Pagkapasok pa lang namin ay napahanga ako agad sa loob nito. It's the complete opposite from what the academy looks like outside.
Kung sa labas ay mistulang mula sa medieval era ang lugar, sa loob naman ay may halong modern at classic vibes ito.
Puno ng mamahaling mga muwebles na gawa sa ginto ang lugar at parang hindi uso ang salitang alikabok dito.
Malaki ang chandelier sa gitna na may mga palamuting krystal na kumikinang. Sa baba naman nito ay may makikita kang tila'y hugis kahon na lumulutang sa ere.
"That's a replica of the Minerva, " sabi ni Kiara.
Tinignan ko ito nang mabuti at natunton na isa itong clear quartz. The clear, transparent, crystal held a faint glow but its edges were dark already. Tila'y unti-unti nang nababalot ng itim ang krystal.
"Bakit naging ganyan iyan?" nagtataka kong tanong.
"It lost its energy for a long time already. Unti-unti na ring nawawala ang liwanag nito, " malungkot niyang tugon.
"What happened?" Nababalot ang aking tanong ng kuryosidad.
Napabuntong-hininga siya at napatingin nang malalim sa krystal. Pati ang ibang mga estudyante ay bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata tuwing tumitingin dito.
Tila'y may malaking koneksyon ang ito sa mga estudyante ng Celestia.
It seems very important to them.Akmang hahawakan niya ito sana ngunit may humarang agad na itim na enerhiya mula sa krystal na agad nakapagpalungkot sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hinga na parang nasanay na ito.
"We didn't know either. Bigla na lang nawala ang liwanag nito kasabay ang paghina ng aming mga imperium."
Napatungo siya, tila'y malalim ang iniisip. Nabalot kami ng katahimikan.
Ngunit mukhang naalala niya na nandito pa ako kung kaya't agad niyang pinalitan ng pilit na ngiti ang kaniyang mukha at lumingon sa akin.
"But anyways, I'm Kiara! The Vesper of Wind. You're Octavia, right?"
Vesper?
"Yes, but you can call me Vic," sagot ko saka tumango siya sa akin.
Nagsimula kaming maglakad papunta sa kaliwa kung saan may malaking hallway kaming dinadaanan. The floor was carpeted. May mga malalaking paintings din na nakasabit sa dingding.
Mayroon kaming nakakasalubong na mga estudyante ngunit kakaunti lamang. Mukhang iniiwasan kami nito na agad ko namang ipinagtaka.
Kadalasan sa kanila ay papunta sa kanan kung saan ay hula ko naroon ang mga classrooms dahil dala-dala nila ang mga kanilang mga libro. Binanggit naman sa akin ni Kiara na papunta kami ngayon sa dormitories nila.
Mabuti na rin upang makapagpahinga muna ako saglit mula sa malayo-layong biyahe namin kanina. Idagdag pa ang kumakalam ko na ring sikmura.
There were different paintings and tapestries of the gods and godesses draped against the wall. Each were seven meters high and looked so realistic.
There were also paintings of the past headmistresses and leaders of the academy. Nakasulat ang mga pangalan at taon ng kanilang pananatili sa Celestia sa baba nito. Ngunit isang partikular na painting ang nakakuha ng aking atensiyon.
Ito ay painting ng isang lalaki na tila'y palagi itong galit. Seryoso ito habang nakatingin. Bahagya pang nakakunot ang noo at bakas sa kaniyang mukha ang pagkairita.

BINABASA MO ANG
The Last Of Her Kind
Fantasia|| THE SIREN || "You don't know me." She can never run away from her past for she is the last hope. Celestia Academy is in a middle of crisis ever since the gods and goddesses went silent. Five years have already passed ever since "the thunder". No...