namang manghimatay ng biglang may sumulpot ulit na dalawang multo sa kanila. At mga nakangiti pa sila sa akin. Huhu. Nakakatakot ang mga ngiti nila kahit na sabihin kong sincere ang mga ito.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" nanginginig na ako sa kaba. Niyakap ko ng napakahigpit ang tiyan ko.
"Pasensya na, naglalaro kase kami ng truth or dare eh. Nagkataon na ayaw kong sagutin ang tanong kaya nagdare ako. Ito namang ni Jona, ang ipinagawa eh ang makipagkilala sa iyo!" Paliwanag noong multong tumakip sa bibig ko. Ibig sabihin ay Jona ang pangalan ng itinuro niyang multo.
Sa kabila ng takot ay napaisip ako at naweirduhan. Ano daw sinabi niya?
"Naglalaro ng truth or dare?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Diba, like what the heck!
"Opo!" Sabay sabay nilang sagot ng nakangiti.
"Multo naglalaro? Ng truth or dare?" Medyo Over acting na ang reaction ko kase naman. Parang napakawierd non.
"Opo, bakit naman po hindi. Eh bagot na kami dito kase nakulong kami. Tapos walang ginagawa!" Pahayag nung isa pang multo. Sabay sabay silang napabuga ng hininga. Mukha naman silang mababait at wala talagang masamang intensyon.
BINABASA MO ANG
BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)
RomanceWhat's In The 13th Floor Sequel. What happened next after the 13th floor scenery where Gadreel came back for Janice? Is it really the happy ending they seek all their lives? Or is it a start for another tragic love story they avoid the most? Come ag...