IKA-LABINLIMA

91 12 1
                                    

MOOD SWING NI JANICE

GADREEL's Point of View

"Gusto ko ng mangga!"

Saglit. Ano daw?

"Mahal, ang aga aga pa para magmangga!" Kahit papaano naman, alam ko ang proper way sa mga pagkain. Eh ang aga pa tapos nagkape lang kami kanina. Ni hindi pa kami kumakain ng kanin.

"Eh. Gusto ko. Sige na. Bili mo ako kahit isa lang!" Ang laki ng ngiti niya sa akin ha.

"Mamaya nalang. Nagaayos pa kase tayo ng mga pinamili natin." Hindi naman siya ganon magcrave diba. O kaya, patapusin niya lang muna ang ginagawa namin.

"Gusto ko ngayon na eh!" Para naman siyang bata ngayon. Bakit parang ibang Janice ngayon ang kaharap ko.

"Ganito nalang. Magshower muna ako. Pinagpawisan kase ako kanina eh. Tapos bibili na ako agad!" Malumanay kong sabi. Hassle kase lalo at nanlalagkit na ako. Tinitigan niya lang ako hanggang sa bigla nalang siyang naluluha.

Oy!

"Mahal, bakit ka umiiyak?" Nataranta naman ako para lapitan siya pero tumalikod lang siya sa akin.

"Mahal, uy. Bakit? Anong nangyari?" Hindi pa rin siyang humaharap sa akin. Anong nagawa ko?

"Mahal!" Sapilitan ko na siyang hinarap sa akin at nakita ko lang ang basang basa niyang pisngi.

Ano ba kaseng nagawa ko? Hindi ko na alam ang gagawin. Anong nangyayari kay mahal. Humihikbi pa siya.

"Bakit ba *sob* ayaw mo *sob* akong ibili?" Dali dali kong pinunasan ang pisngi niya.

Oh God! Dahil ba ito sa mangga? Seryoso?

"Yung mangga ba?" Nag aalala kong tanong. Paano kase, bigla bigla nalang umiiyak.

"Oo" kinakapos na siya ng hininga sa pag iyak. Seryoso ba talaga? Umiyak siya dahil sa mangga?

"Oo sige. Bibili na ako agad. Ilan ba?" Agad kung kinuha ang susi ng kotse ko.

Ngunit pag harap ko ay nakangiti na siya.

Ha?

"Kahit isa lang!" Nagsign pa siya ng isa sa kamay.

Mahal, ikaw ba talaga iyan? Bakit ang bilis mong magbago ng expression?

"Oh sige. Antayin mo lang ako dito ha?" Nilapitan ko siya para halikan sa noo.

Tinahak ko na ang pinto para umalis ng muli siyang tumawag.

"Mahal!"

"Hmm?"

"Gusto ko yung kapipitas pa sa puno!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa request niya.

"Mahal, hindi naman season ng mangga ngayon. Saan ako makakahanap ng kakapitas sa puno?"  Naiibahan na ako sa kinikilos niya. Hindi ito ang normal niyang ugali eh.

"Ayaw mo?" Biglang nangilid na naman ang mga luha niya.

Hala ka!

"Fresh from the tree, Mahal. Wait mo lang ako ha. I'll be back!" Tumango siya kaya umalis na ako.

What's happening? Meron ba siya ngayon? Pero hindi naman siya ganito ah. Nasapian ba siya? Bumalik ba ako para icheck? Pero hindi eh. Gustong gusto niya talaga ngayon ng mangga. Pero bakit? Anong dahilan?

Sinuyod ko ang buong nayon. Halos lahat ng puno ng mangga, hinintuan ko para sipatin. Pero wala akong makitang bunga. Paano na ito? Siguradong bubuhos na naman ang pag iyak niya kapag wala akong dala.

BOOK 2-Ang Fallen Angel Ng Buhay Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon