Chapter:4

4 2 0
                                    

Nagdesisyon si Ama na mageensayo kami ngayon ng Heneral namin. Para daw mas mapabuti ang kakayahan naming lumaban sa digmaan na nakatakdang mangyari sa mga susunod na buwan.

Naisipan ko na rin na isama si Estino para kung sakali ay mapunta sa kaniya si Acariya ay kaya niyang protektahan ang aking kapatid. Magaling siya habang kalaban ang aming mga kawal. Alam kong kaya niya ngunit kapatid ko ang pinaguusapan dito hindi pwede 'kaya' mo lang kailangan mas magaling ka pa kaysa sa akala mo.

"Isa pa, Prinsipe." Sambit ko habang hinihingal siyang naupo sa damo.

"Paumanhin, Prinsipe Anson." Sambit niya. "Ngunit hindi ko na kaya, maaari bang mamahinga muna ako?"

Tinignan ko siya sandali. "Hindi. Paano kung kailangan mong lumaban hanggang kamatayan? Walang pahinga ang laban."

Tila nabuhayan ang kaniyang loob. Bumangon siya bigla at sinugod ako ng suntok ngunit nahuli ko siya. Napansin ko na may nagmamasid sa amin, napalingon ako at nagulantang nang makita si Feya, Acariya at Clea. Si Feya...siya ang aking magiging asawa sa oras na maging Hari na ako.

Ang isa sa pinaka-ayaw kong tao ay si Feya Talia. Isa siyang Talarin, hindi ako papayag na magkaroon ng ugnayan ang mga Denian sa mga Talarin. Malaki pa at malalim ang sugat na bumaon sa puso ko noong gabing mawala ang aking Ina, malaki ang hinanakit ko sa mga Talarin na parang ang linis-linis ng kanilang mga kaluluwa.

"Feya bakit ka naririto?" Naiiritang tanong ko.

"Binisita ko lang ang magiging asawa ko." Lumapit siya para mayakap ako. "Tila hindi ka natutuwa na naririto ako, Prinsipe?"

Hindi naman talaga. "Pagod ako." Sambit ko. "Papagurin ko lang ang sarili ko lalo kay Estino."

Wala na akong pakialam kung anong gagawin ni Feya at Acariya. Alam ko naman na ayaw rin ni Acariya sa Prinsesa ng Taladtarin.

"Ikaw." Sambit ni Feya pero hindi ko na pinansin. "Bagong Dama ka ba sa palasyo na ito?"

"Hindi po, Mahal na Prinsesa. Ako po ang Diwata ng buwan." Narinig kong sagot ni Clea. "Napakaganda mo naman, mahal na Prinsesa."

"Alam ko."

Namahinga muna si Estino kaya ginawa ko na ang aking pageensayo. Gamit ang espada na may tatak ng sagisag ng Valdena ay inaatake ko ang kahoy. Sa bawat atake ko ay naalala ko ang gabing pinaslang ng isang Talarin ang aking Ina. Buhay pa sana siya ngayon at nababantayan kami ng maayos. Kung narito sana siya ay sana...sana matulungan niya akong pigilan ang nararamdaman ko.

Ina...sana masaya ka na sa piling nina Bathalang Alpas, Bathalang Makisig at Bathalumang Dayang. Alam ko...na isa sa kanila ay tunay kang kilala hindi dahil sa pagiging Reyna mo kundi dahil sa pagiging Diwata mo. Ang Bathalumang Dayang ay iyong matalik na kaibigan kasama ang Punong Diwata na si Kesorya.

Ina, hindi ikaw si Pristillana Natividad ng Valdena. Ikaw si Diwatang Pristillana ng bituin. Inukit mo ang aming hinaharap ngunit ako ang may gawa kung bakit nabago ang lahat. Kung bakit ganito ang kapalaran ngayon.

Ilang araw matapos ang pananahimik sa kaluluwa ni Ina ay pumunta ako sa Talon ng Quirell. Dala ko ang kaniyang mahiwagang aklat ng mga bituin. Narito nakasulat lahat ng mangyayari sa hinaharap. Binuklat ko ito at nabasa ang unang pahina.

Tanag~Makokoronahan ang Diwata ng Buwan bilang nagiisang tagaukit ng liwanag ng buwan.

Rexalmo~Mamamatay ang Hari ng Xelvania, kasunod nito ang kasal ng Prinsesa ng Valdena at Prinsipe ng Xelvania. Magiging Reyna ang Prinsesa sapagkat ang Prinsipe ng Valdena ay magiging punong-dugong diwata.

Porté~Mamumuhay ng mapayapa ang Valdena, Xelvania at Taladtarin,

Hindi ako makapaniwalang alam ni Ina ang mangyayari ngunit payapa pa rin sa Taladtarin. Tinanggal ko ang porselas na suot ko at gamit ang aking mga daliri at isipan ay binago ko ang nakaukit sa bituin.

Tanag~Mapupunta sa mundo ng mga tao ang Diwata ng Buwan sa kaniyang ika-16 na kaarawan.

Rexalmo~May lunas sa sakit ng Hari ng Xelvania at maaari lang magamot ito kapag nakabalik na sa Buwan ang Diwata. Magiging Hari ang Prinsipe sa panandaliang oras sa Valdena.

Porté~Mawawasak ang buong Kaharian ng Taladtarin matapos ang ikalawang digmaan laban sa Valdena. Makakabalik na ang Diwata sa Buwan at walang pwedeng mabago sa kapalaran ng bawat isa.

Humanda kayo, Haring Hireyo, Prinsesa Feya at Reynang Molina. Babagsak kayo sa ginawa ninyo sa aking Inang si Pristillana. Walang makakabago sa desisyon ko. Wala.

"Gimban!" Napabaling ako sa sumigaw. "Diwata ka ba talaga?! Ang mga Diwata, hindi lampa at mas lalong hindi kasing dungis mo!" Dinuro niya ang mukha ni Clea.

"Feya tama na." Sambit ni Acariya. "Masyadong marami ang inutos mo kay Clea kaya hindi masisisi na nadungisan ka-."

"Manahimik ka nga!" Sigaw ni Feya kay Acariya na napataas lamang ang kilay. Bumaling siya kay Clea. "Ayusin mo ang sarili mo. Hindi ko gusto ang lampa."

Nilapitan ko sila para tulungan si Feya. Mabilis siyang tumayo at dumikit sa akin pero tinulak ko siya at pinuntahan si Nilalang.

"Nilalang, sumama ka sa akin." Tila nangamba siya sa aking inasal. Dinala ko siya sa loob ng palasyo habang nakasunod si Acariya sa amin. "Prinsesa, maiwan mo muna kami." Sambit ko.

"A-Anson, patawad. Hindi ko nais ang nangyari sa amin ng Prinsesa Feya." Paghingi niya ng paumanhin.

"Hindi mo na dapat ginawa ang bagay na iyon." Naiinis na sambit ko. "May sariling isip at kilos si Feya kaya hindi mo siya kailangang sundin." Naiinis ako sa inasal ni Clea, hinayaan niyang maging sunod-sunuran kay Feya.

"Patawad."

"Huwag mo muna akong kakausapin hangga't hindi mo naiisip ang ginawa mo. Masyado ka pang madaling malinlang." Huli kong sabi bago siya iwan doon.

Naabutan ko si Ama na nasa harap ng aking silid. Nilapitan ko siya at malakas na buntong-hininga ang kaniyang ibinigay sa akin. Nagtataka akong tumingin sa hawak niya. Hindi...Hindi pwede!

"Nasa aklat mong ito ang iyong hinanakit sa mundo." Itinaas niya ang aklat na regalo ni Ina sa akin noon. "Galing kay Pris diba? Nabasa ko na marami kang dinaanan bago maging ikaw, anak."

"Ama, kaya kong magpaliwanag."

"Hindi, Anson." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mas kailangan kong intindihin na kaibigan ko ang nagutos sa isang tauhan niya na paslangin ang iyong Ina, iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw mo sa mga Talarin, hindi ba? Ayon ang dahilan kung bakit ayaw mong ikasal kay Feya."

Dahil sa nasaksihan ko kanina ay mas lalo akong umayaw kay Feya. "Oo."

"Patawad, Anson. Dapat mas inintindi ko ang nararamdaman mo kesa sa usapan namin ni Hireyo at Molina na i-ugnay ka sa Prinsesang si Feya."

A/N:I'm back! Btw, Tanag, Rexalmo and Porté means Isa, Dalawa at Tatlo in their language.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon