Chapter 16

194 20 0
                                    

From up the river, another horde of monsters was approaching, hideous, misshapen creatures and empousai ran toward us, shouting enchantingly filthy curses. An unusually tall and muscular, with dark skin and hairy chest humanoid wielded its spiked club toward me.


Kaliwa't kanan ay inindayog ko ang aking espada sa bawat halimaw na nalalagpasan ko. Tila'y dito ko inilalabas ang inis na nararamdaman ko ngayon.

Ang mga dilaw na mata ng mga halimaw ay puno ng galit ngunit sa likod ng mga ito, malalaman mong wala itong bakas ng buhay.



Sinalubong ko ang pinakamalaki sa kanila na kanina pa lumalapit patungo sa akin. Itinaas nito ang kaniyang club.

Gumulong ako sa ilalim ng kaniyang katawan at buong pwersa na ipinutol ang isang paa nito. Nahihirapan akong kontrolin ang bilis ng aking paghinga.

Masama pa rin ang aking loob at hindi ako makapakali. Hindi naman siguro itong mabilis mamatay kagaya ng ordinaryong mga mortal?

Kanina pa ako naiinis!



Malapit sa akin ay nakita kong
kinokontrol ni Alysia ang kaniyang imperium sa pakikipaglaban.

Bawat atake niya ay kapansin-pansin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa kaniya.

Halatang hirap ito sa pakikipaglaban ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi pa rin nawawala ang positibong aura na bumabalot sa kaniya.

Light

Bagay sa kaniya ang kaniyang imperium.

Like a walking ball of sunshine, wherever she goes, she just radiates a theme of optimism. That sweet, soft aura shimmering around her actually made me feel obliged to behave.

Not that I don't. Behave, I mean.

Sinbukan kong punasan 'yung mga bakas ng dugo sa aking espada at uniporme.





Lumapit ito sa akin katapos gawing abo ang huling halimaw na kaharap niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa kinaruruonan ng grupo nina Bellona at Zester.

Pareho kaming tahimik na dalawa. Ang tunog ng tubig na umaagos mula sa ilog ay umaabot pa rin sa aming pandinig.  Kita ko ang pagkailang niya sa aking tabi lalo nang pinasadahan niya ng tingin ang nakakuyom kong kamao.



"Pasensiya nang ganito 'yung mga sumalubong agad sa iyo sa unang buwan mo rito sa academy," maingat na sabi ni Alysia, sinusubukang basagin ang katahimikan.



Kung huhulaan ko ang kaniyang edad, siguro ay nasa 17 o 18 anyos na ito. Mukha itong isang anghel na ubod ng kabaitan.



"Siguro ay nagugulat ka sa mga pangyayari ngayon. Masyadong maraming nakakatakot na mga bagay ang nakita mo mula kanina," bakas ang awa sa kaniyang boses.

"Oh please, it could've been worse," I snorted.

Napapikit ako. Tahimik kong sinaway ang aking sarili sa aking mga sinasabi ngunit sa hindi inaasahan, tinawanan lamang ako nito.



"Tama nga ang sinasabi nila tungkol sa iyo. Kakaiba ka nga sa aming lahat," sabi niya.


"Ah, talaga?" tanong ko habang tumatango.


"Oo naman! Masyado kasing matunog ang pangalan mo sa batch namin lalo na iyong tungkol sa inyo ni Bellona at ang nangyari noong Winter Solstice party, " tumawa ito.

Napaubo ako bigla sa gilid.


"Nakakatuwa kayo ng Senectus. Kaya siguro nag-aalala ka sa kaniya ngayon. Masaya akong makilala ka, Octavia. " Ngumiti si Alysia ng matamis.

The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon