Nagpatuloy kami ni Alysia sa paglalakad patungo sa Western border. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ng ibang mga kasamahan namin ngayon.
Naroon sina Astra at ng ibang mga Seniors sa Eastern border.
Naging tahimik ang ilang minuto na paglalakad namin. Wala kaming natanaw na halimaw mula pa kanina.
Sa tingin ko malapit na rin kami sa kinaruruonan nina Bellona. Nararamdaman ko na ang kanilang mga presensya.
I suddenly stopped on my tracks.
May malaking pagsabog akong narinig, hindi nalalayo mula sa amin.
"What was that?" baling ni Alysia sa'kin.
Naging madilim ang aking ekspresyon. Napakapit ako sa aking espada. Mukhang alam ko na kung saan galing ang pagsabog.
Lumipad ang Lithian Dragon sa itaas namin. Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon na pinagmulan nito.
Mukhang naintindihan din ni Alysia ang nasa isip ko. Agad itong sumunod sa akin.
"Over there!" Alysia pointed.
Patuloy kaming tumatakbo na dalawa. Nakita na namin ang grupo nina Bellona. Ang dating pormal na uniporme ng mga drydens, ngayon ay napuno na ng mga gusot at bakas ng dugo.
Masyadong magulo ang buong lugar ngunit may kakaiba rito. Matindi ang usok at init sa paligid. Inilibot ko ang aking tingin.
May hindi tama.
Abala silang lahat at mga sugatan na rin. May mga halimaw silang nilalabanan ngunit kapansin-pansin ang nasusunog na mga puno sa likod nila.
Mabilis kaming lumapit sa kanila ngunit bigla akong napatigil sa aking kinatatayuan.
Sa bandang malayo, may nakita akong nakahigang mga katawan na mukhang hindi na humihinga pa.
Napatakip naman si Alysia sa kaniyang bibig nang makita niya ito.
Sunog ang kanilang mga katawan.
Mukhang iniwan na lamang ito dahil masyado maraming mga halimaw ang naroon. Hindi na nila ito makuha dahil pati ang natitirang mga Seniors dito ay mga abala na manatili pang buhay at hindi magaya sa kanila.Napapikit ang aking mga mata.
Hindi ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis na sumugod upang tulungan ang natitirang mga Seniors. Walang segundo akong sinayang at malakas na ipinatagos ang aking espada sa lahat ng halimaw na aking nakikita.
Napansin nila ang aking pagdating. Hindi nagtagal at sumunod din si Alysia sa aking likod. Umiiyak ito.
"Stop fucking crying, Alysia! Wala tayong oras para d'yan! Marami pang mga halimaw ang kailangan natin labanan!" sigaw ni Bellona na lumapit dito. Nagkagulo ang buong lugar.
Iniharang ko ang aking espada sa nilalang na nasa harapan na ni Alysia. Akmang tatamaan na sana ito. Pinaslang ko agad ang halimaw.
Hindi pa rin siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha nito habang nakatingin sa katawan ng isang Senior.
"T-that's R-Reanna..." tulalang sabi nito. Her lips quivered.
Tila'y walang-wala ito sa sarili. Umaagos ang luha sa kaniyang mga mata, hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasy|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...