SIMULA NG WAKAS
THIRD PERSON'S Point of View
Nagmamadali, kinakabahan, natatakot at nagmamakaawa. Ganito mailalarawan ngayon si Gadreel habang nakasunod siya kay Angelo.
Bakit ko hinayaang umabot sa ganito?
Gulong gulo na ang isip niya dahil sa pagtatalo nito. Dapat nung una pa lang hindi na siya umasa. Umasa na magiging mortal siya dahil kung tutuusin ay napaka imposible naman talaga. Ngunit anong magagawa niya, sobrang mahal niya si Janice at handa niyang isuko ang lahat para dito.
Si Gadreel ang tipo na hindi natitinag, walang kinatatakutan at malakas. Pero mula nang dumating si Janice sa buhay niya ay tila nawala lahat ng ito sa kaniya. At wala siyang pinagsisisihan dito. Ang pagdating ni Janice para sa kaniya ay isang himala. At isang patunay na kahit nalunod ka na sa kadiliman ay meron at meron paring mag aahon sa iyo upang muling mabuhay at itama ang mga maling nagawa.
Naniwala siyang muli sa pag-ibig. Ninais niya muling umibig. At alam niya, nararamdaman ng puso niya na si Janice ang nararapat niyang ibigin habang buhay. Naabot niya ang mithiin niya. Ang pangarap na akala niya ay walang katuparan. Pangarap na muli siyang sasaya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis bawiin sa kaniya.
Sinisisi niya na ngayon ang sarili niya.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ito na siguro ang kabayaran ng pagtataksil ko noon kay ama. Pero bakit si Janice at ang magiging anak ko pa? Kayang kong tanggapin ang kahit na anong parusa huwag lang ito.
Kusang tumulo ang luha sa mga pisngi niya. Bihira itong mangyari. Ang ipakita niya ang kahinaan niya. At alam na alam ito ni Angelo, kaya naman ng masulyapan niya ang itinuring niyang kuya at tagapangalaga noong mga nagdaang taon. Hindi niya mapigilang makisimpatya dito. Binagalan niya ang paglipad at sinabayan si Gadreel.
"Kuya Gadreel, huwag ka ng malungkot. Makakarating tayo ng tama sa oras." sa edad na labing apat ay tila naging isang ganap na matanda itong si Angelo sa kaniyang pagbibigay ng payo. Hindi naman mapigilan ni Gadreel ang mapangiti. Pinatong ni Gadreel ang isang kamay niya sa buhok ni Angelo at ginulo ito.
"Kuya Gadreel naman eh!" Mas natawa si Gadreel sa inasal ni Angelo. Masyadong sensitibo sa kaniyang buhok ang bata. Dali dali kaseng inayos ni Angelo ang kaniyang buhok.
"Aba, nagbibinata ka na ba? Bakit inaayos mo ng mabuti iyang buhok mo?" Sita sa kaniya ni Gadreel.
"Siyempre, magkikita kami ni Ate Janice eh. Kailangan gwapong gwapo ako. Yung mas gwapo pa sa iyo. Para ako naman ang piliin niya at iwan ka na niya!" Matapang nitong sagot. Napataas naman ang kilay ni Gadreel.
"Kahit mas gwapo ka pa sa akin. Hinding hindi ako ipagpapalit ni Janice sa iyo!" Mukhang seryoso nitong balik.
"Nyenyenye!" Dinilaan siya ni Angelo na ikinatawa nilang dalawa.
Hindi pa rin siya nagbabago, bata pa rin talaga siya.
Ganiyan na ganiyan sila magturingan noon pa. Kuya ang tawag sa kaniya ni Angelo ngunit hindi maikakailang parang tunay silang mag ama.
"Saan ba nila dinala si Janice?" Biglang tanong ni Gadreel. Medyo malayo na kase ang nililipad nila at hindi siya sigurado kung nasan na sila ngayon.
"Ang narinig ko. Sa dulo ng langit at lupa, iaalay nila ang kaluluwa ni Ate Janice, sapagkat nagdadala daw siya ng supling!" Pagpapaliwanag ni Angelo. Kinabahan naman si Gadreel ng marinig ang bagay na iyon.
Ang dulo ng langit at lupa ay ang lugar kung saan naganap noon ang digmaan at pagtataksil nila. Tinatanong niya ang sarili niya kung handa na ba siyang bumalik doon. Ngunit awtomatiko ang sagot at ito ay oo. Wala siyang pagpipilian. Kahit saan pa iyon. Basta naroon si Janice, siguradong pupunta siya. Napatigil siya sa pag-iisip ng magtanong si Angelo.
BINABASA MO ANG
BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)
RomanceWhat's In The 13th Floor Sequel. What happened next after the 13th floor scenery where Gadreel came back for Janice? Is it really the happy ending they seek all their lives? Or is it a start for another tragic love story they avoid the most? Come ag...