Dinala ko siya sa aming kaharian para palipasin ang gabi. Pilit ko siyang tinatago ngunit may isa talaga akong problema kapag ako ay may nililihim.
"Hindi ka magaling mag-tago ng sikreto, mahal kong kapatid." Nagulat ako dahil nasa likod ko na si Acariya. "Kay gandang regalo naman ang iyong naiuwi para sa akin." Tinapik ko ang kamay niya noong aabutin niya ang mukha ng kasama ko.
"Hindi ako makapaniwala." Napatingin kami sa nilalang na kasama ko, hindi daw siya tao kaya nilalang siya. "Kumikinang ka, magandang prinsesa. 'Sing ganda mo ang buwan sa gabi."
Tila natuwa pa ang aking kapatid sa sinabi ni Nilalang.
"Aking kapatid, saan mo nais dalhin ang ating bisita?" Nakangiti siyang nakatingin kay Nilalang. "Halika, ipapakilala kita kay Ama."
Inagaw ni Acariya si Clea at tumakbo papunta kay Ama. Sumunod ako dahil hindi pwedeng maiwanan si Nilalang sa Kapatid ko. Nakarating ako sa silid ni Ama at pinapaikot ni Acariya si Nilalang habang nakangiti sila ni Ama.
"Tunay nga't isa kang diwata. Ngunit hindi ba sa buwan na naninirahan ang mga diwata? Imposibleng meron pang natira sa lupa sapagkat may ginawa ang mga diwata noon, labing anim na taon na ang nakalilipas." Ayon din ang alam ko.
May propesiya noon na sa ika-16 na kaarawan ko at ng diwata ng buwan ay may matinding kakaharapin. Tungkol raw ito sa gera laban sa mga diwata at sa mga Denian, kasama ang Taladtarin at ang kahariang tago. Ang Xelvania.
"Kaarawan ko kahapon, mahal na hari. Regalo sa akin ng mga magulang ko at ng punong diwata ang pag-sulyap sandali sa lupa." Pag-papaliwanag ni Clea. "Ang aking ngalan ay Clea Marina, ako ang namamahala sa hugis, kislap at liwanag ng buwan ngunit..." Tumingin siya sa bintana ng silid ni Ama. "...hindi ko mawari kung bakit narito na ako. Isang maling galaw ang aking posibleng nagawa."
"Ano bang ginawa mo?" Putol ko sa katahimikan ng aking pamilya.
"Ginamit ko lamang ang abo ng paglalakbay at bumilang ng sampo, hindi ko alam kung anong nangyari. Hanggang ulap lamang ang aking punta."
"Ngunit hindi ba hanggang lima lamang ang bilang?" Napag-tanto naming tama si Acariya. "Sumobra ka, mahal na diwata."
"Ngunit...paano na ako makakabalik sa aking mga magulang? Kailangan ako sa lugar namin. Hindi nararapat na naririto ako." Nangilid na ang luha niya. "Kailangan kong makabalik sa lalong madaling panahon."
"Anson." Wala sa sariling bumaling ako kay Ama. "Alagaan mo si Clea, hahanap tayo ng paraan para maisagawa ang pag-babalik niya sa buwan." Pahiwatig ni Ama.
"Masusunod, ama."
Hinatid ko si Clea sa bakanteng silid na kaniyang tutulugan para sa mga darating na araw na naririrto siya. Inatasan ko ang mga dama ng palasyo na ipagawa ng mga suotin si Clea. Sa napili niyang kulay ay ang kulay na hindi tinatanggap sa ibang palasyo. Ang kulay na Lila.
"Masyadong mahirap humanap ng kulay Lila na tela sa buong mundo. Suyurin mo man ang lupa at ang ulap. Wala kang mahahanap na katiting." Pag-papaalam ko sa kaniya, ngunit nag-matigas siya.
"Ayon lamang ba? Walang problema!" Ngumiti siya at itinaas ang dalawang kamay.
Ginalaw niya ang kaniyang kamay at tumuro sa sahig, bago pa ako makakurap ay may mga tela na sa harap ko na kulay Lila.
"P-Paano?"
Ngumiti lamang si Nilalang at lumapit sa mga dama. "Nais ko ang hindi katulad ng sa mga prinsesa, gusto ko na may butas ang tiyan ng susuotin ko para makahinga ang aking balat. Ang sa braso ko ay hindi masyadong natatakpan, sa palda naman ay nais kong takip lahat at walang makikita sa aking mga binti."
Pinapanood ko lang si Nilalang habang binibigyan ng utos ang mga dama. Nginingitian nila ito at halatang natutuwa na may bisita ang palasyo na babae rin.
"Tapos na ba iyan?" Iritableng tanong ko. "Mag-papahinga na si Clea, maaari na kayong umalis." Pag-taboy ko sa kanila.
Tinignan ko si Clea na nakaupo na sa kama at nananahimik lamang.
"Uhh...may kailangan ka pa mahal na prinsipe?" Tumaas ang kilay ko. "Kasi...nais ko nang mag-pahinga."
"Tinataboy mo ako sa sarili kong kaharian?"
"H-Hindi sa ganoon!" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Baka naiistorbo na kita. Marami na kayong naitulong ng iyong pamilya sa akin."
"Maayos ang pakikitungo namin, matigas lamang ang ulo ko at hindi ko gustong sumunod sa utos ng iba." Tumango siya. "Mag-pahinga ka na, alam kong hindi ka nakapag-pahinga simula noong nakarating ka rito."
Ngumiti siya at humiga na, lumabas ako at nag-tungo sa aking silid. Doon tumalon ang aking alaga na kuneho na si Esvierra. Pinakatitigan ko ang kuneho na regalo sa akin ni Ina bago siya namayapa. Ang aking ina, ang reyna na si Pristillana.
"Esvierra...bakit ko nararamdaman ito? Tila ba lumalambot ang puso ko at nawawala ako sa sarili habang nakikita kong masaya ang bisita." Alam ko ang nararamdaman ko ngunit hindi ko muna ito bibigyan ng pansin.
Masyado pa akong bata para maramdaman ang bagay na sisira sa akin sa oras na lumisan na siya sa paligid. Mawawala din siya, isasabay ko sa pag-lisan niya ang pag-lisan rin ng nararamdaman ko.
Namahinga na ako at hinanda ang sarili bukas. Mamamasyal kami ng aking kapatid kasama ang mga kawal sa Bundok Gawiran, ipapaalam namin sa mga tribo na maaari na silang lumisan sa bundok.
Nagising ako ng maaga, wala pa ang araw. Bago sumikat ito ay kailangang nakalakbay na kami ni Acariya. Pwedeng ako lamang ngunit nag-pumilit siya na sumama.
"Clea?" Hinanap ko si Clea sa kaniyang silid at natagpuan kong mahimbing siyang natutulog.
"Mahal na prinsipe?" Nagising siya sa mga yabag ng aking paa. "Ano ho iyon?"
"Ipapaalam ko lamang sa iyo na aalis kami ng aking kapatid. Nais mo ba na maiwan muna saglit sa palasyo?" Nakapikit siya pero umiling siya. "Saan mo nais pumunta?"
"Gusto kong sumama. Gusto kitang makasama." Tinitigan ko muna ang mukha niya, dumilat siya at tinitigan ako. "Sandali lamang at mag-hahanda na ako."
"Bilisan mo." Sigaw ko noong tumakbo siya paalis.
Pinuntahan ko si Acariya ngunit natagpuan ko siyang naka-kunot sa harap ng malaking salamin. Tila kinakausap ang sarili.
"Pakasalan mo ang anak ng Hari ng Xelvania, ika ni Ama." Umirap siya sa salamin kaya pinanood ko muna siya. "Viran!" Pag-mumura niya. "Eishte ka Ama!" Pag-sunod niya sa hindi magandang salita. "Gimban naman!"
"Bibig mo, Acariya." Nagulat ata siya sa biglaan kong pag-sulpot.
"Zeralma! Tiemblah ka Kapatid!" Bunganga talaga nito.
"Bilisan mo na. Aalis tayo kapag natapos na si Clea." Tumango siya.
A/N:curse words na ginamit ni Acariya:Viran-Leche, Eishte-Hayop, Gimban-Punyeta, Zeralma-Puta, Tiemblah-Gago. Hehe huwag na lang gamitin dahil ginawa ko lang naman. HAHAHA Eishte ka Acariya!
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasySa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...