Chapter:15

3 2 0
                                    

Maaga kaming umalis para matignan kung saang lugar namin pwedeng itago ang mga bata. Si Acariya ay isinama na namin para malaman namjn kung magiging kumportable ba siya dito.

"Kailan mo natagpuan ito?" Tanong ni Ama.

"Hindi masyadong matagal, Mahal na hari." Sambit ni Clea.

"Pasado ba sa inyo, Estino?" Tanong ko.

"Maganda rito at mukhang protektado. Basta may magbabantay sa kapatid ko at kay Acariya." Sagot nito habang nililibot ang paligid.

Napatingin naman sa kaniya si Acariya na ikinangiti ko. Nilibot ko na rin ang kapaligiran. Si Acariya ay nakaupo lang sa gitna at walang ganang nakatulala.

"Anong masasabi mo, Ama?" Tanong ko.

"Maayos naman. Maganda ang pagkakagawa ng lugar at alam kong kayang protektahan ng kapangyarihan ninyo ang lugar na ito."

"Kailangan nating lagyan ng malakas na harang para walang makasugod kay Acariya at Eduardo."

"Sandali, nagyon na?" Tanong ni Acariya. "Iiwanan niyo na kami dito?"

"Acariya, masyadong delikado kung hihintayin nating sumugod ang Taladtarin. Pero kasama mo si Ehra at si Guillermo dito. Aalagaan nila kayo ni Eduardo." Sambit ni Ama.

"Ibig sabihin hindi ko makakasama ang aking kapatid?" Tanong ni Estino.

"Huwag kang magalala, kasama naman ni Eduardo si Acariya." Sambit ni Clea.

Tumango-tango si Estino. "Aca, siguraduhin mong maayos ang aking kapatid kapag tapos na ang laban." Lumapit siya kay Acariya at mahigpit na niyakap ito. "Magiingat ka. May kasal pa tayo."

Nang maghiwalay sila ay lumabas na kaming apat at pumasok si Heneral Guillermo at Ehra sa loob kasama ang ibang mga kawal. Tinanggal namin ni Clea ang nagpoprotekta sa aming kapangyarihan. Nang maramdaman ko ang enerhiyang dumaloy sa aking katawan ay tinapat ko na ang aking palad sa harap ng lagusan.

"Rectal urmano Dizeŕa proteksyon tarom." Sabay naming sambit ni Clea.

"Ang proteksyon na ito ay tumatagal ng labing-limang araw lamang. Siguraduhin niyong matatalo ang Taladtarin bago mawala ang proteksyon sa lagusan."

"Masusunod, diwata." Sambit ni Estino.

Umuwi na kami at nakita namin si Haring Hireyo na aalis na ng palasyo. Binati namin siya at ganoon rin siya sa amin at umalis na. Nakita rin namin si Shi-meyah na mukhang kanina pa kaming hinahanap.

"Saan kayo nagpunta?" Tanog nito. Pumasok na si Ama at pinuntahan si Haring Arturo.

"Sa Polira. Iniwan namin si Acariya roon." Sagot ko.

"Ahh...ibig sabihin wala akong kasama sa silid mamaya?"

"Ako na lang, Prinsesa." Sambit ni Clea. "Gusto kitang makasama."

"Sige. Halika, kanina ko pang inaalagaan si Esvierra."

Namahinga na ako sa aking silid. Wala akong ganang kumain ngayon, minsan lang mahiwalay si Acariya sa akin pero ayaw ko namang nadadamay siya sa gulo kaya kahit natatakot akong hayaan siya dito ay hindi ko sila pinigilan.

Kahit minsan lang sana maging maayos na ang lahat. Mahal ko ang pamilya ko at hindi ko hahayaan na hindj kami magtagumpay. Para sa mga mahal ko sa buhay...para sa Valdena. Ang aking katapatan ay aking iuukit sa mga bituin.

A/N:hey so ito lang ang nakayanan ko...sorry, writer's block. :>

Under the Night's MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon