Napatingin ako sa salamin kung saan suot-suot ko ngayon ang uniform namin.
Isa itong white long sleeves na may black na neck tie. Pinatungan ko ito ng isang blazer slash coat na kulay gray at suot ko rin ang skirt nito na sakto lamang ang haba malapit sa aking tuhod.
Ginamit ko rin ang sapatos na nakalagay sa ilalim ng mesa. Sakto lamang ito sa akin na ipinagtaka ko naman kung paano nila nalaman ang size ko.
Mukhang marami silang alam sa akin, ah?
Inilugay ko lamang ang aking buhok nang may biglang kumatok sa pinto. Panigurado ay si Kiara na ito.
Kinuha ko agad ang aking bag at binuksan na ang pinto.
"Pasensya na kung natagalan ako, " bati ko agad sa kaniya.
Napaawang naman ang kaniyang bibig nang makita ang aking hitsura.
"Woah! Grabe, bagay na bagay sa'yo ang uniform. Bakit ba ang unfair ng mga gods sa pamamahagi ng ganda?" pagbibiro niya sa akin at mahina naman akong ngumiti sa kaniya.
"Um, nga pala may itatanong sana ako, " I cleared my throat, keeping a straight face.
"Magkano ba ang pagkain sa cafeteria niyo?"
"Binilhan na nila tayo roon. Hindi mo na kailangang mag-alala," nakangiti niyang sagot. Pasekreto namang akong napahinga nang maluwag.
Sabay kaming bumaba patungo sa cafeteria at napagtantong magaala-una na ng hapon. Kaya siguro marami na ang mga tao sa loob. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin saka magbubulongan.
Malaki ang cafeteria nila na mukhang kayang magkasya ang tatlong daan na mga estudyante sa loob.
Naka-aircon din ito at maraming mga pagkain ang ibinibenta nila sa kaliwa. Sa gitna naman ay mga lamesa kung saan maraming mga estudyante ang kumakain dito.
"Putangina, Caelum!"
Nakuha agad ang aking atensyon nang may babaeng biglang sumigaw nang malakas sa gitna ng cafeteria.
Napalingon ang ibang mga tao ngunit ang iba ay tila mga sanay na. Parang nag-aaway sila ng isang lalaki na nakatayo at may hawak-hawak na lasagna.
"Sinabi ko ngang ibalik mo ang lasagna ko! Tangina, sasapakin na kita!!"
Malakas niyang sigaw ulit saka hinabol ang lalaki na tumatakbo na ngayon papalayo habang tumatawa.
"Hay, nagsisimula na naman sila, " sabi ni Kiara saka nagiling-iling.
Tinignan ko muli ang dalawa na naghahabolan paikot sa cafeteria habang nagsisigawan. Ang iba ay napasuot na lamang ng earphones ngunit karamihan ay parang wala namang pakialam.
Lumapit si Kiara patungo sa pabilog na table na kinaruonan ng dalawa kanina. Sumunod naman ako sa kaniya kung saan may nakaupong lalaki na tahimik na kumakain.
Agad naman itong napalingon sa amin nang biglang umupo ako sa kaniyang harap habang magkatabi naman sila ni Kiara.
"Hey! Ito ba ang sinasabi mong bagong student ng academy?" magalang na tanong ng lalaki kay Kiara habang tinuturo ako.
Tinignan ko ang lalaki sa harapan ko na moreno at masasabi kong may hitsura siya.
Hindi naman ito mukhang suplado. Siguro ay sadyang tahimik lamang ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasy|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...