IKA-APAT

190 25 8
                                    

Dedicated to: 016marlea

MEET MY PAPA

JANICE'S Point of View


           Umuwi ako sa bahay ng wala sa wisyo. Ano ba yan. Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko kanina. Elevator scene na sana yun eh. Ay joke, peste naalala ko yung fifty shades of grey.

            Napalo ko agad agad ang mukha ko. Ano ba itong iniisip ko. Janice naman, huwag kang mapusok. Si Mahal lang iyan ha. Si mahal lang iyan na pinakahot sa lahat. Sheeeet. Stop!

"Anak, hindi ka pa ba lalabas jan? Kanina pa kami nag iintay ng papa mo sa hapag!" Natauhan ako bigla sa sinabing iyon ni mama. Gosh, nandito parin pala ako sa kotse sa garahe ng bahay at ilang minuto na ako dito.

"Anjan na po!" Sigaw ko sabay ayos ng mga gamit para makalabas na. Napagod ako sa ginawa namin ni Mahal. I mean, sa pagtatrabaho namin. Bukas kaya anong mangyayari?

          Lutang parin akong umupo sa lamesa. Ipinatong ko sa isang upuan ang bag ko.

"Tita, kanina pa kita inaantay!". Nakasimangot na salubong sa akin ni Sophia. Hays, kamiss ang batang ito kaya naman niyakap ko siya agad.

"Sorry, may inayos lang si tita!" Nakangiti kong sabi, kahit tumulala lang naman ako kanina.

"Kain na po tayo!" Sabi niya. Kaya naman agad ko na siyang sinandukan ng pagkain. Ang hilig hilig niyang magpaintindi sa akin. Anak ko ba siya ha? Biro lang, anak naman talaga ang turing ko sa batang ito kahit na maldita minsan.

            Naging masigla ang paghahapunan namin. Ang kulit din kase ni Sophia at ang daming topic ni mama at papa.

"Anak, hinanda na namin ng mama mo ang lahat para bukas!" Bigla ko naman silang binigyan ng kakaibang tingin.

"Ano pong meron bukas?!" Nagulat ako dahil sabay pa kami ni Sophia ng itanong iyon. Napatawa tuloy si mama at papa.

"Ano ka ba naman Janice, bukas mo na ipapakilala sa akin ang boyfriend mo diba?" Excited na sabi ni papa.

           Hala shet. Bukas na ba iyon? Hindi alam ni Mahal at hindi ko din nasabi. Patay, limot na limot ko. Peste kaseng ex-fallen angel yan eh. Kung ano anong pinang libang sa akin. Kailangan ko siyang masabihan. Hindi na papayag sila papa na ipostpone dahil pinagpaliban na nga ng isang araw.

"May boyfriend na po si Tita?!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabing iyong ni Sophia. Gulat na gulat lang? Ano himala na magkaboyfriend ako?

"Oo apo. May boyfriend na ang tita mo!" Masayang balita ni mama.

"Waaahh! Excited na akong makilala si tito! Mag papaganda ako bukas"  sabi niya na siyang dahilan ng pagtawa ni mama at papa.

"Hoy, anong magpapaganda? Ikaw na bata ka ha. Masisira na yang cute mong mukha sa kakamake up at lipstick na iyan!" Nasermonan ko tuloy.

"Tita naman. Peke kaya ang lahat ng yon. Pambata talaga!" Ganting paliwanag niya.

"Eh basta!" Yun nalang nasabi ko. Tama naman siya eh. Edi ikaw na panalo. Nakipagtalo ba naman sa bata.

           Mas ginanahan si Sophia sa pagkain dahil kailangan daw na presentable at malusog siyang haharap sa tito niya bukas. Naisip ko tuloy kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang si Mahal at ang lalaki sa painting ay iisa. Ang kulit.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon