Chapter 13

219 31 5
                                    

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa ring ibang nagaganap sa academy.

Madalang ko na rin makasama ang mga Vespers ngayon dahil palagi itong mga abala sa paghihigpit ng seguridad dito. Kung hindi naman sila nag-iikot ikot sa mga hallways, palagi naman itong pinapatawag sa mga meetings ng Council.

Sa katotohanan, nagtataka na ako. Tatlong araw na ang lumipas mula nang itinakda na ganapin ang mga plano nila laban sa Celestia. Ngunit hanggang ngayon, nananatiling tahimik pa rin ito.

Dapat ay matuwa ako dahil walang may nangyari.

Pero bakit masama pa rin ang kutob ko?

Hindi rin ako naniniwalang bigla na lamang nila naisip na huwag ituloy ang mga binabalak nila.

"Haay! Kapagod. Gusto ko ng matulog! Inaantok pa ako," reklamo ni Astra. Nakakamot ito sa kaniyang ulo.

"Inaasar mo kasi si Hell kaya napunta ka sa night duty," tumawa si Caelum.




Naglulunch kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko sina Caelum, Astra at Lance while the devil is sitting quietly in front of me. Sa bawat araw na dumadaan, mas lalo lamang nagiging masungit at iritado ang isang 'to.

Mahahalata mo ang malalalim na nilang mga eyebags. Halata na pagod at kulang ang mga ito sa tulog.

Ngayon lang kami nagkasabay-sabay dahil kadalasan kami lamang ni Astra o 'di kaya ni Kiara. Masyado kasi busy silang lahat.

"Nasa'n pala si Kiara?" tanong ko.

"Siya 'yung nakaduty sa South wing ngayon. " Kinuha ni Lance ang tissue sa harapan niya.

"Ah, Ganu'n ba?" tipid kong tugon.

"Yup. Humingi rin kami ng tulong sa ibang seniors sa Drydens kaya nakasama kami sa inyo ngayong lunch break. "

"Oh, Goddess Freiza! Gusto ko lang naman ho mabuhay nang matiwasay."  Paulit-ulit na sinampak ni Astra ang kaniyang ulo sa lamesa.

Don't mind her, mom.




"Heto tubig, baka sakaling mahimas-himasan ka, " pang-aasar ni Caelum.



"Leche!" sumigaw ito.


"Come on, babe. "


"Babe mo mukha mo! Kahit kelan peste ka talaga!"




Natigil sila sa pag-aaway nang may kutsilyo na biglang lumipad sa lamesa. Nasaksak nito ang mansanas sa gitna nina Astra at Caelum.



"One more word and i'll slit both of your fucking throats," he said coldly.



Kanina pang nagsusungit ang isang 'to.


Nakita kong napalunok si Caelum.

Inosente ko namang tinanggal ang kutsilyo at kinain ang mansanas na nasaksak. Kanina ko pa itong gustong kainin dahil walang ibang prutas dito.

Nabalutan ng katahimikan ang aming lamesa. Nanatiling tahimik na nagbabasa ng libro si Hell habang kumakain pa rin kaming lahat.






Suddenly, the door blasted open.



"Senectus!"



Humahangos na tumatakbo ang isang senior na Dryden papalit sa amin. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa.

Tagatak ang pawis nito habang naghahabol ng hininga. Hindi ko alam kung ano ang sadya nito ngunit nararamdaman kong hindi ito maganda.

Napatayo naman bigla si Hell.



The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon