Chapter 18

170 18 0
                                    

Ilang minuto ang dumaan simula nang buhatin ang mga bangkay ng namayapang mga Drydens. Ang iba ay inaasikaso ang mga natamong sugat ng bawat isa. Mukhang mga healers ito ng academy dahil may suot itong green cloak.


Malakas pa rin ang apoy malapit sa aming banda. May nakikita rin akong usok galing sa Eastern Border.





Nagulat naman ako ng bigla akong hinila ni Alysia papalayo sa grupo ng mga Seniors.

Napadpad kami malapit sa mga nagtataasan na mga puno.

Nagtataka akong napalingon sa kaniya. Kanina lamang ay malungkot ang hitsura nito ngunit ngayon ay bakas lamang ng kaseryosohan ang mukha niya.




"Bakit? Anong problema?" tanong ko.





Lumingon muna siya sa aming mga kasamahan, sinisiguradong hindi nila naririnig ang aming pinag-uusapan.




"You need to leave here as soon as possible, Octavia," may diin nitong bulong.

Humigpit ang hawak niya sa aking kamay.


Tila'y mas dumilim ang aming paligid. Sa likod ng seryoso nitong mukha, bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.





"Hindi nga ako nagkakamali. Ikaw ang babae sa propesiya. Sigurado akong nanhihinala na rin sila. Ilang taon ka na naming hinihintay ngunit kailangan mong umalis dito. Nanganganib ang buhay mo sa academy, Octavia. Papatayin ka nila."



"Anong sinasabi mo, Alysia?" naguguluhan kong tanong.

Balisang-balisa ito.





"Nakita ka namin lahat kanina. Kakiba ang hawak mong kapangyarihan. Sigurado akong hindi ako nagkakamali. Ikaw ang babaeng itinakda na iligtas ang buong Hesperia," sabi niya.

Ibang-iba ang ekspresyon niya sa dating Alysia na napakahinhin. Bakas ang kaba at kaseryosohan sa kaniyang mukha.





Ang babaeng itinakda na iligtas ang buong Hesperia?





Hindi ko alam ang tungkol sa propesiya na ito. Ilang beses ko ng narinig na binanggit ito nina Kiara at ng mga Vespers simula nang dumating ako rito. Ngunit hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni Alysia.



May gustong pumatay raw sa akin dito sa Celestia. Ang tanong ay sino?

Napakunot ang aking noo.


Lumiwag ang buong kalangitan at narinig namin ang hiyaw ng Lithian Dragon. Sabay-sabay kaming napalingon lahat. The dragon heavily flapped its wings from the attack. Its scaly body moved up and down with each furious breath.

Nakita ko si Astra sa ere na pinapatamaan ang dragon gamit ang kaniyang imperium. Muling lumiwanag ang kalangitan. Hinaharang niya ang kaniyang kapangyarihan mula sa apoy na binubuga ng Lithian dragon.

Sa kaniyang tabi ay dumating si Lance na tumulong sa pag-atake nito. Sumunod rin sina Kiara at Caelum sa kaniyang tabi.




Rinig namin ang malaking ingay na linilikha ng higanteng halimaw mula sa kalangitan. Nahagilap ng aking tingin ang Senectus ng Council of Vespers na siyang unti-unting humihigop sa dragon patungo sa kadaliman.



Nagtipon-tipon na ang lahat ng mga Vespers.



May malaking kidlat na tumama na tiyak akong nanggagaling kay Caelum. Ngunit napansin ko agad na tila'y kumurap ang liwanag na nagmumula sa imperium nito. Mas lalo akong kinabahan nang biglang tumulo ng dugo ang ilong nito.




The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon