STRANGE
JANICE's Point of View
May mali. Nararamdaman kong may mali. Kanina pa ako nagdududa. At alam kong may patutunguhan ang duda kong ito.
Napatingin ako sa paligid. Masaya ang lahat. Simula na ng team building namin at naglalaro sila ng sack race. Hinati namin sila sa tatlong grupo. Grupo ko, grupo ni Ram at Grupo ni Claire.
Binawi ko ang inaalala ko kanina. Siguro ay walang mali. Malungkot lang ako. Hindi ko alam pero malungkot ako. Hindi ko siya dapat ipagdamot pero nakadama parin ako ng inggit nang piliin niya si Ram bilang leader niya. Bakit hindi ako ang pinili niya?
Nakakainis ka naman Mahal eh.
Hindi tuloy kami makapagkulitan kase nasa group siya lagi ni Ram.
"Maam Janice, ikaw na po ang next!" Natauhan naman ako sa sinabi ni Jean. Isa sa kagrupo ko. Hindi ako ang poste dahil gusto kong maglaro kaya naman nakahilera ako at kasunod na. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa sako na malapit ng dumating sa akin.
Katapat ko sa kabilang grupo si Claire at si Mahal. Tsk. Taste my revenge. Biro lang.
Nagahol ako ng nasa harap ko na ang sako. Kaming tatlo ang huli kaya kung sino ang mauunang makabalik sa pwesto ay siyang mananalo. Madalian ko itong isinuot at tumalon- talon. Napasmirk naman ako ng makitang nahirapang makahabol sa akin si Claire. Samantalang si Mahal naman ay naiwan ng konti. Malamang hindi siya marunong maglaro. Natawa pa ako. Ang coldest, emotionless at walang ganang nilalang noon, ngayon ay game na game sa mga palaro namin.
Well, grupo namin ang mananalo panigurado. Nakaikot na ako sa pwesto at sapat ang distansya namin ni Claire para mauna ako. Si Mahal naman ay kakasimulang tumalon. Nakangiti na ako. Ngiting proud, because we are gonna win.
Kaso nagbago ang lahat. In one blink of an eye, nasa tapat ko na si Mahal.
H-How?
Lumakas ang sigawan sa paligid. It's me versus him. Ang laki ng mga talon niya. Nauuna na siya kaya nataranta ako.
"Yah!" Sigaw ko sa kaniya.
"Bagalan mo!" Sigaw ko pa. Ang daya niya ha. Ang lalaki kase ng talon niya.
"That's Cheating, Janice!" Sigaw ni Ram sa likod. Bwiset naman kase eh.
Ilang seconds lang at malayo na siya kaya tinodo ko talaga ang pagtalon. Hanggang sa ma-out of balance ako na dahilan ng pagbagsak ko sa buhangin.
"Sh*t"
Nanlumo ako sa nangyari. Nanalo ang grupo nila Ram. Pumangalawa naman sila Claire at kami ang natalo. What the hell.
Hindi ko matanggap. Dapat kase talaga ay hindi ka madistract sa mga ganito kase matatalo ka talaga. At iyon ang nangyari sa akin.
"Maam Janice. Tayo!" Inalalayan ako ng mga kagrupo ko. Napatingin ako sa grupo nila Ram at nagtatalunan pa sila kasama si Mahal na tuwang tuwa. Hindi manlang ako tinulungang bumangon ng loko. Mamaya ka sa akin.
Hindi ako competitive na tao pero feeling ko ngayon ay oo na. Tandaan niyo na kami ang mananalo sa team building na ito. Hmmp.
Sandalian kaming nagpahinga. Tatlong cottage para sa tatlong grupo.
"Janice, ang daya nila kanina. Ang lalaki ng talon ni Sir!" Lumapit sa akin si Claire habang nagrereklamo. I agreed to her. Pero may kasalanan din kami. Masyado naming in-underestimate ang grupo nila Ram.
BINABASA MO ANG
BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)
RomanceWhat's In The 13th Floor Sequel. What happened next after the 13th floor scenery where Gadreel came back for Janice? Is it really the happy ending they seek all their lives? Or is it a start for another tragic love story they avoid the most? Come ag...