"Anong balak mo, Anson?" Napabaling ako kay Shi-meyah na nakahilig sa gilid. "Pinili kong maging Reyna ng mga Talarin hindi dahil gusto ko kundi dahil ito ang responsibilidad ko."
Huminga ako ng malalim at tinignan siya. "Ayaw kong mamuno sa kaharian na alam kong mataas ang tingin sa aming pamilya. Ako...ang Hari ng Valdena pero hindi ko maramdaman na makakayanan ko."
"Mararating mo iyan, Anson. Magtiwala ka lang." Sambit niya. "Ililibing ang katawan ng aking Ama hindi sa lupa kundi sa isang silid sa aming kaharian. Katabi ng puntod ng aking Ina...ang kanilang katawan ay maninigas sa aming ginawa." Kilala din ang Taladtarin bilang mga taga-gawa ng kung anong bagay.
"Ililibing ko naman si Ama sa Polira. Malapit sa Quirell, ayon ang kaniyang hiling." Sambit ko.
"Mabuting desisyon iyan pero..." Luminga siya sa paligid bago ako lapitan para bulungan. "Paano na ang diwata? Natapos na ang digmaan ibig sabihin nito ay mawawala na siya ng tuluyan."
Bakit...bakit ba ginalaw ko pa ang aklat ng Orbena?!
"Shi-meyah, Anson." Napalingon kaming dalawa sa aming Ina. "Anson, nais kitang makausap." Sambit ni Ina.
Iniwan namin si Reyna Wynona at Shi-meyah na magkausap.
"Nasa mabuti si Hireyo, anak." Huli kong narinig sa kanila.
Pumasok kami sa kanilang silid ni Ama. Naupo ako noong may kinukuha siya. Sinundan niya ako sa kama at niyakap ng mahigpit.
"Sa oras na...mawala si Clea ay ang pagalis rin namin ni Wynona." Sambit ni Ina. "Kaya mo ng wala ako, diba?"
"Sana nga kaya ko." Sagot ko. "Ilang taon na ang nakalipas, ngayon ko lang ulit naramdaman na mahal ako ng babae...na kaya akong mahalin ng babae kahit ganito ako. Mawawala din siya agad...katulad mo."
"Sa lahat ng nakilala ko, Anson ikaw ang pinakamatatag. At dahil diyan ay mahal na mahal na mahal kita." Alam kong pinapagaan niya ang loob ko sakaling umalis siya agad. "Kakausapin ko si Acariya. Dito ko lang ah?"
"Masusunod." Wala naman akong ibang pupuntahan.
Gusto ko lang namang mag-mahal at maramdaman na mahal din ako. Bakit naman ganito kaaga? Bakit ganito kabilis? Masyado na akong makasarili pero hindi ko na pwedeng itanggi. Kailangan kong gumawa agad ng paraan para manatili si Clea sa aking tabi.
Na maging maayos kami agad.
Kaya naman mabilis akong bumangon at pumunta sa aking silid kung saan inaalagaan niya si Esvierra.
"Clea?" Tawag ko.
"Prin-." Napatigil siya at tumayo. "M-Mahal na...Hari."
Napaingos ako sa tawag nito sa akin. "Hindi pa ako nakokoronahan na maging Hari, Clea." Sambit ko at nilapitan siya para mayakap. "Pwede bang ganito na lang? Hawak kita...na hindi kita bibitawan kasi baka makaalis ka?"
"Ano ba ang nais mong iparating?" Tanong nito.
"Clea, umamin na ako diba? És taryla aiyo." Bulong ko. "Kung kailangan kong sabihin iyan palagi para lang maunawaan mo edi sige. Kaya kong sabihin iyan sa bawat segundo na naririto ka."
"Anson, hindi madali." Aniya at tinulak ako para mabitawan ko siya. "Kahit anong mangyari ay diwata pa din ako. Na kailangan kong makabalik sa aking pamilya."
"Kahit ibig sabihin noon ay iiwanan mo ako rito?" Tanong ko.
"Kahit anong mangyari, Anson...ito ang tadhana ko."
"May magagawa pa ba ako? Iyan ang gusto mong mangyari kaya hindi na kita pipiliting manatili rito. Gusto ko lang na...sana mapasaya kita kahit bilang na ang oras natin."
"Oo naman, Anson. Napasaya mo ako...kaibigan kasi kita."
Tinitigan ko muna ang mata niya bago tumango. Pagkatapos ng lahat ng nasabi ko...ganito pa rin ang turing niya sa akin?
Tama na, Anson...ikaw lang ang nasasaktan. Hindi ka niya kailangan. Hindi...
BINABASA MO ANG
Under the Night's Moonlight
FantasiSa ilalim ng liwanag ng buwan...naging malaya sila. Naging magkaibigan sila, paano kung sa ilalim ng liwanag ng buwan ay masaktan sila? "Inaamin mo na?" "Hindi ka mahirap mahalin, Anson. Pasaway ka pero may bait ka na. Kaya mo na ang sarili mo." Jan...