IKA-LABING ANIM

98 10 2
                                    

PAGBUBUNTIS

JANICE'S Point of View

Sa oras na tumango ako at sumagot ng oo ay para siyang kidlat sa bilis tumakbo sa akin upang bigyan ako ng napakahigpit na yakap.

Nakangiti ko din siyang niyakap pabalik. Alam kong nitong mga nakaraang linggo ay naguguluhan na siya sa mga kinikilos ko. Nung naduwal palang ako noong namalengke kami dati ay nagkaroon na ako ng ideya sa kung anong nangyayari sa akin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ko magawang gumamit ng pregnancy test sapagkat natatakot akong mali ang hinala ko. Ilang linggo kong kinukumbinsi ang sarili ko. At ngayong araw nga sa tulong ni Claire ay nagtest ako.

Para kami kaninang mga baliw sa cr ni Claire habang nakatingin sa dalawang guhit na nakaukit sa pregnancy test. Naluluha na ako habang si Claire eh todo sigaw at talon. Mabuti na lamang at office hours non kaya walang ibang tao sa cr kundi kami lang.

Gustong gusto ko na agad ibalita kay mahal ang isang napakagandang balita na ito pero pinigilan ako ni Claire. Isinama niya ako sa site visit namin sa Pasig ng sa ganon ay mapaghandaan daw namin ang balita. Agad din niyang ibinalita kay Ram ang lahat kaya naman kasama namin siya kanina.

At ito na ang tamang oras para sabihin sa kaniya.

"Surprise, Mahal! Sorry kung paiba iba ang mood ko nitong nakaraang araw ha? Sorry din kung mapili ako sa pagkain. Naglilihi na pala kase ako!" Masayang masaya ako habang sinasabi iyon. Proud ako kay Mahal dahil kahit na wala siyang ideya sa nagaganap sa biglaang pagbabago ko ay hindi siya sumuko at napikon ng husto. Inintindi niya talaga ako at lahat ay ginawa niya para masunod ang gusto ko.

"Mahal! Sabi ko sorry!" Natatawa kong sambit. Paano kase nakayakap lang, hindi nagsaslita. Ilang saglit pa at wala pa ring imik.

"Mahal!"

Biglang naramdaman ko na parang gumagalaw ang balikat niya.

"Uy Mahal. Anong nangyari sa iyo? Bakit hindi ka na nagsasalita?" Nataranta ako bigla. Ano bang nangyari. Pinilit kong kumawala sa kaniya kahit ayaw niya. Nang maiharap ko siya sa akin ay nakita kong basang basa ang pisngi niya. Umiyak siya?

"Mahal! Bakit ka umiyak? Hindi ka ba masaya?" Kinabahan ako bigla.

"Anong hindi masaya. Ako kaya ang pinakamasayang tao sa buong langit, impyerno at mundo ngayon!" Humihikbi niyang sagot. Napangiti ako sa kaniya. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling halikan siya sa labi.

"You're the sweetest!" Usal ko. Umangat ako pero muli niya akong hinalikan.

"I can't believe this!" Sabi niya.

"You can't believe that?"

"That I'll be a father soon!" Mas tumamis naman ang mga ngiti ko.

"Because we deserve this, hmm?" Hinawakan ko ang pisngi niya. Tumango lang siya.

Masaya kaming pumasok sa bahay upang ituloy ang aming kwentuhan. Hindi talaga makapaniwala si Mahal. Sapagkat noong fallen angel sila ay pinakapinagbabawal ang magkaroon sila ng anak. At dahil nga bawal ito, kaya kahit anong gawin nila ay hinding hindi sila magkakaroon ng anak. Kaya para kay Mahal ay isa itong himala. Pero kung tutuuisin. Tao naman na si Mahal kaya posibleng mangyari talaga ito.

Natutuwa lang ako na makita siyang ganito kasaya.

Kinabukasan ay sa bahay ng mga magulang ko kami dumiretso. Hindi na kami nakapagsabi na dadating kaya naman nagulat si mama at papa. Agad din kaming sinalubong ng yakap ni sofia.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon