IKA-LABING PITO

91 10 1
                                    

ANG KATOTOHANAN

JANICE'S Point of View

Tila nasa isa kaming telenovelang may temang magikal. Isang anghel ang nasa harapan namin ngayon at tunay na parang pelikula. Sapagkat hindi ito makatotohanan.

Parang guguho ang mundo ko sa pagbabalik niya. Noong huli ko siyang nakita at nakasama, hindi normal ang buhay ko.

"May kailangan kayong malaman!"

Napahinga ako ng napakalalim. Kinabahan ako. Normal na mag asawa lang kami ni Mahal na nagnanais ng maayos at tahimik na buhay. Pero kung merong isang anghel na bubungad na lamang sa iyo ay hindi ito normal. Magandang balita ba ang ibibigay mo sa amin o masama?

Para namang walang naramdamang kaba si Mahal dahil sa halip ay niyakap niya ng napakahigpit ang kapatid niyang Anghel.

"Kapatid, namiss kita!"

Ibinalik naman si Azrael ang yakap sa kapatid. Alam kong magkaiba sila noon ng pananaw at mortal na magkaaway ang mga hari nila pero hindi naalis ang katotohanang magkapatid sila. Ni hindi nila kayang saktan ang bawat isa.

"Bakit ngayon ka lang ulit bumisita? Alam mo bang inaasahan kita sa kasal namin ni Janice? Bakit hindi ka pumunta?" 

Saglit na natunaw ang kabang nadarama ko ng makita sila sa ganitong sitwasyon. Tipikal na magkakapatid na nagkakamustahan dahil sa matagal na pagkakalayo.

"Masaya na akong nanonood sa taas!" Nakangiti niyang sagot sabay turo sa kalangitan.

"Janice!" Ngayon niya lang ako napansin? Eh kanina pa ako nakatayo eh. Pero agad niya akong sinalubong ng yakap. Aaminin ko, namiss ko rin ang napakagwapong anghel na ito. Ano kayang magiging reaction ni Claire kapag nagkita sila? Pero mas interesting kapag nakita din siya ni Ram.

"Alam mo ba kapatid. Nakakapag adjust na ako dito sa lupa. Ganito kase.." So ayun. Inakbayan siya ni Mahal at sinama pababa. Ang ending, ako yung naiwan. Sumunod na lang ako sa baba. Yung oras. Alas tres y medya ng umaga. Nawala na ung antok ko. At the same time yung takot. Lakas naman ng loob ng mga multo kung tatangkain nilang lumapit at magpakita gayong may anghel sa paligid. Pero ganon pa man ay hindi pa rin ako mapakali sa kailangan naming malaman na sabi ni Azrael.

Naabutan ko sila doong naghahalakhalan at masaya. Agad kong tinungo ang kusina upang gumawa ng kape na maiinom nila. Ewan lang kung nagkakape ang anghel pero bahala na. Si mahal nga dati nung fallen angel, nagkakape eh. Napapigil ako ng tawa ng maalala iyong mga araw na lagi kaming nagkakasabay pumasok sa 13th floor dahil bumibili siya ng kape sa baba.

Black coffee ang paborito ni Mahal. Nag alangan pa ako ng para kay Azrael. Black coffee rin ba? Baka maoffend eh. Lagyan ko kaya ng creamer? Eh, bahala na.

Lumabas na ako at dala ang mga kape nila.

"Mukhang miss na miss niyo ang isa't isa ah!" Nilapag ko na sa lamesa ang mga kape.

"Oo naman, Mahal. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Dahil kung hindi dahil sa kapatid kong ito edi fallen angel pa rin ako at nakakulong!" Nang sinabi iyon ni Mahal ay napansin ko ang pag iba ng mukha ni Azrael.

"Azrael. Ano nga pala yung kailangan naming malaman?" Singit ko bigla. Parang nag alangan siya pero umayos ng pwesto.

Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Gadreel, Janice. Patawad!" Pagkasabi niya noon ay biglang pumatak ang mga luha niya. Nagulat kami ni Mahal. Ha?

"Kapatid, anong nangyari. Bakit ka umiyak? Tsaka bakit ka humihingi ng tawad?" Hinagod ni Mahal ang likod niya. Umalalay naman ako at tumabi sa kaniya.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon