IKATLO

255 19 11
                                    

Dedicated to: Caitline09

SLIGHTLY JEALOUS

JANICE'S Point of View

"Holy Sheeet"

           Parang biglang kumulo yung dugo ko sa nagaganap. Ang dami biglang babae na magaganda at seksi sa paligid. Natural lang naman ang ganong senaryo dahil building ito at marami talagang dumadaan. Pero iba yung nangyayari ngayon eh.

            Kay Mahal lang sila lahat nakatingin. Yung iba binabagalan pa ang lakad para mas matagal siyang matignan. Yung iba naman kumukuha ng litrato.

           Hindi ba nila alam na ilegal iyon? Wala silang permiso sa tao tapos kukuhanan nila ng litrato?

            Yung iba ang lagkit ng mga tingin at ngiti. At ang mas nakakagigil eh ngumingiti pabalik itong ex-fallen angel na ito. Kelan pa siya naging mabait sa iba ha. Sakin ka lang mabait dati ah.

            Napacross arms ako habang pinapanood yang ex-fallen angel na yan habang ninanamnam ang atensyong nakukuha niya.

           Aantayin ko lang sana siyang lumapit dito kaso nag iba ang ihip ng hangin. May isang babaeng not so pretty and not so sexy. Char. Napakaganda at napakasexy niya. Nakasuot siya ng dress na maiksi at napakataas na takong habang naglalakad ng malumanay. Hindi naman sa nakikialam ako sa lakad niya ha. Pero bakit parang pabebe walk? Ang lagkit ng tingin niya kay mahal at ng matapat siya dito ay bigla siyang natapilok.

"Ohh!" Narinig kong sabi ng mga tao. Wala ba silang mga pasok ha? Mga chismosa! Pero nagulat din naman ako. Okay lang kaya yung babae? Nag alala ako sa kaniya pero hindi pala dapat. Sinalo kase siya ni Mahal at ngayon ay nasa bisig niya na yung napakasexy na babae. Alam niyo yung mga natatapilok sa movies? Ganon na ganon. Maya maya pa ay nagulat kami ng hinaplos nung babae ang bisig ni Mahal ng mapang akit.

           This time hindi na ako nakapagpigil. Umuusok na ata yung ilong ko habang lumakad palapit sa kaniya. Siguro nga nayanig pa yung bawat hakbang ko palapit sa kanila eh. Nakita ako ni Mahal na nanlilisik ang mga mata kaya napalunok siya at agad niyang itinayo ang babae.

"Salamat pogi!" Narinig ko pang sabi nung babae gamit ang seductive voice niya. Sh*t talaga. Makakalbo ko 'tong malanding ito eh. Hindi niya ba narinig yung tawag ko kanina sa nilalandi niya? Mahal diba? Sabi ko Mahal!

           Hinihimas niya na ngayon ang matigas na dibdib nitong ex-fallen angel na ito. Hindi naman siya makapalag dahil sa akin siya nakafocus. Yari ka talaga sa aking lalaki ka.

"HANDS OFF OR ELSE!" matapang kong sabi mula sa likod nung babae. Oo na kinopya ko yung lines nung isa sa mga hinuli naming demon ni Azrael dati. Yung sa library ng school.

           Agad namang napaharap sa akin yung babae na hindi manlang inaalis ang kamay niya. Ang landi.

"Who are you?" Mataray niyang sagot. Woah. Attitude ka ghorl?

"Aha ha" paputol putol kong tawa. Alam niyo na yung sa mga matataray scenes. Agad napabitaw itong lalaking ito sa babae at inayos ang sarili.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon