Chapter:12

3 2 0
                                    

"A-Ano?" Naguguluhang tanong niya.

Napangisi ako at tinitigan siya. "Ang tanong ko...kung gusto mo ba ako?"

Tinitigan niya ako na parang nakarinig siya ng napakayrven na tanong sa buong mundo. Nang mapansin ko ang kaniyang reaksiyon ay parang nais kong kainin ng lupa at mamatay na ngayon. Sige...pwede naman na. Magandang buhay naman ang aking naranasan.

Bathaluman! Sunduin mo na ako!

"Prinsipe, akala mo ba na...ikaw ang tinutukoy ko na nais kong ibigin?" Tanong nito na mas lalong nagpahiya sa buong kalamnan ko.

"H-Hindi ba?" Umiling siya para makasagot kaya napahiwalay ako sa kaniya. "Biro lang kasi iyon, Clea. Akala mo ba inakala ko na may gusto ka sa akin?" Tanong ko rin para makaiwas sa kahihiyan.

"P-Pero mukha kang seryoso kanina."

"Hindi, magaling lang akong umarte." Sambit ko. "Sino ba ang tinutukoy mo?" Paanong hindi ako? Diwata rin! Kaibigan ako! Namula siya sa akin!

"Ang kaibigan kong si Orecto. Naiwan ko siya sa buwan."

Natawa ako ng pilit at sinubukang tignan siya ng diretso sa mata. Ang kahihiyan ko kanina ay napalitan na ng lungkot at galit. May gusto na siya...iba ang gusto niya na kailanman ay hindi magiging ikaw.

Ang tanga mo, Anson. Sobra. Umasa ka na naman kahit wala naman siyang binibigay na motibo. Sinabi na ba niya sa'yo na gusto ka niya? Hindi, diba? Yrven...

Pero...hangga't sa bawat paguusap namin ay namumula ang pisngi niya, siguro hindi mali na umasa kahit ganoon lang ang kinakapitan ko. Ang munting pagbabago sa kulay ng kaniyang pisngi.

"Sige, magpapahinga na ako. Ikaw rin." Sambit ko at nginitian siya. Nilapit ko ang mukha ko sa noo niya at hinalikan iyon, habang ramdam ko ang luha na namumuo sa aking mata. "Makatulog ka sana ng mahimbing, diwata."

Naramdaman ko ang pagbalot ng kaniyang mga kamay sa aking bewang.

"Malungkot ka ba, Prinsipe?" Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Andito ako para sa'yo. Huwag kang malungkot."

Natawa ako ng peke. "Kung kailangan malungkot ako lagi para lang manatili ka sa tabi ko ay sana...hindi na ako sumaya."

Nang bumitaw siya ay nagpahinga muna kami. Sa silid ko nga pala siya tumutuloy kaya hindi ko maiwasang tumingin sa kaniya habang mahimbing siyang nakatulog.

Nadurog ang puso ko sa isipin na aalis na siya na walang alam sa nararamdaman kong pilit na itinatanggi. Kung madali lang na aminin sa sarili at sa kaniya na mahal ko na siya ay ginawa ko na pero bakit ba hindi ko kayang tanggapin? Hindi siya mahirap mahalin, alam ko iyon. Kaya siguro nahulog ako agad sa kaniya nang maging mabuti siya sa akin.

Tinanggal ko ang porselas ko at binawian siya saglit ng buhay. Binuhat ko siya mula sa aking kama at umiyak sa balikat niya. Kailangan ba kitang patayin para lang manatili ka? Sobrang daming tanong sa akin kung anong gagawin para manatili ka kaso bakit lahat imposible?

Binalik ko sa kaniya ang buhay niya. Napansin kong may suot siyang kuwintas na ang nakaukit ay kaparehas ng sa akin. Polira. Bakit nakaukit sa kuwintas niya ito? Kuwintas ba ang pumipigil sa kapangyarihan niya?

Natulog na lang akong yakap si Clea. Kahit minsan gusto kong maranasan na kami kahit imposible.

Nagising ako sa sinag ng araw at ingay ni Estino at Shi-meyah. Inayos ko muna ang aking sarili bago sila puntahan, nadatnan ko si Acariya na maiging pinapanood ang pagtatalo ng dalawa. Si Clea ay walang masabi. Nilapitan ko si Acariya para magtanong pero umimik siya bigla.

"Hindi pumayag si Estino na natalo siya ni Shi-meyah." Sambit niya.

"Tanggapin mo na, Prinsipe." Sambit ni Shi-meyah. "Mas malakas ako sa'yo."

"Hindi!" Pagmamaktol ni Estino.

"Hindi mo man lang pinigilan?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. "Nakakatuwang panuorin ang pagiging isip bata ni Estino."

Napangisi ako. "Nakakatuwa si Estino?" Tanong ko.

"Pwede din. Hindi naman siya masama kung pakikisamahan mo kaso...mabilis kang matatalo."

"Saan?" Naguguluhang tanong ko. Lagi kasing talo si Estino kapag naglalaban kami.

"Wala." Sambit niya na mas ikinagulo ng aking isipan.

Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan sa harap nina Estino. Alam naman na nila ang aking Ina ay isang diwata. Hindi na rin sila nagulat dahil si Clea ay diwata rin.

"Kaya mo bang gamitin iyan?" Tanong ni Shi-meyah.

"Hindi." Sagot ko. "Pero nakapatay na ako ng isang Talarin noon."

"Sino?" Tanong niya.

"Hindi ko maaninag. Basta siya ang pumana kay Ina." Sambit ko na ikinagulat nilang tatlo.

"Hindi namatay si Ina sa sakit?" Tanong ni Acariya.

"Hindi. Isang Talarin na lapastangan ang kumitil sa buhay ng ating Ina." Sambit ko habang tinatanggal ang porselas. Tinapat ko ang palad ko sa tigpo at naramdaman ang kakaibang lakas na dumadaloy sa aking katawan.

May liwanag na lumabas roon nang maalala ko ang gabi na namatay si Ina, hindi na ako nalulungkot kundi galit lang. Nawasak ang tigpo...ganito pala kalakas ang kapangyarihan ng diwata.

"Anson, itigil mo iyan. Hindi natin alam kung paano iyan gamitin." Paalala ni Shi-meyah.

"Kaya kitang turuan!" Pagprisenta ni Clea. "Alam ko ang kapangyarihan ng Diwata ng Bituin, kaya kitang tulungan."

"Sa susunod na, Clea." Sambit ni Acariya. "Mageensayo pa sila."

Panira.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon