Maingat na inaalalayan ko na makaakyat si Clea sa bundok habang walang problemang umakyat si Acariya na parang kinakausap ang sarili. Nawawala na naman sa sarili ang isang iyon.
"Prinsipe, mag-lilibot muna ako." Paalam niya sa akin. Tumango lang ako dahil kakausapin pa namin ang mga nasa tribo. Hindi muna ako pasaway.
Tinignan ko ang pinuno ng mga tribo. "Shi-meyah, kami ay naparito upang ipaalam sa inyo na pwede na kayong lumisan sa bundok." Nginitian ako ng aking kaibigan na si Shi-meyah. "Naayos na ang inyong bagong titirahan sa Kaharian ng Xelvania."
"Maraming salamat, kaibigan. Pag-palain nawa kayo ng buong Kaharian sa Valdena." Ngiti lang ang naisagot ko at tinulungan sila na ibaba sa bundok ang mga gamit nila.
"Nariyan na ba ang lahat mahal na prinsipe?" Tanong ng aming Heneral.
Luminga ako sa paligid. "Mauna na kayo, akin lamang hahanapin si Acariya at ang diwata."
Bumalik ako sa bundok na ito. Sobrang taas ng aking nilakbay at inaamin ko na nakakapagod, ngunit para sa mga Welarto ay hindi ako titigil. Ano? Pasaway lang ako ngunit hindi ako masama!
Natanaw ko na nakatayo ang dalawa sa gilid at tinatanaw ang sumisikat na araw. May pinag-uusapan silang hindi ko maintindihan.
Napabaling ako kay Acariya na umimik. "Hindi ko siya ninanais na maging asawa. Hindi ko nais na mapangasawa ang isang prinsipe."
"Wala ka ba talagang magagawa?" Tanong ni Nilalang. "Hindi mo ba gustong sumuway? Nadarama ko ang iyong hinanakit, hindi mo ba pwedeng sabihin sa iyong ama na ayaw mo?"
"Ilang beses ko na iyang nasabi kay Ama. Wala."
Si Acariya ay ikakasal sa prinsipe ng tagong kaharian ng Xelvania. Siya ang pinaka-matanda at dalawang taon lamang ang agwat nila ng aking kapatid. Estino, siya ang nais ipakasal ni Ama sa aking kapatid.
Utang na loob na rin ito sa pagiging mabuting asawa ni Ama sa isang Xelvan. Si Ina ay tanging rebelde sa Kaharian nila, ngunit dahil ninais ni Ama ang piling ni Ina ay nag-bunga ng isang prinsipe. Pinakasalan ni Ama si Ina at naging reyna ito ng Valdena. Nag-bago sila para sa mas makakabuti nang maging reyna ang aking Ina gayon rin sa aking Ama.
"Pasensiya ka na, wala akong maitutulong sa iyo." Niyakap ni Nilalang si Acariya.
"Ayos lamang."
Nilapitan ko sila at tinapat ang mukha ko sa tenga nilang pareho. Bumulong ako at...
"Mga Eishte kayo." Biglang napasigaw si Acariya at naitulak si Clea ngunit nahila ko kaagad si Nilalang. "Acariya Natividad!"
"Paumanhin, kapatid ngunit bakit ka naman nanggugulat?" Tila naiinis pa ang aking kapatid.
"Nakaalis na ang Tribong Welarto. Susunod na ba kayo?" May ngiti sa aking mga labi habang binitawan si Clea.
"Saan pa ba tayo pupunta? Uuwi na tayo." Galit na usisa ng prinsesa.
Tumawa lamang ako ng mahina at umiling. "Tapos na ang serbisyo ko bilang isang Prinsipe. Nais kong maging masuwayin na bata."
"Anson ayan ka na naman." Suway ni Acariya. "Naririto si Clea. Umayos ka."
Tinignan ko si Nilalang at hinila siya pababa, alam kong matapang si Acariya kaya kaya na niya ang sarili. "Saan mo ako dadalhin prinsipe?!" Hinihingal niyang tanong habang bumababa kami ng bundok.
"Viran! Anson! Viran ka!" Narinig ko ang mga yabag ni Acariya pababa ngunit nag-tago kami ni Clea sa gilid ng bundok. "Gimban nawala sila."
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasíaSa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...