Chapter:18

3 2 0
                                    

Sa tahimik naming pagsasama ay may pagsabog na nangyari. Bigla kaming napatayo at nagaalalang tumakbo pabalik sa kaharian namin. Nadatnan namin na nasusunog na ang parte ng aming nasasakupan. Tinulungan namin na makapunta ang mga Denian sa loob ng kaharian at doon muna sila titigil.

Ginamitan namin ni Clea ng kapangyarihan para mabilis na mawala ang sunog.

"Eishte!" Naiinis na sigaw ni Shi-meyah. "Bakit ba umaatake sila sa kalagitnaan ng gabi?! Mga Tiemblah!"

"Walang oras para magreklamo, Shi-meyah." Sambit ni Haring Arturo habang nagaayos. "Kailangan na nating kumilos."

"Ama! Handa na ang ating hukbo galing sa Xelvania. Ako ay magaayos lamang ng mabilis." At umalis na si Estino, kasunod ni Shi-meyah.

Mabilis akong nagtungo sa aking silid at sinuot na ang aking kalasag. Nagtungo ako sa silid kung saan maraming armas at nakita kong andito si Clea.

"Clea, pumunta ka na sa Polira. Bantayan mo na si Acariya at Eduardo." Sambit ko habang kinukuha ang espada ng yumaong Ama ng aking Amang Hari.

"Hindi."

Natigilan ako at tumingin sa kaniya. "Clea kailangan mong umalis. Walang mangyayaring masama. Magiging maayos ang lahat."

"Anson, hindi!" Pagmamatigas nito. "May kapangyarihan ako at hindi ako titigil sa Polira para walang gawin. Anson, may kapangyarihan ako. Malakas ako, kaya kong lumaban."

"May kapangyarihan rin ako kaya parang-awa mo na, doon ka na sa Polira." Nahihirapan ako. Kailangan naming manalo sa labanan na ito pero hindi ko kayang isama siya.

"Anson, ano ba?! Kaya kitang samahan! Isama mo naman ako sa digmaan!"

"Hindi nga pwede!" Narinig ko na ang pagiging alerto ng aming hukbo. "Clea...parang-awa mo na. Doon ka na sa Polira, doon ka na lang."

"Anson hindi pwede! Bakit ba ayaw mong isama ako, ha?! Kaya kong lumaban!"

"Gimban! Kasi mahal kita!" Natigilan kaming dalawa sa nasabi ko.

"M-Mahal mo ako?"

"És taryla aiyo." Bulong ko at humawak sa kaniyang pisngi. "Hindi ko kayang sumabak sa digmaan kung kasama kita...na alam kong pwede kang manganib ang buhay. Na pwedeng ma-mawala ka sa akin. Hindi kita isasabak sa digmaan dahil hindi kita hahayaang mawala sa akin."

"A-Anson."

"Hindi ko kayang lumaban na ikaw ang inaalala kaya parang-awa mo na...doon ka sa Polira. Doon ka tumigil."

Nang hindi siya sumagot ay tinignan ko siya. Wala siyang masabi kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sundin mo ako...kahit ngayon lang."

"Anson, hindi pwede." Pagmamatigas nito.

"Anson! Tara na!" Sigaw ni Ama sa labas. "Kailangan-."

"Tigil!"

Hinila ko pababa si Clea at tinakpan ang kaniyang mga mata nang may liwanag na bumaba galing sa itaas. Nang makaraos na sa pangyayari ay tinignan ko na ang nangyayari.

"Sasabak ang diwata ng buwan sa digmaan." Sambit ni Ina.

"I-Ina..."

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Lumapit siya at sinampal ako. "Alam mo? Maayos sana kaso kailangan mo si Clea. Hindi mo kayang lumaban ng magisa."

"Pero Ina-."

"Walang pero, Anson. Isasabak mo si Clea sa digmaan."

"Pris?" Napatingin kami kay Ama at nilapitan siya ni Ina. "Pris..."

"Mahal na Hari." Sambit ni Ina habang niyayakap si Ama. "Nangulila ka ba sa akin?"

Niyakap na rin siya ni Ama at naluha. "Sobra."

Kahit ayaw ko, sinama na namin si Clea sa digmaan. May proteksyon ang kalasag na pinagamit namin sa kaniya. Siyempre kulay Lila ulit ito. Kaharap ko si Estino na sinusubukan ang kaniyang pana, si Shi-meyah ay ginagamit na rin ang kaniyang espada na nanggaling sa Reyna Wynona.

"Shi-meyah?" Napalingon kaming lahat sa kakaibang boses. "Shi-meyah, anak."

"Reyna Wynona." Sambit namin at nagbigay pugay.

"Bakit naririto ka, Ina?" Sambit ni Shi-meyah habang nilalapitan ang Ina.

Niyakap nila ang isa't-isa, nakita ko sa mata ng Reyna ang pagkasabik na mayakap muli ang kaniyang anak.

"Ina...buhay ka? Hindi ka namatay?" Tanong ni Shi-meyah.

"Hindi, anak. Katulad ng Diwatang Reyna ay isa lang akong Vaĺle. Tunay na ako'y namatay. Alam lang namin na kinakailangan niyo kami." Paliwanag sa amin ng Reyna ng Taladtarin.

"Handa na ba kayong lumaban?" Tanong ni Ina habang nakatanaw sa malayo.

"Handa na, Mahal na Reyna." Sagot ni Estino habang inaayos ang pana.

Para sa Valdena...lalaban kami hanggang kamatayan. Itaya man namin ang aming mga sarili, para sa buong samabayanan.

"Laban, Valdena!" Sigaw ni Heneral Donarlo. "Laban, Xelvania!"

Handa na kaming sumugod.

Vaĺle=Kaluluwa.

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon