Chapter 1

970 183 72
                                        

"How long are we from our destination?" tipid ko siyang tinanong habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan.



Papagabi na at unti-unti nang dumidilim ang kalangitan.






"Not long enough. We'll arrive in a few minutes. "





Masuyo kong pinagmasdan ang mga puno na amin dinadaanan. Habang mas tumatagal ang aming biyahe, mas nagiging madilim at magubat na. Halos wala akong makitang mga bahay sa lugar na ito.

Kung meron man ay maliliit lamang na mga bahay at kadalasan tanging mga ilaw lamang nito mula sa malayo ang aking nakikita.



Limang oras na kami bumabiyahe at medyo kumakalam na rin ang aking sikmura dahil hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga.




Damn it.

Until now, I'm still having a hard time dealing with this mortal thing. How pathetic of you, Octavia.






After covering an obvious contempt in my face, I finally glanced at the blonde man driving the car.

Mahigpit ang kaniyang hawak sa monobela at seryoso siyang nakatingin sa daanan ngunit bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagkabahala.






Biglang lumiko si Arkhus sa isang makipot na kalsada sa may kanan kung saan may malaking puno ng talisay na mukhang ilang henerasyon na ang naabutan.

Tila'y mas naging malamig ang temperatura at mas dumilim ang kapaligiran. Ang tanging ilaw na gumagabay sa amin ay ang ilaw mula sa aming sasakyan.





"Malapit na tayo. Ito lamang ang tanging lugar na palagay ko ay mas magiging ligtas ka. I'm sorry. This is the best thing I can do for you."



He looked at me with apologetic eyes and quickly returned his eyes to the road.





"I understand, Arkhus. You have already done more than enough. " Ngumiti ako nang bahagya dahil totoo talaga ang mga sinabi ko.




Isa siya sa mga natulungan ko dati kung kaya't tinutulungan niya ako. Malaki raw ang utang na loob niya sa akin. I helped him once to get away and live a peaceful life.

Arkhus is a good man. Ayaw ko na siyang madamay pa sa gulo ng aking mundo.




"I know what you're thinking, Vic. I'll always be here to help you no matter what. Things would get better soon. " He smiled at me softly na nakapagpagaan naman ng ang aking loob.




Arkhus has always been so innocent and pure. He reminded me of my sisters which is probably why I have a soft spot for him.



My sisters



I smiled bitterly. Memories flooded down my mind in an instant and all I could feel is pain, longing...

and anger.






Naalala ko pa ang masasayang mga alaala namin dati. Kung gaano kagarbo ang bawat selebrasyon at okasyon. Napupuno palagi ang palasyo ng tinig ng musika at sayawan ng mga tao. Bawat hall ay may malalaking mga chandelier at mamahalin na mga muwebles.

Puno rin ng mga tao na may dala-dalang mga regalo na inihandog para sa amin. We have always been the center of attention, the ones who were highly respected and honored.




I could still remember how my mother would grasp her fine silks and dresses and father...





Biglang naputol ang aking pag-iisip nang biglang huminto ang sasakyan. Napaayos ako ng upo at tumingin sa labas ng aming hinintuan.

The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon