Bigla akong nagising sa tindi ng sakit ng aking ulo.
Nakahiga ako at natagpuan ang aking sarili na nasa loob ng isang puting kwarto. May mga nakahilera pa na mga higaan sa kaliwang banda at napansin kong may benda ang aking braso.
Sa aking kanan ay mukhang nakatulog si Kiara sa pagbabantay sa akin.
Masakit ang buong katawan ko ngunit wala akong maalala sa mga huling nangyari. Bigla na lamang akong nawalan ng malay. Napahawak ako sa aking ulo na sumasakit ngayon.
Shit. Anong oras na ba?
Agaran kong tinanggal ang aking benda at nagmamadaling hinugot ang IV line na nakasabit sa aking kamay.
Bigla namang nagising si Kiara.
"V-vic?" gulat niyang tanong sa akin.
"Kamusta ka? Masakit pa ba ang mga sugat mo?"
Mukhang naalimpungatan ito.
"Medyo pero maayos naman na ang pakiramdam ko, " mahinahon kong sabi.
Akma naman akong tatayo na ngunit pinigilan niya ako.
"What are you doing? You should be resting right now. We were so worried about you!" ani ni Kiara.
"What happened? Where are we?"
"You've been unconscious for almost a day. Nandito tayo ngayon sa school infirmary. Galing pa lang dito si Astra ngunit babalik din 'yun agad," ani nito. "She's just getting ready for the party."
"Party?" nagtataka kong tanong.
Tsaka ko lang nakapansin na nakasuot pala ito ng gown na kulay berde. Mahaba ito at mukhang handang-handa na siya para sa party. I admit that she looks stunning in that gown.
"Remember the Annual Winter Solstice party na inannounce ng Headmistress?" Tumango naman ako sa kaniya.
"Ngayon na pala 'yun. "
Napakamot ako sa aking ulo. Nakalimutan ko na ngayon na pala ang party at halos silang lahat ay handa na. Damn. I've been out for almost a day. Kaya pala bangag na bangag ang utak ko ngayon.
"We can get you ready right now if kaya mo na ngunit mas mas mabuti kung magpahinga ka muna," nag-aalala nitong ani. "Masyadong malalim ang sugat mo sa braso. "
"No, it's fine. Sasama ako," pursigidong kong sabi.
Napatingin ako rito at mukhang malalim nga ang sugat ko. It hurts but I'll survive. Malayo naman ito sa bituka.
"Vic, about yesterday..." seryoso nitong panimula.
Napatahimik naman ako.
"I've never seen anyone do what you just did. You defeated Bellona easily and your eyes freaking glowed, " she looks so bewildered.
Napaiwas ako ng tingin at kinagat ang aking labi. I can't remember what happened. Ang naalala ko lang ay nakaramdam ako ng galit, matinding galit.
"You have to explain things to us. Akala ko ba wala kang imperium?" nagtataka niyang tanong.
"I don't know either. "
Napatungo ako. Dumaan ang munting katahimikan sa amin.
"How is she?"

BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasy|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...