"Narito na ang temple ng mga Ethereans!" ani ni Kiara.
"Dahan-dahan lang naman sa pagtakbo, teh. Wala tayo sa marathon," reklamo ni Astra habang hinihingal.
Hawak-hawak niya rin ang kaniyang dalawang tuhod dahil kanina pa ito pagod.
Papunta kami ngayon sa temples ng academy. Umagang-umaga pa lamang ay kinatok agad ni Kiara ang kwarto ko kasama si Astra na inaantok pa.
Ayon sa kaniya, nais niya daw sa akin ipakita ang mga ito mula pa kagabi ngunit bigla na lamang daw ako nawala agad sa party. Kaya heto
ngayon at excited na excited ito."Halina kayo!" sigaw niya sa amin mula sa malayo.
"Ang atat naman neto, " sambit ng aking katabi habang kinakamot ang kaniyang ulo.
Sumunod na kami ni Astra sa kaniya at tumumbad sa amin ang isang malaking templo.
Mistula itong puting mausoleum kung titignan. Agad naman na yumuko ang aking mga kasama bilang simbolo ng pagrespeto.
Pagpasok namin ay nakita namin ang iba't ibang mga altar ng mga diyos at diyosa na may mga offerings sa baba nito.
Ngunit kapansin-pansin ang pitong altar na may mas maraming mga offerings. Mukhang bago lamang ito na bigay.
"These are the altars of the seven goddesses," Kiara said.
"Grabe, ang gaganda nila noh?" namamanghang ani ni Astra.
Napatingin ako sa mga paintings na nakalagay doon. Bawat isa sa pitong mga diyosa ay nakasuot ng mahahabang bestida at puno ng mga alahas. Kagalang-galang ang hitsura ng mga ito.
"They're the children of Nerus, the chief god of the Ethereans. Every generation, they choose a new set of Vespers that are destined to protect the mortal realm, " sabi sa akin ni Kiara.
"Diba sila rin ang nagtatag ng academy na ito?" tanong ko.
"Yup. Mababait at makapangyarihan ang mga 'yun," sagot ni Kiara.
"Maswerte kami na napili nila kami," ani ni Astra.
"It was the seventh goddess who chose me. Bigla itong nagpakita at binigyan ako ng basbas noong unang taon ko pa lamang sa academy. She believed in me when no one else did."
Nakangiti ito habang nakatingin sa ika-pitong painting ng isang magandang babae na may suot na pulang bestida. Bakas ang paghanga at respeto sa mukha ni Kiara.
" Sa akin naman ay ang ika-limang diyosa. Ang bait-bait n'un as in! " tukoy ni Astra sa babaeng nakaberde.
I know.
Generis has always been the kindest one. Siya ang pinakamapagbigay at mapagpasiyensa sa lahat ng mga Ethereans.
Naalala ko pa ang mga panahon na palagi nitong gusto na pumunta rito sa Hesperia at tumulong sa mga tao nang pasekreto. Siya rin ang palagi pumapagitna tuwing may nag-aaway o nagkakagulo sa palasyo.
"Nakakalungkot lamang na limang taon na kaming walang naririnig mula sa kanila," ani nito.
Bakas ang kalungkutan sa kaniyang boses.
"Wala pa rin ba kayong ideya kung bakit bigla na lamang sila nawala?" tanong ko.
"Hanggang ngayon wala pa rin eh. "
BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasy|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...