Chapter:11

3 2 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko...hindi pwedeng mawala sa akin kahit sino kay Ama o Clea.

"Prinsipe? Nababagabag ka ba?"

"Ha?" Napatingin ako sa kaniya at nginitian niya ako ng matamis.

Bakit...bakit ba ang lakas ng kabog ng puso ko? Tumigil ka na. Hindi mo siya mahal! Hindi ka niya gusto! Hindi...hindi ka niya gusto at kailanman hindi ka niya magugustuhan! At ayon ang pinakamasakit sa lahat, kasi hindi ka na nga niya mahal...hindi mo pa kayang iparamdam sa kaniya na mahal mo siya na higit pa sa kaibigan.

Nginitian ko siya. Alam kong mali kaya hindi ko pa aaminin. Bahala na ang mga bituin, basta kung kami...sana kami.

"Hindi. Inaalala ko lang ang magiging resulta ng haharapin. Alam kong mawawasak ang Taladtarin ngunit may mas karapat-dapat na mamuno sa kaharian na iyon."

"Sino?" Tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. "Ang tunay na prinsesa ng Taladtarin."

Isang ksalanan ang makaalam nito. Ang prinsesang tinago sa buong mundo ay ang prinsesang mas may karapatan bilang Pinuno ng Taladtarin. Walang iba kundi si Shi-meyah. Anak siya ng Hari at ng kaniyang unang asawa na isang mataas na rangong Reyna.

"May Reyna noon sa Taladtarin na lubos na minahal si Haring Hireyo...siya si Reyna Wynona. Siya ang Ina ni Shi-meyah. Namatay ang Reyna dahil sa sakit. Nalaman niya na may ibang anak ang Hari sa ibang babae, si Reyna Molina. Naging malupit si Molina kay Shi-meyah kaya kahit mahal na mahal ni Hireyo ang anak ay pilit niya itong ipinatapon. Si Feya na ang kinilala bilang tunay na prinsesa at si Shi-meyah ay naturingang bastarda."

"S-Si Shi-meyah? Ang pinuno ng mga...Welarto?" Nangambang tanong niya.

"Binuo niya ang Welarto sa mga ipinatapon rin na akala ay bastardo. Si Shi-meyah ang mas may karapatan sa Taladtarin at alam kong mas kaya niyang paunlarin ang kaharian kaso alam ako rin na wala na siyang balak na balikan ang Taladtarin." Pagpapaliwanag ko.

"Kailangan itong malaman ng lahat." Sambit niya. "Kung ikaw ang mas may karapatan, dapat ikaw ang may ari ng lahat!"

"Hindi madali, Nilalang." Sabat ko. "Walang maniniwala na ang isang taga-Xelvania ay ang anak ng Reyna Wynona. Isang Talarin ang Reyna, isang pangkaraniwang na tao lang si Hireyo."

Bumuntong-hininga siya at nawala ang ngiti sa labi. "Minahal ba ng Hari si Reyna Wynona?"

"May posibilidad. Labing-isang taon sila nagtagal." Sambit ko.

"Siguro hindi ko kakayanin." Bulong niya. "Kung ang taong mahal ko ay biglang mawalan ng nararamdaman para sa akin." Tinignan niya ako ng diretso sa mata. "Ayaw ko noon, Anson."

Tinitigan ko siya ng mabuti. Anong ipinaparating niya? May nararamdaman ba siya sa akin? Meron ba?

Nakarating sa mga Welarto ang balita na lalaban kami sa Taladtarin kaya hindi na ako nagulat na andito sa palasyo si Shi-meyah. Ang tinding niya ay sumisigaw ng titulo niya bilang prinsesa. Kahit ipadamit mo siya ng mga maruruming tela ay makikita mo pa rin na may postura siya.

Sinamaan niya ako ng tingin nang makita ako at si Clea ay kaniyang nginitian?

"Akala ko sabi mo walang masamang mangyayari?" Sambit niya at malakas akong sinuntok. "Tiemblah ka, Anson! Madadamay ang mga Talarin na walang kalaban-laban!"

"P-Prinsesa, tama na." Sabat ni Clea kaya natigilan si Shi-meyah at tinignan siya.

"Sinabi ni Anson sa'yo?" Tumango si Clea kaya nakatanggap naman ako ng sipa galing sa kaniya. "Gimban!"

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon