IKA-SAMPU

137 13 2
                                    

PREPARATION

JANICE's Point of View

"Suotin mo ang singsing na ito, bilang tanda ng aking pag-ibig. Sagisag ng aking walang hanggang pagmamahal. Na kahit na sino'y walang makakapantay. Janice, mamahalin kita, mula langit hanggang impyerno. Wala nang kahit na sino pa ang makakapaghiwalay sa atin. Ako at ikaw ay magiging Tayo. Isa. Magiging isa na tayo. Hindi kayang tibagin ng kahit na sino! Mula sa araw na ito at sa mga susunod pa. Ang hininga mo ay hininga ko. Sinumang sasalungat sa atin ay tataluhin ko, Mahal. Ang pagmamahalan nati'y nakasulat na sa kasaysayan. Ilalaban natin ito hanggang wakas!" Hindi ko mapigilang maiyak habang sinasabi niya ang vows niya sa aking harapan.  I can feel it. His eagerness. His sincerity. His passion. And his love. My ghad. I love this man so much. 

Ito na yun. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal ko sa kaisa isang lalaking nagpadama sa akin kung paano umibig. Dahan dahan niyang isinuot ang singsing sa daliri ko. At kasabay noon ay ang pagpatak din ng luha niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. It's my time para sabihin sa lahat ng naririto. Ang laman ng puso at isip ko.

"Gadreel, isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggang pagmamahal sa iyo. Maraming nagsasabi sa akin noon na. Bakit hanggang ngayon single ka parin? Bakit hindi ka nakikipagrelasyon o bakit hindi ka nagpapaligaw. Lagi ko lang sinasabi sa kanila na may hinihintay ako. Which is totoo talaga. I kept on waiting, day by day. Year by year. Pero bawat araw at taon na hindi ka dumadating. Mas lumalalim yung pagkamiss ko sa iyo. Alam kong imposible ang makita kang muli. Pero baliw ako eh. Baliw ako sa iyo. That's why I prayed to God (naiyak ako). I prayed na, time will come. That I will see you again. At sa pagkakataong iyon. Wala ng hadlang. Okay na ang lahat. Siguro sobrang lakas ko talaga kay God kase. Ilang araw palang ang nakalipas. Nakita kita. (Pinunasan niya ang pisngi ko). 10 years of waiting. And it's all worth it. Andiyan ka sa harapan ko. Mahal, ito lang ang maipapangako ko sa iyo. Mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko!" Pagkasabi ko noon ay ngumiti ako sa kaniya at isinuot ang singsing. Niyakap ko siya at nagyakapan kami.

"I now pronounce you, Man and Wife!" Nagpalakpakan ang mga tao sa simbahan. Binalingan ni Father si Mahal.

"You may now kiss the bride!"

Nagsigawan na ang mga tao. Lalo ng itaas ni Mahal ang belo ko. Inch nalang ang namamagitan at magdidikit na ang mga labi namin.

Maglalapat na.......

Ding

Napahinto kaming lahat ng tumunog ang kampana ng simbahan.

Ding

The kiss was interrupted by the bell. At ang mas nakakapagtaka ay ang tunong nito.

Ding

"Parang sa patay."

Nagulat ang lahat ng biglang padabog na bumakas ang pintuan ng simbahan. Napatingin kaming lahat doon habang inaaninag ang isang nilalang na nakatayo doon.

Napakapit ako kay Mahal ng magsimulang tumawa ng mahina ang nilalang sa dulo ng pinto. Palakas ng palakas.

Hanggang sa maaninag ko na ang mukha niya.

"No"

Hindi pwede ito. How come!

Ngumit siya sa amin ng nakakatakot. I've seen him before, in the other dream.

Biglang pumula ang mga mata niya at kasabay ng pagbuka ng bibig niya ay lumabas sa likod niya ang dalawang napakalaki at nakakatakot niyang pakpak.

"Ahhhhhh!"

Napatayo ako sa higaan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumikot bigla ang mga mata ko. Inuli ko ang paligd ng kwarto ko. Ako lang mag isa pero alam kong may kasama ko. Someone is watching me.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon