Chapter 4

442 123 55
                                    

Pagdating namin sa quadrangle, napansin ko agad ang dami ng mga tao rito. Lahat ng mga estudyante ay nagtitipon-tipon at naroon nakatayo ang Headmistress sa maliit na platform sa harapan.

Napuno rin ng mga bulungan na nagtataka kung bakit kami pinatawag nang biglaan.

"Dito ka lang muna ha? Babalik din kami," paalam sa'kin ni Kiara saka sila nagtungo papalapit sa Headmistress.
Sinagot ko lamang siya ng isang tipid na tango.

Mukhang may pinag-uusapan silang lahat saglit. Naiwan akong mag-isa sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang pagtango-tango nila mula sa sinabi ng Headmistress. Hindi nagtagal at agad ding umupo sa mga upuan na nakalagay sa platform ang mga Vespers. Lima itong lahat at mukhang bakante ang isang upuan nito.


Lima? Hindi ko alam na lima pala sila sa council.


Silang apat lang naman ang nakikita kong mga Vespers sa academy at bukod sa kanila, wala na akong iba pang nakasalubong na katulad 'yung uniform sa kanila. Ang dagdag na suot nilang coat ay kakaiba sa uniporme ng ibang mga estudyante.

Nakaharap sila sa aming lahat na may seryosong mga mukha. Biglang tumahimik naman ang paligid nang pumunta na sa gitna si Headmistress Dawn.

"Good afternoon, Celestians. Ipinatawag ko kayong lahat dahil may nais akong ipaalam sa inyo. Hindi ko na ito papatagalin pa kung kaya't hinihingi ko ang panandalian niyong katahimikan."

Dahan-dahan ay naglaho ang nag-uusap na mga boses na aking naririnig mula sa mga estudyante at napalitan ito ng katahimikan. Nakabaling ang atensiyon ng lahat sa sasabihin ng Headmistress.



Tumikhim muna ito at nagsalita, "I am here to announce a special event."



"For those who do not know, we will be hosting our Annual Winter Solstice Party tomorrow night," anunsyo nito.

Agad na nagbulong-bulongan naman ang mga estudyante tungkol dito. The others look even excited about it. The girls beside me started giggling while talking about their gowns, obviously thrilled for tomorrow's party.

It's been a while since I've been to one. Kung meron mang isang bagay na pinakainaayawan ko, 'yun ay mga parties. Masyado akong tinatamad para sa ganiyan at nakakapagod makihalubilo sa mga tao.

Mas gugustuhin ko na lamang matulog magdamag sa aking kwarto o hindi kaya kumain. Socializing requires too much effort and I must say, I am not a fan of it.

Idagdag mo pa ang dami ng tao at sakit ng paa mo kakasuot ng heels. Parties have never been my bestfriend.

Ito pa naman ang mga hilig ng aking mga kapatid. Masaya sila palagi tuwing may selebrasyon na nagaganap kaya minsan napipilitan akong samahan na lamang sila upang hindi ang mga ito malungkot.

"Everyone is required to attend. We will also be welcoming back the President of the Council of Vespers kaya aasahan namin ang iyong mga presensya bukas."

Mas lumakas ang bulong-bulongan ng mga tao.


"Iyon lamang, maraming salamat. Maaari na kayong bumalik sa iyong mga ginagawa, " mariin niyang sabi.


Mabilis naman nagsialisan ang mga tao sa quadrangle. Ang iba ay bumalik sa mga classroom nila, tila'y sumusulyap pa sa akin bago mga tuluyang umalis. I sighed with the dramatic attention they're giving me.


Tahimik ko naman hinihintay sina Astra na kasalukuyang kausap ulet ang Headmistress ngayon. I suddenly became alert when I felt as if someone is watching me.

Hindi lamang ako nagpahalata at kalmadong nagpatuloy sa paghihintay sa kanila.


Katapos ng ilang minuto ay natapos na rin ang pag-uusap ng council at ng Headmistress. Lumapit na sina Kiara sa akin habang nag-uusap sina Caelum at Lance.

The Last Of Her KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon