Chapter:6

5 2 0
                                    

"Anson."

Napabaling ako kay Feya na galit akong tinawag. Tumigil ako sa planong kausapin si Clea dahil sa prinsesa.

"May maipaglilingkod ba ako sa'yo, Prinsesa?" Naramdaman kong malakas na lumapat ang kaniyang palad sa aking pisngi.

"Nakakainsulto ka!"

Tinignan ko lang siya. "Bakit?"

"Kasi hindi ka pumayag na ikasal sa akin! Ikaw...Ikaw na pesteng prinsipe ka!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At sino ka para hindi respetuhin ang desisyon ko na hindi ikasal sa'yo?" Sambit ko. "Naririto ka sa palasyo naming mga Natividad, kung hindi mo kayang respetuhin ang iba ay mas hindi kita rerespetuhin." Akmang sasampalin niya ako nang hulihin ko ang mga kamay niya. "Isang beses mo pang ikalat ang madungis mong kaugalian sa palasyo ko, hinding-hindi ko kayo papatahimiking mga Talarin."

Binitawan ko siya at nilampasan narinig kong sumigaw siya kaya napahinto ako.

"Bakit ba ayaw mo sa mga Talarin?!"

Natawa ako saglit. "Bakit ko ba gugustuhin ang mga dugong dahilan kung bakit nawala sa akin ang aking Ina?" Hindi ko siya nililingon. "Sinira niyo ang buhay ko, sa tingin niyo gugustuhin kong malapit pa ulit sa katulad niyo?" Naramdaman kong uminit ang mata ko at lumabo ang paningin ko. "Kung hindi lang sana namatay ang aking Ina...siguro wala pa ring magbabago. Hindi pa rin kita pakakasalan."

Mabilis akong lumisan sa kinatatayuan ko at dumiretso sa aking silid. Pinakawalan ko lahat ng hinanakit ko sa aking libro, muling nagbukas ang sugat sa puso ko na nais kong maghilom. Ang mga luha ko ang saksi sa lahat ng masasamang nangyayari sa buhay ko.

Patawad, Ina...ipinangako ko na magiging malakas na ako pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na lagi na lang akong bibigyan ng mundo ng rason upang maging mahina. Nakayakap ako kay Esvierra noong naisipan kong ilabas siya papunta sa harden.

Nang buksan ko ang pintuan ng aking silid ay nakita ko na si Clea. Masaya siyang nakamasid sa mga litrato ng aking Ina. Hinahaplos niya ang kabuoan ng pagkapintura sa aking Ina. Tumigil ako saglit para mapagmasdan siya.

"Diwatang Pristillana." Sambit niya. "Masaya akong nakita ko na ang iyong tunay na itsura. Sabi talaga ni Milarya Kesorya at ni Ina na sobrang ganda mo. Sana...sana nabubuhay ka pa dahil gusto ka na sanang makitang muli ng kaibigan mong si Milarya Kesorya."

Pinagmasdan ko lang ang bawat galaw niya. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang panonood ko sa kaniya. Saka lang ako nabalik sa tamang kaisipan nang makita si Feya na papalapit kay Clea. Haharangan ko sana siya pero andoon na siya kay Clea.

Hinawakan ni Feya si Clea sa palapulsuhan at hinarap sa kaniya. Mabilis niyang sinampal si Nilalang ng dalawang beses na ikinagulat ko. Papagitna na sana ako nang lumaban si Clea ng sampal sa prinsesa.

"Alam mo? Ang tagal na ng pagtitimpi ko sa'yong Prinsesang hindi disiplinado!"

Sinamaan ni Feya ng tingin si Nilalang. "At anong pakealam mo?" Sambit niya. "Hindi naman din kanais-nais ang iyong presensya rito sa Valdena. Simula't-sapol nahalata ko na...may pumapagitna ba sa inyo ng aking prinsipe?"

Halata ba? Masyado ko bang isinisiwalat ang aking nararamdama para masabi ito ni Feya?

"Wala kang disiplina, yrven ka pa?" Nanlaki ang mata ni Feya at akmang sasampalin si Clea nang mahagip niya ang kamay nito. "Ang isang prinsesang katulad mo ay walang silbi sa mundong ito. Hindi ka na nga mabait sa iba, hindi pa kaaya-aya ang iyong wangis."

Marahas na binawi ni Feya ang kamay at umalis. Napansin kong masama ang tingin ni Clea at umirap. Elegante niyang ginalaw ang mga kamay at napansin kong may mga tutubi na lumabas sa palad niyang nakatutok sa bulto ng prinsesang papalayo.

"Ahhh!"

Sinugod siya ng mga insekto at tila siya ay hindi matimpla ang galaw. Siya ay natatakot sa mga hindi mapanakit na insekto.

"Wala talagang silbi." Narinig kong sambit ni Clea. "Simpleng mga nilalang ay kinatatakutan."

Mataray siyang pumasok sa kaniyang silid. Tinuloy ko na ang plano na ipasyal si Esvierra. Nadatnan ko si Acariya na kausap si Estino habang suot pa nito ang naiwang korona ni Ina.

"Maganda, Prinsesa." Sambit ni Estino. "Pero mas maganda kung ang isusuot mo ay korona ng Xelvania."

"Tiemblah!" Sigaw niya.

Sa susunod na araw ay wala na si Estino. Pinayagan lang siya na manatili rito dahil mananatili ang kasunduan at para mas maging malapit sila ni Acariya pero parang hindi naman tumalab kahit gahibla.

Nakarating na kami sa harden at tahimik kong minamasdan ang paligid. Nakarinig ako ng hikbi kaya napatingin ako sa itaas. Si Clea. Bakit siya umiiyak?

"Ina...Ama...paano na ito?" Sambit niya. Gusto na niyang umuwi. "Viran." Humawak siya sa dibdib. "Kumalma ka, alam mo ang halaga mo. Kalma." Tila kinakausap ang sarili. "Huwag kang masaktan, wala kang karapatan. Hindi ikaw ang mahal niya. Kalma."

Nang malapit na ang pagsapit ng gabi ay bumalik ako sa silid. Umalis na rin ang mga Talarin kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko si Clea na parang hindi umiyak kaya nilapitan ko siya.

"Walang masama kung masaktan ka." Sambit ko na ikinagulat niya. "Nagmahal ka. Walang masama kung masasaktan ka dahil ang puso ang hindi mo madidigtahan kahit sino ang ibigin mo."

Napatungo siya kaya iniwan ko siya.

A/N:Hewooo! So ibig sabihin ng Yrven ay Bobo! HAHAHAHA parang sira ka self.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon