IKA-LABING ISA

102 12 2
                                    

PAG-IISANG DIBDIB

Janice's Point of View

Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan na bukas na pala ang kasal ko. Is it real?

"Claire, is it really happening? Ikakasal na talaga ako bukas?" Hindi ko maitago ang kaba at excitement dito sa kasama ko sa kwarto.

"Oo naman ma'friend! Ano ka ba. Magiging misis ka na bukas. OMG. Mas excited pa ako sa iyo!" Ang taas ng energy ni Claire. Eh ako din naman.

"Hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng ito. Nananaginip ba ako?" Hindi ko mapigilang magduda. Nagdedaydream pa ako ng biglang kumirot ang pisngi ko. Kinurot pala ni Claire.

"Ouch!" Usal ko.

"Ayan, naniniwala ka na bang totoo ang lahat ng ito?" Nakangiti niyang tanong. Napangiti na rin ako kahit namula yung pisngi ko. Ang sakit ha.

"Oo na. Kyaah!"

The night before the wedding. Narito kami ngayon ni Claire sa kwarto ko. Siyempre ang maid of honor ko bida bida. Sinamahan ba naman ako buong linggo. Simula ng i-announce ni mahal sa office ang balitang ikakasal na kami makalipas ang isang linggo. Grabe ang gulong naganap ng araw na iyon. Si Claire agad ang nagpastop ng work. O diba, eh kung nalugi kaya kami non dahil sa paghinto ng trabaho. Mabuti nalang at hindi. Si gaga nag organize agad ng celebration don sa office. Pati mga employee namin nagtulungan sa pagset up ng function hall namin at doon nagkaroon ng proper meal at chikahan.

Nagulat sila na biglaan. Dahil ang alam din nila is next year pa. Hindi ko nga alam pero ang seryoso at tahimik na si Mahal eh todo sa pag entertain at pagsagot sa mga employee. Napapangiti nalang ako na kitang kita sa mga mata niya ang pagkaexcite.

Busy ang lahat sa nakalipas na anim na araw. After ng celebration na iyon ay tuloy na ulit ang work pero mas naging busy sila. Para sa preparation ng wedding namin. Nakakatouch lang na willing silang lahat magpagod para sa kasal ko. Halos wala talaga akong ginawa. Everything was taken care off by Claire, Ram, employees, my family and Mahal.

At heto nga si Cliare, todo bantay sa akin. Yung bridal shower ang saya din. Kahapon iyon. Nagpool party kaming mga girls at uminom. Hindi ko alam kung anong ginawa nila mahal pero nag enjoy talaga ako kahapon.

Since bukas naman na daw ang kasal kaya nandito si Claire. Babantayan niya daw ako kase baka tumakas ako at makipagkita kay Mahal. Eh bawal daw iyon. Nakakatuwa lang na naniniwala parin ang marami sa mga pamahiin. Ako personally, hindi ako mapamahiin na tao but wala naman masama kung susunod hindi ba?

Bale ang ganap eh magkwentuhan lang kami ni Claire hanggang antukin kami.

"Ma'friend! Kwento mo ulit sakin kung paano kayo nagkakilala ni Sir Gadreel. Last 10 years ko pa narinig iyon eh. Gusto ko ulit marinig" nakangiting pakiusap niya. Ako naman etong biglang nabuhayan.

"Oo naman, ganito kase iyan.."

Sinimulan ko ang pagkukwento.

Nagsimula ang lahat sa OJT. Yung akala kong normal na OJT lang eh may malaking impact pala sa future ko. Yung una naming pagkikita na talagang nagcause sa akin ng trauma. Natatawa tuloy ako kapag naaalala ko. Grabe talaga yung freaking smile na yun ni Mahal. Kahit na sinong makakakita eh talagang magfefreak out. Take note, nasa 13th floor ka pa noon. Grabeng takot talaga. Yung paulit ulit akong nakakarating sa floor na yon. Lagnat talaga ang inabot ko dahil sa takot.

At ito pa ha. Yung alam ko na ngang hindi normal ang palapag na iyon eh talagang tumanggap pa ako ng trabaho doon bilang personal assistant na later on , naging all around. Nasilaw ata ako sa 100,000 pesos plus monthly allowance. Haha. Grabe, ang bata ko pa noon para makasaksi ng mga nakakatakot na bagay na iyon pero aaminin ko na nag enjoy ako. Lalo ng makilala ko lalo si Mahal. That time, siya yung walang pusong nilalang na kinatatakutan ng marami. Isang taong walang pakialam sa mundo at sa mga nasa paligid niya. Hindi marunong ngumiti at makipagkapwa. Ang pinakacold na taong nakilala ko sa buong buhay ko.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon