Chapter:5

4 2 0
                                    

Pinapasok ko muna si Ama sa aking silid, nais niya raw na malaman lahat ng hinanakit ko. Kahit ayaw kong pagusapan ay kailangan dahil lahat ng nararamdaman kong sakit ay galing sa pagkamatay ni Ina. Kailangang malaman ni Ama lahat ng nangyari sa kaniyang Reyna.

"Haring Lorencio." Tawag ng Heneral sa aking ama. "Narito na ang Hari at Reyna ng Taladtarin."

Kinuyom ko ang kamao ko sa balita na naririto ang mga taong kailan man ay hindi ko nais makita.

Tumikhim si Ama at inayos ang sarili. Sinabihan niya ako na sumama para mas maging maayos ang pakikitungo ko sa mga Talarin, kahit hindi ako sang-ayon ay pumayag pa rin ako. Nais kong makita kung paano sila namumuhay na hinayaan nilang mamatay ang aking Ina.

Tinagpo namin sila sa Sentré ng kaharian. Rito namin tinatagpo ang mga bisita namin.

Napansin ko na sobra ang kolerete sa mukha ng Reyna Molina. May masamang pakiramdam ako sa mga tingin niya sa aking Ama. Imposible namang may gusto ito sa aking Ama, kung may gusto naman siya sa aking ama ay bakit niya pinakawalan ito noon?

Mas nauna ang maging sila kaysa sa aking mga magulang. Si Molina mismo ang lumuwag ang kapit sa pumapagitna sa kanila ng aking ama kaya hindi ako naniniwala na ito ay may nararamdaman pa para kay ama.

"Hireyo, Molina." Bati ni Ama. "Naririto na ba kayo para sa pagpupulong sa kasal ni Anson at Feya?"

"Oo." Sambit ni Hireyo. "Nais naming mapadali ang ugnayan ng anak namin sa prinsipe ng Valdena."

"Oo naman." Napabaling ako kay Ama. "Ngunit wala na ngayon sa akin ang desisyon kundi kay Anson." Tinignan ako ng Hari at Reyna. "Siya ang magiging asawa ng anak niyo kaya nais kong marinig ang pagpapatupad niya rito."

"Lorencio, hindi ba ang kasunduan ay ikakasal sila at wala na silang sabi rito? Pinirmahan namin iyon." Sabat ng Reyna.

Natawa ako ng bahagya. "Hindi mo yata alam, Reyna." Sambit ko. "Ako ang nais niyong ikasal sa anak niyo, siya mismo ang nagpresenta ng kaniyang sarili; ayaw ng ibang Prinsesa sa ibang lupalop ng bansa na maikasal sa pasaway na Prinsipe ng Valdena."

"Ano ang punto nito?"

"Ako ang gumawa ng kasunduan. Ako ang nagugnay na sa oras na malaman ko na pwedeng mabago ang desisyon ko ay magagawa ko." Nginisian ko sila. "Alam niyo iyan, Hari at Reyna diba...kayo ang pumirma."

Inirapan ako ng Reyna at bumaling sa hari. "Nais ng ating prinsesa na maikasal kay Anson." Pamimilit niya sa Hari. "Ang paraan lang na makawala siya ay kung may mahal siyang iba."

Tumingin sa akin si Ama at bumulong. "Clea."

Huminga ako ng malalim at umiling. "Hindi ko siya gagamitin para makawala ako sa kasunduan na ito. Kung gusto ko si Nilalang ay hindi ako aamin sa ganitong paraan."

"Ang ibig mo bang sabihin ay nais mo nga ang Diwata?" Hindi ako umimik pero natawa si ama. "Mana ka talaga sa akin, anak. Manag-mana."

Wala na lang akong sinabi sa kaniya at pinuntahan si Acariya. Nakita ko si Clea at kakausapin sana kaso iniwasan niya ako at dumiretso sa silid niya.

Hindi na ako galit, nadala lang ako ng aking emosyon. Pumasok ako sa silid ni Acariya at nakitang suot niya ang kuwintas at damit ni Ina. Pinakatitigan ko ang mukha niya sa salamin...kamukha niya talaga ang aming Ina. Kaya siguro maraming may gusto sa kaniya dahil na rin sa taglay niyang ganda.

Nilapitan ko siya at nginitian. Ngumiti din siya habang sinusuot ang korona ni Ina. Mukha siyang malakas na Reyna. Siguro naiba ko ang propesiya pero alam kong magiging Reyna pa rin si Acariya. Mapapangasawa pa nga niya si-.

"Kapatid, mukha na ba akong malakas na Diwatang Reyna?" Pagkumpara niya sa sarili at kay Ina.

"Kamukhang-kamukha mo si Ina, Acariya." Sambit ko. "Pero hindi ka diwata."

Tanging ako lang ang nakamana sa katangian ni Ina na maging diwata. Kaya naiintindihan ko kung bakit ako ang ginawa niyang tagaukit ng mga bituin. Kaya...ako ang piangkatiwalaan niya sa kapangyarihang minsan niya na ring tinaglay.

Napagusapan namin ang kaugalian ng Prinsesang si Feya. Alam kong hindi niya gusto ang prinsesa, si Clea ang inaalala ko. Hindi niya maitatago sa akin na ayaw niya rin sa prinsesa ngunit bakit niya ito nirerespeto kahit walang respeto si Feya sa kaniya?

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon