Chapter:14

3 2 0
                                        

Habang sa gitna ng mahimbing na pagtulog ng buong kaharian ng Valdena ay ako'y bumangon sa kaniyang kama at naglibot sa paligid. Sinilip ko ang silid ni Estino at Eduardo, pareho silang tulog. Sunod ay kay Acariya at Shi-meyah, mahimbing rin silang natutulog. Nang makasigurado na lahat ay tulog, lumisan ako sa kaharian at pumunta sa Polira.

"Ano bang ginagawa mo, Clea?" Tanong ko sa sarili.

Tinanggal ko ang kuwintas at tinapat ang aking palad sa malaking bato sa harapan ko. Nang mawasak ito ay nakita ko ang tinatagong munting kaharian dito. Pwedeng tumira dito ang mga diwata, pwede kaming bumalik sa lugar na ito...para kahit papaano ay makasama ko ang lalakeng mahal na mahal ko.

"Magwawakas man ang kabanata ng ating kuwento ngayon; hindi ko hahayaang hindi ikaw ang aking maging asawa." Sambit ko na may ngiti sa labi. "Tandaan mo iyan, Anson...kung hindi ikaw, hindi na lang."

Sinuot kong muli ang kuwintas at inayos ang mga bato na winasak ko tapos bumalik na ako sa Valdena. Dumiretso ako sa silid namin ni Anson, bago ako mahiga ay tinitigan ko muna ang kaniyang mukha. Muli kong tinanggal ang kuwintas at binawian siya ng pakiramdam.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya, habang tinititigan ko ang maamo niyang mukha.

"Akin ka na lang..." Bulong ko at tuluyan siyang hinalikan. Binawi ko agad at tinitigan siya sa mata. "Ayaw kong umalis, Anson. Ayaw kong bumalik sa buwan."

"Shhh. Tahan na."

Paano ko sasabihin sa kaniya na natatakot na akong umuwi?

"Ang aking...pamilya, Anson." Sambit ko. "Nangungulila na ako sa kanila."

Patawarin sana ako ng lahat ng diwata na kailangan ako pero gusto ko ring sumaya, maging malaya at magmahal. Ayaw kong ang pagiging diwata ang aking tadhana. Gusto ko ring maging Reyna...gusto ko ring maging Reyna niya.

Tumulog na ulit ako at hindi na inalala ang posibleng mangyari. Nang magising ako ay magkayakap kami ni Anson. Mukhang gising na rin siya at nakatingin lamang sa taas. Wala akong ginawa kundi ibaon ang aking mukha sa gilid niya. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Maling-mali, Clea." Sambit nito. "Sobrang mali na maramdaman ko ito."

Alam ko, mahal. Alam ko. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata ang nararamdaman niya, siya ang unang natalo sa aming dalawa, hindi ako.

Nagpanggap akong kakagising lang at walang narinig nang iangat ko ng kaunti ang aking ulo para tignan siya. Ngumiti siya sa akin at lumapit sa mukha ko para halikan ako sa noo.

"Magandang umaga, Prinsipe." Sambit ko. Ngumiti lang siya at bumangon na.

"Halika na, kumain na tayo." Tumayo na ako at inayos ang sarili ko bago lumabas.

Sa buong araw na kasama ko siya ay parang malambing siya sa akin. Mas protektado niya ako kaysa sa kaniyang kapatid o...baka malakas rin si Acariya kaya hindi siya pinapakielaman ang kapatid.

"Estino!" Sigaw ni Acariya nang mapansin na may paparating na kakaiba.

Hinila ni Shi-meyah si Estino papunta sa amin na malayo sa paparating. Tinanggal ko ang aking kuwintas agad at ginamit ang aking kapangyarihan para matigil ang malaking bato na nagaapoy. Nang mapigilan kong matuloy ito ay tinulungan ako ni Anson na tanggalin ang liyab at inilipat ko ang bato sa malayong lugar.

Nang makabalik ako ay nakita ko ang Hari na mahigpit na nakayakap sa kaniyang mga anak. Naalala ko tuloy ang aking magulang.

"Vina, nasaan si Clea?" Nagpanggap akong tulog kasi ayaw kong magalit ang aking mga magulang.

"Natutulog na, Leon." Sagot ni Ina. "Halika, kantahan mo siya para mahimbing ang kaniyang tulog."

Naramdaman kong tumabi sa akin ang aking ama at malambing na humawak sa pisngi ko. Dahan-dahan kong naramdaman ang antok na bumabalot sa akin.

"Isasayaw, ka sa ulap at maguusap..." Mas gumaan ang pakiramdam ko at nakatulog na ako ng tuluyan.

"Zayta?" Napatingin ako kay Eduardo na nakaupo na pala sa aking mga paa. "Zayta Clea."

Binuhat ko siya at nginitian. "Napakaamo ng iyong mukha." Sambit ko at lumapit na sa kanila.

"Anong nangyari?" Tanong ng Hari.

"Ama, may nagliliyab na batong muntikan nang sumalpak sa kaharian." Sagot ni Acariya. "Hindi namin alam kung saan galing."

"Ang seniyas ng pagbato na nagliliyab ay kasimulaan ng digmaan." Sambit ni Estino. "Galing ito sa Taladtarin, ibig sabihin ay handa na sila at nais na maisagawa na ang digmaan sa lalong madaling panahon."

"Ngunit hindi pa tayo handa." Sagot ni Anson. "Kailangan pa natin ng lugar kung saan pwedeng itago si Acariya at Eduardo. Sa oras na isabak tayo sa labanan ay baka huli na ang lahat kung wala tayong makitang lugar."

"May alam ako!" Sagot ko. Napatingin silang lahat sa akin. "Sa Polira...meron akong natagpuang lihim na lugar, pwede sila roon."

"Salamat." Sagot ng Hari. "Bukas na natin tignan ang lugar."

Nang makalipas ang araw ay pagod na pumasok si Anson sa silid niya. Hinintay ko siya, gusto ko sana bago ako makatulog ay makikita ko ang kaniyang mukha. Lumapit siya at nginitian ako. Nang yakapin ko siya ay nabigla ako dahil sa kaniyang paghalik sa akin bigla. Habang nakapikit siya ay dinadama ko ang kaniyang mga labi.

Humiwalay siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Mananatiling ikaw ang aking buwan...na magbibigay liwanag sa madilim kong gabi."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw kong umasa pero gusto kong bumigay sa kapangyarihan ng pagibig.

Nang makatulog siya ay pinagmasdan kong muli ang kaniyang maamong mukha.

"Sa liwanag ng buwan, ikaw ang hahanapin ko. Sa lamig ng hangin, ikaw ang magsisilbing apoy ko." Naluha ako habang tinitignan siya. "At higit sa lahat...ikaw ang lalakeng hindi ko alam kung bakit pero.." Hindi ko matuloy ang sasabihin sa aking mga hagulgol. "Ikaw ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong makasama ang isang prinsipe kahit masakit. Kahit...pagkatapos ng kaguluhan ay hindi na kita makakasama. És taryla aiyo."

A/N:the last thre words means I love you. Marami na akong words na gawa-gawa;)).

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon