IKA-LIMA

200 20 5
                                    

Dedicated to: pinedaenajh

MEET MY PAPA: PART 2

JANICE'S Point of View

"Ikaw yung nasa lumang painting!" Nakangiti si Sophia habang sinasabi iyon. Kaya nagtaka si Mahal. Hanggang sa marealize niya ang isang bagay kaya humarap siya sa akin ng nakangiti.

"Nasa iyo pa rin?" Tanong niya. Kaya binalik ko sa kaniya ang matamis na ngiti at tumango.

"Iningatan ko ang lahat ng tungkol sa iyo!" Sabi ko. Para namang namula siya. Kinilig na siya dun?

"Tara na tito Gadreel at tita Janice kain na po tayo!" Sabay hatak sa amin ni Sophia kaya naman natawa na kami.

           Sobrang asikaso ni mama at papa kay Mahal. Nakalimutan na nga atang nandito ang totoo nilang anak eh. Pero ayos lang iyon. Siguro ito na yung sinasabi nilang happily ever after. Nang matapos ang pagdurusa at iyakan ay narito kaming muli at masasaya. Pero hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung may kasunod na naman itong trahedya? Kase ganon daw diba? After ng masaya eh lungkot ang kasunod.

          Pero mas minabuti ko nalang na ipagwalang bahala iyon. Wala naman nang paranormal for sure dahil tao na si Mahal at hindi na ako nakakakita ng mga multo at demonyo. Siguro ang pipigilan ko nalang ay ang mga babaeng lalapit sa kaniya. Waah. Over protective ba ako? Eh hindi naman kase ako confident sa sarili ko kahit sinabi niya ng ako ang pinakamaganda para sa kaniya. Hindi ko maiwasang mabahala. Siguro ay ganon ko talaga kamahal ang ex fallen angel na ito kaya ayusin niya lang talaga. Mayayari siya sa akin.

"Gadreel, anak!" Tawag sa kaniya ni papa kaya napatingin din ako. Hindi maganda ang kutob ko dito eh.

"Po, papa?" sabi niya matapos inumin ang isang basong tubig.

"Usapang lalaki sa lalaki ano? Gusto ko lamang klaruhin kung si Janice lang talaga ang girlfriend mo? Eh sa gwapo mong iyan eh hindi malayong playboy ka!" Mahabang salaysayin ni papa kaya naman parang nasamid ako. Hala bakit ganon. Gusto ko ding alamin ang isasagot ni Mahal.

          Binitawan ni Mahal ang kutsara at tinidor niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.

"Siya lang po ang nag iisa. At hindi na po ako hahanap pa ng iba. At isa pa po, wala na akong mahahanap na tulad niya!" Seryoso niyang sagot. Napisil niya yung kamay ko. Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Mabuti kung ganon. Dahil hindi kami papayag na masaktan ang iniingatan naming prinsesa!" Sabi pa ni papa. Wow, prinsesa nila ako.

"Huwag po kayong mag alala. Dahil hinding hindi ko sasaktan ang aking Reyna!" Sagot ni Mahal. Ansabe? Reyna daw, ako? Hirap magpigil ng ngiti. Ang baduy talaga ng Mahal ko no? Pero bentang benta pa rin sa akin. Siguro ganon talaga pag mahal mo ang isang tao. Kahit baduy, mamahalin mo parin.

           Nakita ko naman ang pagkapanatag ni papa sa mga sagot ni Mahal kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.

"Gadreel, kain ka pa!" Nakangiting sabi ni mama pagkatapos ay nilagyan pa siya ng steak sa plato.

"Salamat po, mama!"

           Grabe ang parents ko 'no? Hindi manlang pinahirapan si Mahal.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon