Chapter:7

3 2 0
                                    

Sa sumunod na araw ay umalis na nga si Estino at bumalik sa Xelvania para pagsilbihan ang mga tauhan sa kanila. Napansin kong may pagkatamlay si Acariya at madalas siyang nakatulala sa kawalan.

Nilapitan ko siya para malaman kung bakit biglang nawalan siya ng gana. Pero noong andito si Estino ay putak ng putak ang bunganga.

"Aca?"

Binalingan niya ako ng tingin at matipid na ngumit. "Anson, andito ka pala."

"Acariya, kanina pa akong nasa harap mo. Binati mo pa ako kanina." Sambit ko na titig lang ang sukli niya. "Bakit ka ganiyan? May masakit ba?"

"Wala naman." Sambit niya at tinabihan ko. "Hindi naman masama diba? Na...magmahal?"

"Ano?"

"Biro lang." Pero hindi siya ngumiti at nanatili ang tuwid na linya sa bibig niya. "Bata pa ako, Anson. Ikaw, si Ina at Ama lang ang kaya kong mahalin."

"Kung..." Sinadya kong putulin ang sasabihin para magisip ng isusunod. "Kung iyan ang totoo, sige hahayaan muna kita pero tama ka." Sambit ko at tinignan siya sa mata. "Hindi masamang magmahal."

Iniwan ko siya dahil bilin niya na ayaw niya munang kumausap ng tao. Ilang araw na noong umalis si Estino at hindi ko makausap si Clea, kapag nakikita niya ako ay liliko siya o babalik sa pinanggalingan.

Hindi ko na nga rin alam kung paano ko na siya kakausapin kapag lagi siyang iiwas sa akin. Nasaktan mo siya, Tiemblah.

Habang kumakain ay tahimik lang si Acariya at Clea, masyado kong iniisip ang magiging sunod na hakbang namin sa pagpapatakbo ng kaharian. Nang matapos naming pagusapan ni Ama ay bumaling ako ng tingin kay Acariya na nakapatong ang siko sa lamesa at nilalaro ang kuwintas niya.

Bago ba iyon? Hindi ko alam kung saan niya nakuha ito. Nang bitawan niya ay napangisi ako sa nakaukit sa kuwintas.

'A~E'

Kahit maliit at mukhang pinilit ipagkasiya ay alam ko na agad ang nakalagay. Tila...nangugulila ang aking kapatid sa isang prinsipe. Patapos na akong kumain nang umalis agad si Clea. Hindi ko na muna pinansin dahil kailangan niyang maging kumportable sa akin para maging maayos ang usapan namin.

"Acariya, saan galing ang iyong singsing?" Tanong ni Ama kaya napabaling ako sa daliri niya.

'X'

Letra ang naging kapalit ng diamante. Napatingin ako kay Ama na natawa saglit.

"Kapag binibigyan ng lalake ang babae ng singsing na may letra, ibig sabihin rito ay nais niyang makasama habang buhay ang babae. Ang letra ang nagsisilbing tanda kung saan nanggaling ang lalake. Sinong Xelvan ang nagbigay sa'yo niyan?"

"H-Hindi importanteng tao, Ama." Sambit ni Acariya. "Paalam, Kapatid at Ama. Mamamahinga na ako."

Habang umaalis siya ay pinigilan ko ang nagbabadyang tawa na kumakawala sa akin. Natapos na rin ako at pinuntahan ang silid ko, bukas ko kakausapin ng maayos si Clea. Kailangan niya rin ng oras para gumaan pa lalo ang kalooban.

Humiga ako sa kama at naalala ang pagtabi minsan ni Ina sa akin. Alam ko...kahit pantay niya kaming mahal ni Acariya ay mas inaalala niya ako. Ako na nagmana sa kaniya sa pagiging diwata. Pinatong ko ang braso ko sa mata ko para pigilang maiyak pero tumulo na sa gilid ko.

"Bakit naman umiiyak ang prinsipe ko?" Napatingin ako sa aking Ina na papalapit sa akin. Binuhat niya ako at pinunasan ang mga luha. "Ang dumi mo na, Anson." Tinawanan niya ako. "Halika na, anak."

Pinunta niya ako sa talong ng Quirell para doon paliguan. Maliit pa lang ako kaya hindi ko pa kayang paliguan ang sarili ko.

"Ina..."

"Ano kamo?" Napatigil siya at tinignan ako. "Ulitin mo, aking Prinsipe."

"I-Ina."

Nginitian niya ako ng malawak at binuhat. Tuwang-tuwa siya habang papalapit si Ama sa amin.

"Pris."

Lumingon si Ina sa likod at masayang sumigaw. "Tinawag akong Ina!"

"Pris, may nakikita kay Anson." Dali-daling kinuha ni Ama ang roba ko at pinulupot sa akin. "Sabihin mo nga, Ama."

"Ama." Sambit ko.

Humalik siya kay Ina na kinainis ko. "Salamat, Mahal."

Hinampas ko ang dibdib niya at yumakap kay Ina. Binaon ko ang mukha ko sa balikat ni Ina.

"Akin..."

"Sige, Anson sa'yong-sa'yo na si Ina." Nginitian ko si Ina.

Hanggang ngayon...kahit may nararamdaman ako para sa iba. Si Pristillana Natividad pa rin ang babaeng bumihag sa puso ko, patay man siya o hindi. Dahil si Ina lang ang minahal ko ng ganito...pero bakit pati...hindi. Huwag na lang pala. Tama na, Anson. Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa mga paniniwala mo.

Sa...mga bagay na walang pruweba. Tumigil ka na lang kasi...masakit lang.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon