Chapter 14

219 34 2
                                    

Nagkaguluhan na ang buong hall dahil sa patuloy na mga pagsabog mula sa labas.

Tumatakbo na ang lahat ng mga estudyante papunta sa gymnasium. Ang iba ay nagsisigawan sa patuloy na pagguho ng kesame sa itaas namin.






"Halika na, Chris! Wala na tayong oras!"


"Hindi ko iiwan ang kapatid ko rito!"





Napatingin ako sa dalawang lalaki na nagsisigawan sa gitna. Sa tabi nito ay isang babae na mas bata kaysa sa kanila. Hindi ito makagalaw.

Mukhang nabagsakan at naipit ang paa nito mula sa pagsabog.






"We can't help her! Mababagsakan na tayo dito. " Hinihila niya ang lalaking nagngangalang Chris.

Malakas siyang tinulak nito.




"Ano ba?! Mauna ka na lamang doon. I said I won't leave without my sister," pagmamatigas nito.




Patuloy niyang sinusubukang buhatin ang mga debris na nakadagan sa babae. Umiiyak naman ang kaniyang kapatid.


"Argh!" sigaw ng kasama ni Chris.


Tumakbo ito papalapit sa magkapatid at tumulong kay Chris na buhatin ang bahagi ng kesame na nahulog upang makaalis ang babae.


Napatingin ako sa itaas at nakitang may papabagsak na debris sa kanilang banda.


Nanlaki ang aking mata.

"Sempreves Vitae!"





Huminto ito bago pa tuluyang bumagsak sa kanilang tatlo. Idinako ko ito nang mabilis papunta sa malayo upang walang makakita rito.

Tumakbo ako papunta sa kanila at binuhat ang nakadagan na semento sa babae nang walang kahirap-hirap.





"Maayos lang ba kayo? " tanong ko.




Mabilis na tinulungan ni Chris ang kaniyang kapatid na makatayo.



"Kreisha!"


Nakaalalay naman ang kaniyang kasama na hindi pa rin makapaniwala na nabuhat ko ang semento nang ganoon lamang kadali.





"Maayos na ho kami," yumuko si Chris sa aking harapan. "Maraming salamat po!"




"Ang mabuti pa ay pumunta na kayo sa gym," pag-aalala ko. "Ngayon na. "

Tumango naman sila sa akin.





Agad silang tumakbo papunta sa gym at naiwan ako sa gitna ng hall. May iba pang seniors na narito sa labas ngunit ang karamihan na mga ordinaryong estudyante ay nakapasok na sa loob ng gymnasium.

Nakita ko sina Kiara at Astra sa labas na sumisigaw kausap ang tatlong seniors.

Lumapit ako sa kanila.






"Puntahan niyo sina Caelum-"





"Octavia!" tawag ni Astra nang makita ako.



Napalingon sila lahat sa akin. Gulat na humarap sa akin si Kiara.



"Anong ginagawa mo rito?" hysterikal na tanong nito.




"Nakapasok na ang mga estudyante sa gymnasium. Ang mga seniors na lang ang naiwan sa hall," kalamado kong sabi.




"Masyadong delikado rito!"




The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon