IKALAWA

272 26 13
                                    

Dedicated to: ronie111

MEET MY MAMA

JANICE' Point of View


"Sh*t!" Napamura ako sa gulat. Shete ka naman Mahal. Bakit ganyan ka bumirada. Kakaiba lagi eh.

"Anak!"

"Mahal!"

"Sh*t!" Napamura ako ulit. Sabay kase nila akong sinaway. Narinig ko yung sabi ni Sir Gadreel, edi narinig din ni mama. Huhu.

Biglang napatingin sa akin si mama ng matalim. Patay na.

"Janice, boyfriend mo ba talaga itong lalaking ito?" Diretsahang tanong ni mama. Ang seryoso niya sobra. Nakaturo pa siya kay Mahal. Napatingin ako dito sa fallen angel ng buhay ko. Napalunok siya, ngayon niya lang ba narealize ang mga ginawa niya? Pero ang cute niya hehe. Hindi ako sanay na ganyan siya eh. Usually kase, siya ang kinakatakutan. Never ko pa nga siya nakitang magkaganyan. Awts. Gwapong gwapo ng mahal ko.

"JANICE!"

"Ay mahal!" Huhu. Sinigawan ako ni mama. Kanina pa pala ako pangiti ngiti sa harap nila. Agad ko siyang hinawakan sa kamay. Paano ba ito. Ma, hindi po ako malandi. Promise!

"O-opo. Boyfriend ko po siya!" Potek. Utal utal ako sa harap ni mama. Take note, 28 years old na ako. Wala lang nasanay lang ako na si mama ang nagdidisiplina at nagpapalakad ng buhay ko eh. Nawalan na ako ng gana simula ng nawala si Sir. Char.

Katahimikan.

"Wiw wiw wiw" (huni ng ambulance)

Biglang natauhan si mama. Bakit ang seryoso ng titig niya sa akin. Ayaw niya ba kay Sir Gadreel para sa akin? Pero siya lang ang gusto ko at hindi ako papayag na hindi siya. Siya lang kaya. Hala ang pabebe ko. Maya maya ay humarap siya kay mahal ng seryoso. Nababahag ata buntot ni mahal. Hindi siya makatingin ng diretso kay mama eh. Hanggang sa.

"Hijo, kumain ka na ba?" Tanong ni mama. Hala ma, pafall ka. Joke lang, naglilibang nalang ako ng sarili ko sa kaba. Unang araw ng pagbabalik ni Sir tapos ganito na agad.

"H-hindi pa po, mama!" Sagot niya.

Uwaaaaaaah! Mama daw. Gusto ko maiyak. Hindi ko alam kung sa tawa dahil sa pagkautal niya o talagang naiiyak ako. Mahaaaal. Umayos ka naman.

Biglang natawa si mama. Hala? Wait lang, napapangiti na rin ako. Omaygash. Wait lang..

"Sumama ka na sa amin ni Janice, kakain kase kami ng hapunan." Nakangiti na si mama ngayon. Shete, totoo ba ito? Appproved ba kay mama? Bigla namang nabuhayan si mahal. Tumingin siya sa akin ng nakangiti kaya nginitian ko din siya.

"Talaga po?" Sumigla na siya. Hala ang bipolar ng mahal ko. Pero ayos lang, pag ganyan naman kagwapo eh.

"Oo naman, anak!" Sabay kindat sa kaniya ni mama.

Waaaaaaahh! Ako yung kinilig don. Shete. Approve na approve kay mama pag ganon. Basta kumindat si mama. Ayos na ayos sa kaniya. Akala ko pa naman magagalit si mama. Hala ang saya.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon