Napaupo muna ako sandali habang nakatingin sa ibang mga estudyante na naghahanda na ngayon. Binigyan kami ni Professor Ford ng labing limang minuto upang maghanda.
Ang iba ay halatang mga abala sa pag-eensayo at may mga pinagkakaabalahan samantala nanatili akong tahimik sa pinakadulo.
I sighed.
Isang araw pa lang ako rito ngunit marami na ang mga nangyari.
Marami pa ring mga tanong ang bumabagabag sa aking isipan at sa bawat sagot na binibigay nila sa akin, mas lalo lamang dumadagdag ang aking mga katanungan.
But again, it's not like as if this is something that I am not used to.
There's no room for weakness in this kind of world.
Wala kang oras para maging mahina dahil dalawa lang ang kahihinatan mo. It's either you're the prey or the predator. It's as simple as that. That's how I managed to survive for so long.
Hindi ka magtatagal kung magiging mahina ka. At sa mga oras na ito wala akong masasandalan na iba kundi ang sarili ko.
It's unfair, indeed.
Ngunit wala namang nagsabi na patas ang mundo. Iba't iba ang pinagdadaanan ng bawat isa. You just have to deal with that shit. Just because it's unfair, it doesn't mean that you'll do nothing and just lay down by a rock and die. Ikaw pa rin ang magiging kawawa sa huli.
Kung hindi ikaw mismo ang tutulong sa sarili mo, sino pa ba ang inaasahan mo?
Nakita ko naman si Lance na naglalakad patungo sa akin habang nakapamulsa.
"Hey. "
Ngumiti siya sa akin saka tumabi. Napaayos naman ako sa pag-upo.
"Hey," simpleng tugon ko.
"How are you?"
"Ayos lang. "
Nanatili kaming tahimik na dalawa.
He stared at me intently and gave me a smile. Napabuntong hinga siya habang sabay kami nakatingin sa mga nag-eensayo. May hawak-hawak na espada ang karamihan sa kanila kasama na sina Caelum at Astra. Si Kiara naman ay may ginagamit na bow and arrow sa pag-eensayo.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila sa pag-ensayo?" tanong ko.
"Nakita kitang mag-isa rito eh. I figured out that you might want some company. " Mahina siyang tumawa.
"Ayaw mo bang mag-ensayo?"
"Tapos na akong magtraining kaninang umaga. Naalala ko kasi sa'yo ang sarili ko noong unang araw ko pa lang sa academy," ani nito.
"How about you? Ayaw mo bang magtraining? Maybe I can help. "
Mukhang masipag ang isang 'to. Palagi ring nakangiti o di kaya'y tahimik lamang. He has a cool aura that makes him look approachable.
Kaya siguro maraming mga babae ang nakatingin sa kaniya palagi. He seems very friendly.
"Mukhang may balak naman siya na patayin ako. Baka kagatin pa ako kung lumapit ako doon. Manonood na lang ako rito," sabi ko at tumawa siya.
Nakatingin kami ngayon kay Bellona na may hawak na malaking espada. Naiiba ang sa kaniya. It looks twice as much bigger than the others. Malakas niyang sinugod ang mannequin at buong pwersa na pinugutan ng ulo.

BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasi|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...