Chapter 12

216 34 1
                                        

Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Tahmik na nakatayo ang babae sa harap ng isang puno ng narra.

Hindi ko makita nang maayos ang mukha nito. Hahakbang sana ako papalapit ngunit may biglang humila sa aking braso.






"Shhh..."

Hellion signed to me to keep quiet. His finger laced on his lips as I breathed heavily.

"What-"

Hinila niya ako papunta sa likod ng puno kung saan kami nakatago ngayon.



"Stay down," he whispered.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko inaasahan na makikita siya rito ngunit bakas sa seryoso niyang mukha ngayon, mukhang pareho namin sinusundan ang babaeng tumatakbo.


I got a hold of myself and hid behind the tree as well.



Nakasuot ang babae ng isang mahabang hood kung kaya't hindi ko masilip ang mukha nito. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng puno at walang ginagawang iba.


Parang may hinihintay ito.

Isa ba siyang estudyante rito?






May apat na tao na kapareho sa suot ng babae ang tumakbo papunta sa tabi niya. Mukhang galing ito sa building ng academy.


Batay sa direksyon na pinanggalingan nila, mga estudyante nga ito.


Tumango ang isa sa kanila at ang sunod na mga nangyari ay siyang ikinagulat ko.




I gasped.



A portal suddenly opened from the tree where a group of men dressed in armor emerged from it.


Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Hell sa aking kamay.

Pareho kami ng iniisip ngayon.

Pamilyar sa akin ang suot nila dahil ilang beses ko na ito nakita. Ito ang mga suot ng tauhan ni Xerxes.

Paano sila nakapasok dito? May magical barrier ang academy kung kaya't imposibleng makabuo ng isang portal papasok sa academy ng basta-basta lamang.

Unless, ang portal ay hindi ginawa mula sa labas kundi mula sa loob.


My eyes widened.

Nakita ko ang dahan-dahang pagbaba ng babae sa kaniyang kamay. Kasabay nito ay ang pagsara ng portal. Siya nga ang may gawa nito.


May imperium ito na magsummon ng mga portals.




"When is it ready?"


"W-we still need more time. The mission is too complicated," the girl quietly replied, trying to keep her voice from trembling.


"The master has given you more than enough extension. It cannot be delayed again. "



"Please... Give us another week-" she pleaded.

The man in front draw his sword pointing to the girl. Agad namang hinarang ng isang kasamahan ng babae ang espada nito.


"The master will not wait! If you cannot complete your mission, he will be the one to finish your lives. As I said, no more extensions," galit nitong sabi.

Napayuko ang ibang mga kasamahan nito.


"Tell Xerxes that we will do it this week," ani ng lalaki sa isang malalim na boses. Pumunta ito sa harapan ng babae. Tila'y prinoprotektahan ito.

The man paused for a while.





"Very well," he grunted. Sumenyales ang mga kasamahan nito.




Lumabas na ang portal sa kanilang likod.

Pumasok na ang ibang mga tauhan ni Xerxes dito at tuluyan na silang nawala sa aming paningin.




"Damn. That was so close," one of them said.

"Ayos lang ba kayo?"

"Hindi naman kami napahamak," sagot nito.

"Pesteng mga Vespers iyan kasi! Masyado silang mahigpit sa seguridad ng academy," reklamo ng babae.



Nagkatinginan kami ni Hellion.




"Kung hindi sila nakakasagabal, matagal na sana natin ito natapos!" nanggigigil na sigaw ng isa.

"Tayo ang papatayin ni Xerxes nito. Kailangan natin unahin ang mga Vespers. "




"Don't worry... " the man mumbled.

"We will execute the mission tomorrow. Get some rest. We need to get back before they realize we left the dorms," he dismissed them in a final tone, with a wave of his hand.

Umalis ito at agaran naman sumunod sa kaniya ang kaniyang mga kasamahan.




Hindi sinasadyang nahagip ko ang mukha ng babae dahil sa lakas ng hangin. Natanggal ang hood nito.


Pamilyar ito sa akin. Siya 'yung nabanggaan ko noong party. Iyung babaeng natapunan ng wine!

Siya rin 'yung may imperium na magsummon ng mga portals.


Bakit nila ginagawa ito? Bakit sila nakikisabwatan sa mga tauhan ni Xerxes?

Lahat sila ay mga estudyante rito. Para na rin nilang trinaydor ang Celestia. Hindi nila alam kung gaano kadelikado ang mga tao na kinakausap nila.

Walang puso ang mga ito. Kahit sino ay hindi itong nagdadalawang-isip na patayin. Kahit pa sumunod sila sa usapan, kamatayan pa rin ang kahahantungan nila.


Hindi ko hahayaan na mapahamak nila ang Celestia. Sina Kiara, Astra... ang mga Vespers...hindi ko hahayaan na mapahamak sila.

Kung ano man ang balak nilang gawin bukas, kailangan ko itong mapigilan.







"I told you to stay away from danger..."

Napalingon ako sa aking katabi. Seryoso ang mukha nito ngayon.



"That girl... Kilala ko siya. She was at the party for the Winter Solstice," I said.


"I know." He stared at my eyes.


"Mukhang may balak sila na maipahamak ang mga estudyante ng Celestia. Narinig mo ang pinag-usapan nila kanina. Nanganganib sina Kiara, " ani ko.


"Kailangan natin sila mapigilan! Kailangan natin malaman kung ano ang binabalak nila-"


"Stay out of this, Octavia, " he cut me off.

I pursed my lips.





"Leave this to us. Worry for your own safety. Besides, we weren't chosen as Vespers for nothing."

Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa.






"Just pretend you didn't see or hear anything tonight. I told you. Celestia isn't a safe place anymore."

His expression was grim.

"Stop putting yourself in danger. " He immediately walked away, giving me no chance to reply.



I tried to catch up to him but he was nowhere to be seen.


Hindi ko magagawa iyon, Hellion. These people are my people. Sisiguraduhin ko na hindi sila mapahamak.






I felt my eyes glowed as the the night was filled with passing clouds of ink.

The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon