Chapter:13

3 2 0
                                    

Nang makalipas ang ilang araw ay sinubukan na namin ni Clea na paganahin ang kapangyarihan namin. Marami akong natutunan, paano kontrolin ang kapangyarihan ko at natuklasan ko na kaya ko palang bumalik sa nakaraan.

"May sinabi sa akin si Milarya na huwag ko raw aalamin kung paano bumalik sa nakaraan." Sambit ni Clea. "Patawad, hindi kita kayang matulungan."

"Maayos lang. Hindi ko naman gagamitin." Sagot ko.

Gusto ko sanang malaman kung paano ito gamitin kaso hindi na pwede. Kailangan kong makampante sa nangyayari ngayon, ayaw kong dagdagan ang gulo.

Gamit ang kapangyarihan ko ay pwede kong mapabagsak ang buong Taladtarin kaso nangangamba ako sa mga Talarin na walang kalaban-laban. Wala silang karapatang madamay sa hinagpis ng galit ko, maghanda ka Reyna Molina. Ang babaeng pinapatay mo ay kaya kong ipaghiganti ng walang tulong.

Nalaman ko rin kay Haring Hireyo na si Reyna Molina ang nagpapatay sa aking Ina. Pero bakit? Inamin ng Hari na hindi dahil kay Ama kundi dahil sa kapangyarihang mayroon ang aking Ina laban sa mga Denian. Ang pagiging Reyna ni Ina ang naging sanhi ng galit niya, ang selos at galit ang naging dahilan niya para ipapatay ang aking Ina na nanggaling sa maraming sakit para lang makarating sa kung saan siya ngayon. Karapatan ni Ina ang maging Reyna.

"Anson, anak." Napabaling ako kay Ama. "Diwata, maaari ko bang makausap ang aking anak?"

Tumango lang si Clea at nagpaalam na aalis. Napatitig ako sa bulto ng babaeng nakasuot ng kulay Lila na damit na papaalis.

"Ako ang kakausapin mo Anson, hindi mamamangha sa papalayong diwata." Sambit ni Ama na nagpabalik sa aking diwa.

"Ano ang paguusapan natin, Ama?" Tanong ko.

"Tungkol ito sa digmaan natin sa Taladtarin." Sambit ni Ama. "Halika sa loob."

Sinundan ko siya sa loob ng palasyo. Nakita kong naririto si Haring Arturo, Estino Shi-meyah at si Heneral Ricaldo. Hindi maipinta ang mukha ni Shi-meyah kay lubos akong nagtaka.

"Hinihintay lang natin siya." Sambit ni Haring Arturo.

Ilang segundo ang dumaan at may lalake na dumating. Nang lumingon ako ay nakita ko ang Hari ng Taladtarin. Tumayo kaming lahat, pati si Shi-meyah para magbigay pugay sa Hari.

"Patawad, hindi ko mahanap ang tamang oras para makatakas." Sambit nito.

"Bakit ka naririto, Hari?" Tanong ko.

"Tutulungan niya tayong labanan si Molina at ang mga Talarin." Sambit ni Ama. "Maupo ka na, Hireyo."

Naupo si Haring Hireyo sa tabi ni Haring Arturo. Napansin ko na hindi makatingin si Shi-meyah sa kaniyang Ama pero ramdam ko na may gustong gawin si Shi-meyah.

"Anong plano ni Molina sa digmaan, Hireyo?" Tanong ni Ama.

"Isa lang ang plano niya." Tumingin siya sa amin ni Ama. "Ang bumagsak kayong dalawa." Sambit nito. "Sa oras na masigurado niya na patay na kayo ay papatayin niya rin si Acariya-." Natigilan kami nang masamid sa tubig si Estino. "Pagkatapos ay sasakupin niya ang Valdena."

"Hindi maaari." Sambit ni Shi-meyah. "Sa oras na masakop niya ang Valdena ay masasakop rin niya ang Bundok Gawiran, hindi niya pwedeng magawa iyon!"

"Shi-meyah, kaya tayo may plano para maipabagsak sila." Sambit ng Hari.

"Hindi mo naiintindihan!" Sigaw nito. "Ang Bundok na iyon ang nagsisilbing tahanan ko noong mga taon na nahiwalay ako! Ang Gawiran ang naging tahanan ko! Doon mo nakilala si Ina! Ama sa akin ka naman pumanig kahit ngayon lang!" Natigilan kaming lahat sa naisiwalat ni Shi-meyah. "P-Paumanhin, kailangan ko ng hangin."

Nang makaalis siya ay matagal bago kami makapagusap ulit lahat. Sinimulan ito ng aking Ama.

"B-Bakit ka niya tinawag na Ama?"

Bumuntong-hininga ang Hari. "Saka na natin pagusapan, kailangan nating ipabagsak si Molina."

Nang matapos ang pagpupulong ay pinuntahan namin ni Estino si Shi-meyah. Nangangamba na rin si Estino sa kalagayan ng aming kaibigan.

"Shi-meyah?" Natagpuan namin siya sa harap ng palasyo. "Pumasok ka na, wala na ang...ang Hari." Sambit ko.

"Wala na akong pake kung nariyan siya o wala." Lumingon siya sa aming dalawa. "Gusto ko lang naman bumalik sa dati ang buhay ko. Gusto kong maging prinsesa ulit. Gusto kong kapag nagigising ako ay si Ina at Ama ang bubungad sa akin. Bata pa ako noon...bata lang ako nang mawasak ang mundo ko. Masama bang humiling sa bituin na sana...sana ako na lang ang pinili ng aking Ama?"

Natahimik ako kasi wala akong masabi kaso si Estino ang umimik.

"Hindi masama ang nais mo, Shi-meyah." Sagot nito. "Gusto mo bang pagusapan?"

Tumango si Shi-meyah kaya pinuntahan namin ang silid ni Acariya. Nagalala sila ni Clea kaya niyakap agad nila si Shi-meyah.

"Zayta Shi-meyah, bakit ka lumuluha?" Tanong ni Acariya. Naupo si Shi-meyah sa kama ni Acariya kaya sumunod kami.

"Ako dapat ang pinili niya eh." Pagsimula niya. "Sabi niya kahit mawala ang kayamanan sa kaniya basta hindi ako. Sabi niya mahal na mahal niya ako...sabi niya hindi niya kayang mamuhay ng ako ang malayo." Nagsimula na ulit siyang humagulgol. "Pero bakit parang matiwasay siyang nabuhay nang wala ako? Bakit parang wala lang sa kaniya na ang anak niya ay naghihirap?" Natahimik kaming lahat kaya mas humagulgol si Shi-meyah. "Kahit ngayon na malaki ang galit ko sa kaniya ay bakit nasasaktan pa rin ako kapag nakikita siya? Bakit...mahal ko pa rin siya kahit hindi na niya ako kailangan?"

"Huwag mong sabihin iyan, Shi-meyah." Sambit ni Clea. "Ang ama mo ba?"

"Sino?" Naguguluhang tanong ni Acariya. "Viran!" Napasigaw siya nang hilahin siya ni Estino para bumulong. "Ama mo siya?!"

"Oo, Acariya. Ama ko...ang Hari ng Taladtarin."

"I-Ikaw ang anak ni Reyna Wynona?" Tumango lang si Shi-meyah para makasagot.

"A-Aiko." Napabaling kaming lahat kay Eduardo na binabangungot kaya mabilis siyang dinaluhan ni Estino.

Nang maayos na si Shi-meyah ay umalis kaming lahat sa kanilang silid ni Acariya. Si Estino ay pinatulog si Eduardo sa kanilang silid at pumunta na kami ni Clea sa amin.

A/N:lagi na lang may ganito:), btw Zayta means Ate and Aiko means Kuya.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon