Nagising ako sa malakas na pagbukas ng gate sa hindi kalayuan. Tila'y gawa ito sa metal dahil napangiwi ako sa matulis na tunog nito.
Napaungol ako sa bigat ng aking pakiramdam. Parang minamartilyo ang aking ulo sa sakit.
Madilim ang aking paligid. Napakurap ang aking mga mata sa maliit na liwanag na nagmumula sa gitna ng kwarto. Inilibot ko ang aking tingin dito. Maliit lamang ang espasyo nito, at ramdam ko ang malamig na sahig na kinauupuan ko.
Napuno rin ng cobwebs ang mataas na kesame. Halatang hindi madalas na nililinasan ang lugar.
Bagama't masakit ang aking katawan, wala akong maramdaman na ibang emosyon. Tulala akong nakatingin sa sahig. Sa tuwing pumipikit ako, ang mukha ni Alysia ang aking nakikita.
Natawa na lamang ako nang mapait.
Umasta akong kakamutin ang aking ilong dahil sa matinding alikabok ngunit doon ko lamang napagtanto na nakagapos pala ang aking mga kamay.
Sinubukan ko ring sirain ang kadena nito ngunit mukhang may nakabalot na malakas na puwersa ng imperium dito. Napadura ako sa gilid sa inis. Walang kwenta.
Nasaan ba ako?
Ang huli kong naaalala ay ang pagdating ng mga matatanda na may pormal na kasuotan. Kasama nila ang Headmistress noong lumapit sila. Hindi ko pa sila nakita kailanman ngunit ngayon na naisip ko, bahagyang pamilyar nga ang mga pagmumukha nila.
Nais din nila akong patayin kung hindi lamang sila pinigilan ni Hell.
Ang mga Vespers...
Sa dami ng nangyari, hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin. Nais ko ng makalabas dito sa lalong madaling panahon. Hindi rin ako komportable sa lamig ng semento.
However, the cold ground was the least of my worries.
The great prophecy has just begun. It's only a matter of time before worse things start stirring. In fact, we've already had a taste of it.
Mabilis nang pumapatak ang oras. Ilang araw na lamang ang natitira bago dumating ang araw na kinakatakutan ng lahat- ang huling digmaan na siyang tatapos sa lahat.
Sinuri ko muna ang aking kalagayan ngayon.
Mukhang may gumamot na sa aking mga sugat sapagkat may benda sa aking braso. Maayos ang pagkabenda nito, tila'y propesyunal ang nag-ayos. Masakit pa rin ang aking katawan ngunit ramdam ko na nakapagpahinga naman ako kahit papaano.
Hindi ko lang alam kung ilang oras ako nakatulog o mas marapat sabihin na pinatulog ako. Napangiwi ako sa alaala.
Muli kong ipinadaos ang aking tingin sa lugar. Medyo madilim sa labas at tila'y nakakulong ako sa isang maliit na selda. I guess this is the Campus Dungeon. Madumi rin ang aking damit na batid ko ay dahil sa alikabok ng sahig.
Napatingin ako nang masama sa alikabok na kumapit sa aking uniporme.
Hintayin niyo lang na makalabas ako rito at sisiguraduhin kong kakalbuhin ko ang kung sino mang naglagay sa akin sa maruming sahig na ito.
May naririnig akong mahinang kalansing ng mga susi at kasunod nito ay mga yabag ng paa ng tao. Papalapit ang tunog nito sa aking selda. Napaangat ako agad ng tingin at umayos ng upo.
Tahimik akong nagpalabas ng mahika sa aking kamay at siniguradong nakatago lamang ito sa aking likod.
"Octavia?"
![](https://img.wattpad.com/cover/255945990-288-k286422.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasía|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...