Chapter 21

320 22 23
                                    

Mabilis na lumabas sa selda si Kiara at ibinalik ang pagkasara nito. Nagmamadali ito sa paggamit ng susi habang panay naman ang tingin ni Walter sa labas. Bakas ang pagkabalisa sa mukha nito.




"Listen, Vic."




Kiara continued, "These are selfish, merciless people but still, their authority enforces respect from everyone. The Council of Vespers is no exception to that. Gagawin nila ang lahat para hindi sila magmukhang agrabyado. They are threatened by the prophecy. Your existence is a threat to their power. Kaya kailangan mong mag-ingat sa mga sasabihin mo mamaya. Celestia is surrounded by traitors."

Ito ang mga huling sinabi sa akin ni Kiara bago siya tumalikod at nagmadaling umalis kasama si Walter





Celestia is surrounded by traitors.

Hindi nga ako nagkakamali. Ikaw ang babae sa propesiya. Sigurado akong nanhihinala na rin sila.

Nais ka nilang patayin dahil natatakot sila sa propesiya.

Nanganganib ang buhay mo sa academy, Octavia. Papatayin ka nila.

I told you, Celestia isn't a safe place anymore.

Conflict and betrayal have always been part of human's nature.

How could Hesperia win a war against Xerxes when the weapons they rely on are pointed against each other?

Because of how rotten humanity has become, trust is now considered a reckless thing to believe in.

However, I can't blame anyone; for life has become so cruel that the truth could even break one's soul. Maybe humanity is already too far damaged and beyond hope.


We've all become traitors and liars at some point, even to ourselves...

and I am no different from these mortals.



Napapikit ako sa sarili kong paglalason sa aking isipan. Hindi ito makakatulong sa aking sitwasyon ngayon.

Stop it, Octavia.




Tama si Kiara. Napapalibutan nga ng mga ahas ang Celestia. Ang mas masahol pa ay nasa loob lamang din ang kalaban.

Ang mga estudyanteng nakita namin sa gubat ang may kagagawan sa pagsabog ng Minerva ngunit may iba pang mga traydor. Hindi lamang sila ang nasa likod nito.

Ano ba ang meron sa propesiya at nais nila akong patayin? At sino ba sila?


Sinubukan kong sirain ulit ang mga kadena na nakagapos sa aking mga kamay. Mukhang nakakonekta ito sa mismong pader at hindi rin madali-daling masisira ang imperium na nakabalot dito.



Narinig ko ang muling pagbukas ng gate sa malayo at sa isang iglap ay may dumating na mga guwardiya sa harap ng aking selda. 

Lahat sila ay armado at may simbolo ng puting rosas sa kanilang kasuotan.


Masama akong nakatingin sa lalaking nagbukas ng pinto. Mukhang siya ang mas may awtoridad kesa sa iba niyang mga kasamahan.


He stood of average height, his light blonde curls sweeping forward. It almost even covered his mocking eyes. A wry smile twisted his lips which I found very annoying.


"You are called for trial. The Council of Elders will decide your fate," he announced.




"Get your bloody hands off me," kalmado kong sabi sa isang guwardiya na humawak sa akin.

The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon