Chapter:22

4 2 0
                                    

"Kesorya, bakit naririto ka?" Tanong ni Reyna Wynona.

"Alam ko na kailangang makoronahan ang mga bagong Hari at Reyna. Ako ang nagbibigay ng basbas para maging matagumpay sila." Sambit nito. "Clea, ano't hindi ka pa nakakauwi sa buwan?"

"Patawad, Milarya...ngunit hindi ko alam kung paano makakauwi." Sagot ni Clea.

"Kesorya, halika...kami'y tunay na nangulila noong gabing iyon." Sambit ni Ina. "Na naipahamak ko ang buong angkan nating mga Diwata."

Ipinagdiwang namin ang punong diwata sa kaharian ng Xelvania dahil katulad ng marami ay rito niya nakilala ang Bathalumang si Dayang, dito nila nabuo ang pagkakaibigan nilang apat kasama ang aking Ina at si Reyna Wynona.

Napansin ko rin na kanina pang dumirikit sa akin si Clea, na tila ba'y parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Hindi ko na lang naisip iyon dahil sa pagtirik ng araw ay ang aming pagiging Hari at Reyna ni Shi-meyah sa sarili naming kaharian.

Sa pagtaas ng araw ay siyang kasabay ng pagmamanman ko sa sarili ko. Isusuot na sa akin ang munting korona ng Valdena at magiging Hari na ako...hindi ganito ang gusto ko. Hindi sa ganitong paraan na magiging Hari ako pero wala ang aking Ama sa akin, ginawa ko ang lahat ng ito dahil sa galit ko kaya ngayon ay sinusuklian na ang aking pagiging pasaway.

"Prinsipe, tila ika'y hindi masaya." Sambit ni Ehra. "Dahil ba ng pagkawala ng iyong Ama?"

"Hindi ko maintindihan, Ehra...wala akong nilagay na mamamatay ang aking Ama. Walang nakalagay na mamamatay ang Hari ng Taladtarin at walang nakalagay na hindi babagsak ang Taladtarin."

"Nangielam ako, Anson." Napabaling ako kay Ina noong umimik siya. "Ehra?" Iniwan niya kami dito. "Walang kasalanan ang tunay na pamilya ni Wynona. Nakiusap siya sa akin na ibahin ko ang haharapin dahil alam niyang babagsak ang kahariang pinakaiingatan niya. Si Shi-meyah...mabuti siyang pinuno. Magiging magaling siya."

"Pero...si Ama at ang Hari ng Taladtarin?" Tanong ko sa aking Ina, inayos niya ang buhok ko at napangiti.

"Inukit mong mga bituin ang tanging sagot, Anson. Magiging Hari ka, hindi pwedeng naririto pa si Lorencio kung Hari ka na. Kaya...iniba ko." Sagot ni Ina. "Si Hireyo naman ay araw-araw nananalangin sa mga bathala na sana maayos na ang lahat at maging Reyna si Shi-meyah kaya wala kaming ibang solusyon kundi paslangin silang dalawa. Hinayaan namin iyon kahit masakit kasi ayon ang bilin ni Dayang."

Bumuntong-hininga ako, ramdam ang bigat ng damdamin. "Nagkamali ako, Ina. Naging matigas ang puso ko, hindi ako pwedeng maging Hari."

"Anson, may liham ang iyong Ama para sa'yo. Alam kong alam mo iyon kaya tama na." Niyakap ako ng aking Ina ng mahigpit. "Naniniwala siya sa kakayahan mo. Naniniwala rin ako, Anson."

Pagkatapos naming magusap ay pumunta na kami sa silid kung saan nakalagay ang trono. Sa gilid ng mga mata ko ay ang aking kapatid na may bagong suot na tela, hindi ko pa ito nakikita kahit kailan. Si Shi-meyah ay nakoronahan na kanina bago pumunta rito sa basbas at gabay rin ng punong diwata.

Nanginginig akong tumingin sa punong diwata noong kinuha niya ang korona ng Valdena at tinignan ako.

"Anson Natividad, tinatanggap mo ba ang korona ng iiyong Kaharian kasabay ng responsibilidad na dala ng pagiging hari mo?"

"Tinatanggap ko...lahat ng maaaring mangyari sa oras na tumaas na ang aking posisyon mula Prinsipe patungo sa pagiging Hari." Sagot ko.

Ngumiti siya at nilapag ang korona sa akin. "Binibigyan kita ng basbas upang maayos na masagawa ang iyong responsibilidad sa Valdena."

Matapos ang sandaling iyon ay naramdaman kong yumakap si Clea sa akin at naluluhang ngumiti.

"Maligayang araw ito para sa kaharian, Haring Anson." Sambit niya habang bumibitaw sa akin.

Si Clea...siya ang unang nagsambit ng Hari bago ang aking ngalan.

"Dahil tapos na ito ay babalik na kami ni Wynona sa Remonta. Kailangan na naming magpaliwanag sa aming mga namayapang Hari." Sambit ni Ina kaya mabilis namin siyang inakap.

"Mahal ka namin, Ina. Pakisabi kay Ama na mahal namin siya." Sambit ni Acariya.

"Dahil tapos na ang aking responsibilidad sa pagkokorona sa mga bagong pinuno ay kailangan ko na ring umalis." Sambit ng punong diwata. "Maligayang araw sa inyo, Clea? Halika na't hinahanap ka na ng iyong mga magulang."

"A-Ano?" Nanginig na tanong ng diwata.

"Aalis na tayo sa mundong ito, Clea. Doon tayo sa buwan." Sambit ng Diwatang si Kesorya. "Wala kang dahilan para manatili rito...hindi ba?"

Napabaling sa akin ang diwata at nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Possible ba na...

A/N:Remonta=place like heaven

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon